Una kumuha ng pangiba dapat yung malaki at mabigat yung kapag pinukpok mo sa malaking dingding may impact ramdam mo yung yanig "hoy sungit" nawala ako sa train of thoughts ko, sinong tanga naman yung sumisigaw nun sa loob ng library, nakaka tempt icheck kong sino wala din naman kasi akong pake "hoy!" may nagsabi sabay hampas sa likod ko, puta kong hindi lang ako mabait nakapatay na siguro ako "oh kayo ho pala, ano po ginagawa niyo dito?" si ateng kapitbahay pala kung hindi lang siya maganda sinaksak ko na siya ng ballpen "nag eenroll okay lang ba tumabi?" tanong niya habang tinuturo yung upuan ko, puwede ba sabihin ayoko ulol dun ka sa iba syempre hindi puwedeng ganun kailangan polite at mabait *barf* "opo sige lang" sagot ko sakanya "im Brook by the way" sabi niya sakin habang inextend niya kamay niya "Dawn po" sabi ko sabay hand shake, tapos biglang tumahimik, moment of silence kumbaga "ummm so anong course mo?" tanong niya saki, comportable na ako sa silence kanina "mascom po" sagot ko sakanya "ahhh bat ka nag po po you know my first name why dont you call me by that" sabi niyang tumatawa, bakit ka nandito bakit mo ako iniistorbo "ahhh nasanay lang" sagot ko kay Brook "MasCom ka pero naka puting uniform?" tanong niya ulit sakin, bat andami mong tanong "ahhh joke lang medtech pala" sagot ko kay miss madaming tanong "ahhh choice mo or choice ng parents mo?" tanong niya ulit " both" sabi ko habang nagsusulat sa notebook "hmmm must be nice, ilang taon nalang bago ka grumaduate?" tanong niya "isa nalang"
"ohhh wow ilang taon ka na? Parang ang bata mo pa graduate ka ng college" sabi niya "24 baby face lang" sabi ko nakangiti ayiee muka daw akong bata "wow 24? So delayed ka?"
"ahhh hindi 2nd course ko Business ad yung una" oh diba yabang ko "seryuso?" tanong niya sakin "yuup ikaw ano course kukunin mo?" tanong ko sakanya habang ina ayos gamit ko malapit na next class ko "medtech din siguro" sagot niya sakin sabay kindat, napa ngiti nalang ako at napasabi ng "sira ulo".Punyeta Wednesday palang ang tagal naman magweekend ang ginaw ginaw pa naka bubble jacket na ako sa lagay na to bat ba kasi ang ginaw dito sa baguio, nakapila ako sa paradahan ng jeep ng biglang may kumalabit sa likod ko "ohh brook ikaw pala" sabi ko sakanya ng naka ngiti "bat ka pumipila d ba may kotse ka?", "ahhh oo kaso parang mas masaya pumila" sagot niya sakin
"ang sipag mo naman nagrereview kang habang naka pila"
"ahh eto wala to design lang to pangpaypay ang init kasi" ma init? Naka bubble jacket ka dawn
"ang ginaw kaya d ko na nga maramdaman tenga ko eh, nag breakfast ka na ba?"
"pa fall ka?" sabi kong pabiro
Nagulat ata siya sa sinabi ko kasi bigla nalang siyang napatahimik, tahimik pero naka ngiti. Naka upo na kami sa jeep na magkatabi saka ko na alala "naka enroll ka na ba? D ba late na mag enroll since midterms na"
"honestly hindi ako andun para mag enroll" sagot niya sakin
"stalker ka? Oh my god stalker kita?!?"
"feeling, hindi yung pinsan ko nag wowork sa University mo siya yung parang head ng library parang ganun" sagot niya habang may kinukuha sa bag niya
"seryuso no joke?"
"no joke, sabi ng stepmom ko since fresh grad ako why not work with my cousin, i dont have better things to do so why not"
"wait fresh grad ka?" wow hindi halata na galing college
"yup sa manila, polsci"
"san sa manila" tanong ko sakanya
"UST" sabi niya sabay abot ng isang ear piece, kinuha ko naman at nilagay sa tenga ko, na bagot na ata siya sa tanong ko kaya binigay niya to para manahimik ako
"kain tayo jollibee malapit lang naman yung uni at ma aga pa naman"
"libre mo?" tanong ko sakanya
"yup" sagot niya sakin na nakasandal ang ulo sa bintana at naka pikit ang mata, syempre hindi ako tatangi libre eh."ano sayo?" tanong ni brook habang naka pila kami malapit sa cashier "ummm pancake lang siguro tapo hotchoco and mango peach pie"
"yun lang? Ayaw mo ng hmmm burger ganon?"
"oo kumain na ako kanina" sagot ko sakanya
"okay ikaw bahala"
Kami na yung sumunod nung nagsalita si brook
"ate 2 pong pancake tapos yung drinks hotchoco tapos apat na mango peach pie" nagulat ako
"halla brook bat apat?"
"tag dalawa tayo baon mo yung isa" sabi niya sakin na parang wala lang
Umupo kami sa may malapit sa bintana at kumain
"7:30 na may 30 minutes nalang ako ma una na ako sa school" sabi ko kay brook na nagmamadali napansin niya ata na kinain ko yung dalwang peach pie
"kunin mo na to" sabi niya sakin inaabot yung isang peach pie
"akala ko tag dalawa?"
"wala kang baon eh sayo na" sabi niya naka ngiti
Hindi ako tumangi kasi favorite ko yun
"salamat talaga brook promise sa susunod ako naman manlilibre" sabi ko habang sinusout ko yung bag ko
"so may susunod" tanong niyang pabiro
"pag may time" sabi ko sakanya habang dahan dahan naglalakad patalikod
"i'll see you later?" tanong niya sakin
"later" sagot ko naman sakanya.
BINABASA MO ANG
Marlboro Nights
RomansaHindi ito typical love story, yung tipong boys meets girl girl falls inlove with boy boy falls inlove with girl tapos may ups and downs and after all that in the end magkakatuluyan sila, well not this story first off babae ako babae na may gusto sa...