Chapter Four

282 7 1
                                    

"You like him, huh." Alejandro said as he sit beside Alynna. He crossed his legs and looked at her lazily.

Inalis ni Alynna ang tingin sa may hagdan kung saan matagal nang wala si Sebastian. Kumunot ang noo niya sa tanong nito. "Like? Who?" balik tanong niya kahit kilala na niya ang tinutukoy nito. "Saka bakit bigla-bigla ka na lang sumusulpot kung saan." dagdag niya.

"Sebastián Montecillo." simpleng sagot nito. Ang atensyon ay nasa mga estyudanteng dumaraan na. Ang iba ay tinatanguan ito o di kaya'y ningi-ngitian ito na ginagantihan naman ng binata.

"Who wouldn't?" Kibit balikat ni Alynna. "He's handsome." Wika niya. Nais niyang mapangiti sa mga oras na iyon dahil kung malalaman lang nang pinsan niya na pinupuri niya ang kagwapuhan nito ay natitiyak niyang walang katapusan na asar ang matatanggap niya.

"But he's a player, sweetheart. He breaks heart and he wouldn't mind breaking yours too."

"And," she drawled. "you wouldn't?" Alynna asked as she looked at him watching his reaction.

He was silent for a moment before he chuckled, clearly amused by what she said. "Why? Do you like me?" Marahang wika nito. Kung hindi lang nakikita ni Alynna ang kapilyuhan sa mga kulay abo na mata nito ay baka seryosuhin niyang sagutin ito.

Inirapan niya si Alejandro at nag-iwas siya ng tingin. "Pumunta ka lang ba rito para sabihin yan?" mataray na tanong niya.

Ilang minuto na ang nakalipas ngunit hindi pa rin umiimik si Alejandro. Nang lingunin niya ang binata ay nakapikit na ang mga mata nito, nakatingala sa kalangitan. Para bang sinasamyo nito ang mabining hangin. Dahil nasa lilim ng puno ang bench na kina-uupuan nila ay hindi nito alintana ang sinag ng araw.

He looked relax. Mukha itong inosente, parang bata. Hindi maipagkakailang gwapo ang mukha nito. Matangkad ito at ang kulay ng balat nito ay kapeng nilagyan ng krema. Matangos ang ilong, and a kissable lips. Pero sigurado siyang ang kulay gray na mga mata nito na kung tumingin ay kay lamig ang dahilan kung bakit maraming kakabaihan ang nagkakagusto rito.

May ilang hibla ng buhok na tumatabingi sa gwapong mukha nito. Hindi napigilan ni Alynna ang sarili at dahan dahan na inilapit niya ang kamay sa mukha nito upang alisin iyon nang biglang dumilat si Alejandro. Nabitin sa ere ang kanyang kamay at pakiramdam niya ay nahuli siya nito kaya wala sa loob na pinitik niya ang noo nito.

Napaayos ng upo si Alejandro. "Aray. Why did you do that?" Sapo ang noo na tanong nito.

"Sorry." Labas sa ilong na hinging paumanhin ni Alynna. "Akala ko kasi'y nakatulog ka na." pilit niyang pinakaswal ang kanyang boses.

Sa mga oras na iyon ay nais niyang tumili upang ilabas ang pagkapahiya na nararamdaman kung hindi lamang siyang magmumukhang loka-loka sa paningin ni Alejandro pati na rin sa mga estyudante sa paligid nila. Pakiramdam niya ay nahuli siya nito sa kanyang balak kahit hindi naman iyon ang nangyari.

Tinignan niya ito mula sa kanyang peripheral vision kung may ideya ba ito sa dapat na gagawin niya o hindi pero parang wala naman itong nahahalata. She sighed inwardly.

Walang kibo na tumayo na siya upang umalis dahil hindi niya alam kung paano ito pakikiharapan sa mga oras na iyon. Perro mabilis na nahawakan ni Alejandro ang kanyang palapulsuhan kaya napahinto siya.

Marahang napasinghap si Alynna  at napapiksi dahil parang may kakaibang dulot ang paghawak nito, mula sa braso niya ay dumaloy iyon sa kanyang puso na tila kinuryente at kiniliti.

"You're leaving again."

"May klase pa ako."

Sumilip ito sa relong pambisig nito saka siya tinignan. "You still have two hours before your next class, sweetheart." he said simply.

Beautiful StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon