Chapter Ten

141 5 0
                                    

Tapos na ang lahat nang exam ni Alynna kahit na may dalawang araw pang natitira sa midterm week exam nila. Ibig sabihin ay may dalawang araw siyang libreng araw - Thursday at Friday.

May balak siyang pumunta nang South Korea mamayang gabi at bumalik ng lunes nang madaling araw. Pero kailangan muna niyang abisuhan si Leon. Alam niyang papayagan siya ng pinsan ngunit ipapagamit nito ang private jet sa kanya at di siya papayagang gumamit ng commercial plane. Ayaw niyang magbiyahe kapag mag-isa lang siyang gagamit ng private jet. Mas mabuti pa ang commercial plane kahit mag-isa siya ay may kasama pa rin siya.

Umingos siya sa naisip. Sumubo siya ng nang binili niyang moussoka. Nasa cafeteria siya ng EU upang magtanghalian bago umuwi.

Kung may masasabi man siya sa cafeteria ng eskwelahan nila iyon ay engrande. Para kang tumapak sa isang five-star hotel restaurant. Iba't ibang putahe galing sa ibang bansa ang hinahain. Ang pinagkaibahan lamang ay mas kaswal at self-buzzing ang cafeteria nila.

Napakurap si Alynna nang may umupo sa harap niya. Nang nag-angat siya ng tingin ay ang nakangiting France na may dalang sa hula niya ay italian dish at soda sa tray nito. "How's exam?" tanong nito.

Nagkibit balikat si Alynna. "Hard." Matapat na sagot niya. "Pero tapos na ako." dagdag niya.

Nabitin sa ere ang kutsara na isusubo nito. "Lahat?" Gulat na tanong nito pagkatapos ay itinuloy ang pagkain.

Tumango siya. "How about you?" Polite na tanong niya.

Napasimangot ito. "Bukas pa kami matatapos at may exam pa kami pagkatapos ng lunch. Santa cielo!" Reklamo nito.

Bago pa maka-imik si Alynna ay nasa estranghero na sa kanyang likod ang atensyon nito. She went rigid nang marinig niya ang pangalan na sinigaw nito.

"Lee Ji Ah!"

Hindi nangahas si Alynna na lumingon. Hindi rin naman siya bastos para basta na lang umalis. Kaya yumuko na lang siya at ibinalik na lang sa pagkain ang atensyon pero nang sumubo siya ay pakiramdam niya ay buhangin ang kinakain niya, di niya malasahan.

Nakita niya sa kanyang peripheral vision ang paglapit ni Ji Ah sa puwesto nila. Sandaling nagbatian ang magkaibigan.

"Alynna." Tawag pansin sa kanya ni France.

Ilang segundo munang pumikit si Alynna upang pakalmahin ang sarili. Nang imulat niya ang mata ay saka siya nag-angat ng tingin. She smiled tightly and raised her right eyebrow in question. She didn't dare to look at Lee Ji Ah. She can't trust herself to speak. Baka walang boses na lumabas sa kanyang lalamunan kapag sinubukan niya.

Kung may napansin mang kakaiba si France sa kilos niya ay hindi nito isanatinig iyon. "This is Lee Ji Ah, my bestfriend. You can call her Jenni, you know the model." Pakilala nito sa kanya.

Tumango si Alynna. Nang tinignan niya si Ji Ah ay nakangiti ito at may dala rin tray. Binaba nito iyon sa mesa at inilahad ang kamay na tinanggap naman niya.

"Alynna," tipid na wika niya.

"Please don't mind, France. She's talking nonsense. Call me Jenni." Wika nito. Ilang sandali pa ay kumunot ang noo nito. "I think I know you." Dagdag pa nito bago umupo sa tabi ni France.

Nang i-search niya sa internet ang anak nang kanyang Ama ay ang larawan nito ang lumabas. Noong una ay parang pamilyar ang mukha nito. Ipinagsawalang bahala niya iyon dahil modelo ito at ang akala niya ay baka nakita na niya ito sa magazine o billboard pero ngayong nasa harapan na niya ito ay naalala na niya kung saan niya nakita ang babae, ito ang nakabanggaan niya sa mall ilang linggo na ang nakakalipas.

"You're the girl in the mall." Simpleng wika niya.

Saglit na napaisip ito at namilog ang mata nang maalala ang aksidenteng pagtatagpo nilang iyon. "Yes! Small world."

"Indeed." France said.

Alam niya ang rason kung bakit ngayon lang niya nakita si Jenni sa eskwelahan nila. Abala ito sa pagiging modelo sa ibang bansa lalo na at fashion week. Jenni may not be a supermodel but slowly she is building up her name in fashion industry.

Nagkwentuhan ang magkaibigan habang si Alynna ay tahimik lang sa isang tabi na nakikinig. Paminsan-minsan ay isinasali siya ng mga ito ngunit matipid lang ang mga naging sagot niya.

Mabilis na naubos niya ang moussoka. Inayos na niya ang pinagkainan. Tumayo siya, dala ang tray. "Mauna na ako sa inyo, guys." Paalam niya sa mga ito at tipid na ngumiti.

"Okay. Take care." Wika ni France.

"See you around." Wika naman ni Jenni.

Pero pag-ikot niya ay nagulat siya dahil muntik na niyang mabangga si Alejandro. Nakapamulsa ito at pinagmamasdan siya. Pinilit pinatiling blanko ni Alynna ang mukha niya kahit na ang pintig ng puso niya ay kay lakas pakiramdam niya ay naririnig nito iyon.

Magmula noong hinalikan siya ng binata ay pilit na niyang itong iniwasan na naging madali naman dahil sa midterm week exam nila. Nanatili siya sa library at kapag sa klase naman ay kay France niya ibinibigay ang atensyon niya.

"Excuse me." kaswal na wika niya.

Nang hindi kumilos si Alejandro ay si Alynna ang umiwas. Pinagmamasdan pa rin ni Alejandro si Alynna palayo nang tinawag ni France ang atensyon nito.

"Balita ko ay break na naman kayo ng girlfriend mo." Intriga ni France kay Alejandro. Hindi na narinig ni Alynna ang sagot nito dahil nakalabas na siya ng cafeteria.

Huminga siya ng malalim. He have a girlfriend, Allie. Umirap siya sa isiping iyon.

Habang naglalakad ay inilabas niya ang kanyang smartphone upang tawagan si Leon para ipaalam ang pagpunta niya sa South Korea kahit na private jet na ang gamitin niya o di kaya ay papaki-usapan na lang niya ito.

Hinihintay niya ang pagsagot ni Leon sa kanyang tawag nang may humawak sa palapulsuhan niya. Napatigil siya sa paglalakad upang tignan kung sino ang pumigil sa kanya.

Si Alejandro.

Saka namang pagsagot ni Leon sa kabilang linya. "Kuya," bati niya. Pilit pinakawalan ni Alynna ang sarili sa pagkakahawak ni Alejandro pero lalo lamang humigpit ang hawak nito. Tinignan niya ito ng masama. "Can I call you in a second, Kuya?"

"What's going on, Alynna?"

Alynna sighed. "I'm going home tonight. I mean, South Korea."

"It's your exam week."

"Ne. Pero tapos na ang exams ko."

"Okay. I'll get the jet ready." Leon said with finality.

"But," protesta niya pero bago pa niya maituloy ay muling nagsalita si Leon.

"It's either you're going to use the jet or you're not going, Allie." Leon said coolly.

For a moment she forgot about Alejandro, she groaned and stomped her foot. Only when she heard him chuckled she remembered. She glared at him.

"Stop stomping your foot, Alynna," Leon said with a hint of amusement. "And call me if you've decided." He added and the line was cut.

Ibinalik niya sa kanyang bag ang smartphone niya at binalingan si Alejandro. "What do you want?"

"Coffee?" Yaya nito.

"I don't drink coffee." Inirapan niya ito. "Bitawan mo ko. Pinagtitinginan tayo." Wika niya at pilit na inalis ang kamay nito sa palapulsuhan niya.

"You've been avoiding me." He said with a frown like he was confused why she is avoiding him.

She looked at him incredulously, "Close ba tayo?" She asked mockingly.

Alejandro's brilliant eyes narrowed like he was insulted on what she said. He pulled her closed to him, his hands on her waist, his face few inches from hers. It was like taking her back that night in the club. "Is this close enough?" He asked sardonically.

Alynna, aware of the attention they're getting, gritted her teeth. "Fine. Coffee." She hissed.
Alejandro smiled in triumph before releasing her. "Let's go, mi dulzura."

She glared at him. "Don't call me that."

Beautiful StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon