Chapter Nine

158 3 0
                                    

Maingay, crowded, at madilim ang buong exclusive club na pinuntahan nila maliban na lang sa ilang neon lights. Dahil nasa VIP silang magpipinsan ay mas komportable sila.

It was Saturday night, Alynna and her cousins - Leon, Sebastian, Rain, and Maya - decided to go out. Dahil underage pa ang tatlo - ang kambal at ang kapatid nila Maya at Perry na si Andy - nilang pinsan kaya hindi nila kasama habang si Perry naman ay nasa New York pa.

Hindi niya maiwasang mapailing nang makita na may ilang babae na umaaligid kina Leon at Rain. Hindi pinapansin ni Leon ang mga babae habang kausap si Maya samantalang si Rain naman ay pinapansin ang ilan. Leon is discreet about his affairs.

"Let's dance?" Bulong na tanong sa kanya ni Sebastian na pati ito ay hindi nakaligtas sa atensyon.

Saglit na pinagmasdan ni Alynna ang dance floor saka siya tumango. Pina-una siya ni Sebastian maglakad habang may dalawang bodyguard ang nakasunod sa kanila at pumwesto sa gilid ng dance floor.

"So you and Alejandro?" Maya-maya ay bulong sa kanya ni Sebastián sa may tainga niya dahil sa lakas ng musika.

Saglit na napahinto sa pagsasayaw si Alynna pero nakabawi rin. Kumunot ang noo niya. "What do you mean?"

Tinignan siya ni Sebastián. Pinagmamasdan ang mukha niya habang may pilyong ngiti sa mukha nito na para bang may alam itong sikreto. "Rumours, Alynna. You and Alejandro are the talk at Elite." Tumaas ang kilay nito, daring her to deny it.

May lumapit na babae sa pwesto nila at tila inaakit si Sebastián ngunit hindi iyon pinansin ng kanyang pinsan. Hinihintay ang magiging sagot niya.

"You know better than to listen in rumours, Sevy." Bulong niya sa tainga nito.

"Is it really just a rumour?"

Bago pa makasagot si Alynna ay kasayaw na ni Sebastián ang babae na tumabi sa kanila. Kinurot niya ito sa tagiliran ngunit nginitian lang siya nito ng nakakaloko.

Umalis ng dance floor si Alynna at nagtungo sa may bar. "Dry martini, please." wika niya nang makuha ang atensyon ng bartender. She looked at the direction where Sebastián is and glare at him.

"It's on me." wika nang isang baritonong boses bago pa masabi ni Alynna na mag-oopen siya ng tab.  "I'll have cognac." order ni Alejandro.

Tumaas lamang ang kilay ni Alynna nang makita si Alejandro na nakaupo sa tabi niya. Nagkibit balikat siya "Thanks." Saka uminom ng martini.

She looked at him under her eyelashes. He look gorgeous yet formidable in his black polo that is casually tuck in his black trouser. She can see a bit of his chest because of the three unfasten bottons but his tousled hair made him look like a boy-next-door.

He's attractive and she's attracted. She doesn't like it. Alejandro looked like trouble and heartbreak.

If Alynna is surreptitious, Alejandro was not. He was shamelessly looking at her and she was thankful that it was dark so he can't see the reddening of her cheeks.

Alynna was wearing a black body hugging dress with a thin strap and high heels. Ang alon-alon niyang buhok ay hinayaan niyang nakalugay. And for her make-up, she is only wearing eyeliner, blush and red lipstick that contrasted her porcelain skin.

"Like what you see?" matapang na tanong ni Alynna.

Tumaas ang gilid ng labi ni Alejandro. Sinalubong nito ang mga mata niya saka sumagot. "I love it. You look gorgeous."

Nahigit ni Alynna ang kanyang hininga sa narinig. At para pagtakpan ang nararamdaman ay inikot na lamang niya ang mga mata. Tinignan ulit  ni Alynna si Sebastián pagkatapos ay ibinalik ang atensyon sa iniinom na naubos na pala kaya kinain na lang niya ang olive na natira.

Beautiful StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon