Chapter Eight

188 4 2
                                    

"Be careful, kiddo."

Tumango siya. "Thank you sa paghatid, Kuya. See you later." Umibis na ng sasakyan si Alynnna.

"Ako ang susundo sayo mamaya." Habol na bilin ni Rain sa kanya bago niya isara ang pinto ng sasakyan.

Tumango na lamang si Alynna at tumayo sa gilid upang bigyan daan ang sasakyan na makaalis dahil may mga sasakyan pa sa likod nito na magbaba siguro ng estyudante. Kumaway siya hanggang sa makalayo iyon.

Huminga siya ng malalim. Sa wakas ay nabawasan nang kaunti ang iniisip niya. Napangiti siya at wala sa loob na napatingin sa kalangitan. Napakunot noo siya dahil parang nababadya ang malakas na ulan. Ang kanina'y maaraw na kalangitan ay napalitan ng kulay gray na kaulapan.

Lalong kumunot ang noo niya at lumiit ang mga mata nang maalala ang isang pamilyar na pares na mga mata na kakulay ng gray na mga ulap sa langit.

"It's the same color as his eyes, isn't it?" pilyang bulong ng isang boses sa kanyang tainga.

Nilingon niya ang nakangiting si France at agad rin na inirapan ito. "Who are you talking about?" maang na tanong niya saka nagpatiuna maglakad papunta sa library.

"Sino pa nga ba? Maliban na lang kung may iba kang pang kakilala na kulay abo ang mga mata? Hm?"

"Of course." malakas na sang-ayon niya kahit ang totoo ay si Alejandro lang ang kilala niyang may kulay abo na mga mata. "Hindi lang naman si Alejandro ang may ganoon na mga mata, no." wika niya habang nagbabasa sa reviewer na hawak niya.

"Oh!" dramatikong wika ni France, tuptop ba ang kamay sa bibig. "Are we talking about Alejandro here?"

Napailing na lang si Alynna at pumasok na sa loob ng Library pero napahinto siya nang makita na puno na ang lugar kaya lumabas na lang ulit siya.

Naabutan niya si France na akala niyang umalis na nakasandal sa pader, para bang alam nito na lalabas rin siya. "Malapit na ang midterm kaya puno na ang library." paliwanag nito ng makita siyang muli.

"Midterm?" gulat na wika niya. "Wala pa naman announcement ha?" Nagtatakang tanong niya.

Nagkibit balikat si France. "By monday ay iaanounce na 'yon." Hinawakan nito ang palapulsuhan niya. "Sa classroom na lang tayo magreview." suhestiyon nito.

"Wala bang nagkaka-klase doon ngayon?" Tanong ni Alynna habang naglalakad sila.

"Nope." sagot nito kaya nagpahila na lamang siya rito.

Nang makarating sila sa harapan ng classroom ay binitawan ni France ang palapulsuhan ni Alynna upang buksan ang pinto.

"Oops!" France drawled when she opened the door and saw who was inside the classroom.

Nagtatakang nag-angat ng tingin si Alynna mula sa kanyang reviewer. It was Alejandro and the cheerleader girl. She was crying and Alejandro looked like he was patronizing a little kid and bored. "Oh!" ang tanging nasambit niya.

Nagkasalubong ang mga mata nila ng mag-angat ng tingin si Alejandro. Nakita niya ang gulat sa mga mata nito ng ilang segundo at agad rin iyon nawala. Agad naman na nagpunas ng kanyang luha ang babae at tumalikod sa kanila.

"Wrong classroom. Sorry." wika niya saka hinila si France papalayo.

Magmula nang nalaman niya mula kay France na siya ang rumored conquest ni Alejandro ay iniwasan na niya ang binata. Hindi na niya kailangan ng karagdagang sakit ng ulo lalo na kung gusto niya magkaroon ng tahimik na buhay bilang estyudante sa unibersidad.

Binuksan niya ang isang classroom at nang makita na walang tao roon ay binitawan na niya si France at pumasok roon.

Umupo siya sa unang silya na nakita at inabala ang sarili na magreview.

Beautiful StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon