"Hi!" Bati ni Alynna sa receptionist. Nag-angat ito ng tingin mula sa ginagawa at nginitian siya-- it was friendly at the same time professional smile. "I'm here to see Mr. Montecillo."
"Do you have an appointment with him?" magalang na tanong nito.
Nag-aalangan na napakagat-labi si Alynna. "No. I don't have but can you tell him I'm here? I'm his cousin, Alynna Salvador."
Ilang segundo muna siyang tinitignan ng receptionist, tinitimbang kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi. "Just a second."
It was Friday at napagpasyahan niyang lumiban nang pang-umaga niyang klase para bisitahin si Leon at magpaliwanag. He owe his cousin that.
"I'm sorry but Mr. Montecillo is busy at the moment. Would you like to make an appointment?" imporma sa kanya ng receptionist na may ngiti pa rin sa labi.
Gustong matawa ni Alynna sa mga oras na iyon sa isipin na hindi naniniwala sa kanya ang receptionist. At kailangan pang magkunwaring tinawagan nito ang Secretary ni Leon. Napabuntong hininga na lang siya.
"Kailan ko siya maaring makausap asap?" tanong niya. Gusto man niyang ipilit na pinsan siya ni Leon ay alam niyang magmumukha lang siyang desperada.
But she was!
"According to his secretary ay sa katapusan ng July."
Inilabas ni Alynna ang kanyang smartphone para tignan ang kalendaryo. Kumunot ang noo niya. "That's two weeks away from now! Hindi ba ako maaring isingit ngayon kahit ten minutes lang?"
The receptionist gave her a tight smile. "I'm sorry but Mr. Montecillo is a busy man and you really have to make an appointment to talk to him."
Napabuntong hininga si Alynna in disappointment. Inilayo niya muna ang sarili sa reception area para mag-isip. At iisang tao lang naiisip niya pwedeng tumulong sa kanya. Agad na tinawagan niya si Sebastian. Naka-ilang ring muna iyon bago nito sagutin. "I'm in the middle of a quiz, Allie, this better be good." seryosong bungad nito.
Inikot ni Alynna ang kanyang mga mata kahit alam niyang hindi iyon makikita ni Sebastian. "And you're problem is?" sarkastikong tanong niya. Si Sebastian man ang pinaka-pilyo at maloko sa kanilang magpipinsan ay ito naman ang pinakamatalino sa kanila. Alam niyang kahit matulog o umabsent man ito sa klase ay maipapasa pa rin nito ang mga exam at quizzes nito nang walang kahirap-hirap. "I just need Kuya Leon's cellphone number. Can you send it to me, please?" wika niya.
"That's it?" hindi makapaniwalang tanong nito.
"What?" naguguluhang balik tanong niya.
"You called me just to get Kuya Leon's number?" paliwanag nito.
"Uh.. Yeah?" hindi siguradong sagot ni Alynna.
"You could have texted me."
"I know but I need it right now."
It was now Sebastián's turn to be confused. "Why?"
"Nasa opisina ako ngayon ni Kuya. Kakausapin ko sana siya kaya lang ayaw ako paakyatin."
"Ngayon?" naninigurong tanong nito.
"Oo nga. Kulit mo."
Katahimikan.
Malakas na humalakhak si Sebastián sa kabilang linya. "What's funny?" naiinis na tanong ni Alynna rito.
"Oh nothing." wika nito ng makahuma sa pagtawa. "I'm gonna send it to you now." Pigil ang tawa na dagdag nito.
Pinagkibit balikat na lamang iyon ni Alynna dahil wala siyang oras para makipag-usap rito. May klase pa siya mamayang hapon na dapat pasukan dahil may quiz siya sa isang subject, kung wala lang siyang quiz ay hindi na siya papasok pa.
BINABASA MO ANG
Beautiful Stranger
RomanceAlynna went back to Philippines to find the missing piece of her life but she found something else instead. [Written in Tag-lish]