Ang tunog ng kanyang smartphone ang nakapag-pagising kay Alynna. Binuksan niya ang isang mata upang tignan ang oras sa kanyang digital alarm clock sa may bedside table.
Alas siyete ng umaga. Malakas na napa-ungol siya pagkatapos ay tinakpan ng unan ang kanyang ulo upang lunurin ang tunog ng kanyang cellphone. Kung sino man ang tumatawag sa kanya ay magsasawa rin.
Masyado pang maaga at Sabado ang araw na iyon. Napuyat siya kagabi dahil sa mga asaignments na tinapos niya. Hinandwash pa niya ang uniporme kahit na may washer at dryer naman ang penthouse ni Rui. Hindi lang siya mapalagay na washing machine ang maglalaba ng uniporme niya. Pakiramdam niya ay hindi iyon malilinis ng mabuti.
Rui offered her housekeeper, who come to the penthouse twice a week to clean, to do things for her but declined politely. She wants independence and she can take care of herself.
Ngunit ilang minuto na ang lumilipas ay hindi pa rin natatapos ang pag-ring ng kanyang smartphone. Pakapa na hinanap niya iyon at saka sinagot ng mahawakan.
"Hmmm." Nakapikit na sagot niya.
"Did I wake you up?" tanong ng nasa kabilang linya.
"Hmmm." ungol niya ulit.
Napabuntong hininga si Olivia sa kabilang linya. Hindi niya masisisi ang kaibigan kung tulog pa ito sa mga oras na iyon pero importante ang ibabalita niya sa kaibigan "Wake up, Alynna. I'm trying to save you here." may diin na wika niya.
Agad na nakilala ni Alynna ang boses ng kaibigan. "Can I call you later?" she asked hypothetically. "Inaantok pa kasi ako." At walang pumapasok alin man sa mga sinasabi ni Olivia sa tainga at utak niya.
"Katatapos lang namin mag-usap sa telepono ni Tita Ruth, Allie." Seryosong patuloy nito. "Ang sabi niya ay tinawagan niya ang pinsan mo dyan sa Pilipinas para kamustahin ka." pagbitin nito.
Katahimikan.
Hindi pinansin ni Alynna ang sinabi ni Olivia dahil malapit nang sakupin ng antok ang kanyang diwa ngunit muling nagsalita ang kaibigan.
"It was your Kuya Leon, Allie."
Ilang segundo muna ang lumipas bago rumehistro sa utak niya ang sinabi ni Olivia. Wala sa oras na napabalikwas siya ng bangon. "Holy---"
"Your mouth, Alynna." mabilis na pigil sa kanya ni Olivia.
Nahahapong napahiga siyang muli. "Anong sabi ni Mama?"
"Nag-aalala siya. Akala niya ay sa Father mo ikaw tumuloy kaya agad niya akong tinawagan nang malaman niya na hindi ka kila Kuya Leon nakatuloy."
Wala sa sarili na napatango siya kahit alam niyang hindi siya nakikita ni Olivia. Noong magbukas ng restaurant ang Mama niya sa isang branch ng Montecillo hotel bilang negosyo ay halos lumipad ang buong pamilya nila para sa ribbon cutting at suportahan sila. That's how Olivia met her family. Just once and a long time ago.
"And?"
"Ang sabi ko ay sa condo ni Rui ka nakatira dahil nasa business trip naman siya at dahil alam naman ni Tita na ex ko and kaibigan na rin ay naging madali ang pag-eexplain ko." mahabang paliwanag nito.
"Livvy, 감사해 (thank you)."
"I know." Masuyong wika ni Olivia sa kabilang linya. "And I heard from Tita that your Kuya Leon is a bit overprotective and bossy, Allie. Siya na raw bahala manermun sayo." Livvy giggled. "Kaya kita tinawagan to save you or maybe warn you."
"Yeah, yeah. Ikaw na ang pinakamabait na kaibigan."
"Yup. Be careful, 친구(friend). 잘가 (goodbye!)!" Paalam ni Livvy pagkatapos ay pinatay na nito ang linya.
Sinubukan niyang matulog ulit ngunit hindi na siya dinalaw ng antok. Kaya napagpasiyahan na lamang niya na bumangon. Marami pa siyang gagawin sa araw na iyon.
---
Pakiramdam ni Alynna ay kanina pa may sumusunod sa kanya. Hindi niya alam kung napaparanoid lang siya. Pinagmasdan niya ulit ang kanyang paligid.
Katatapos lang niya mag-grocery at nasa isang restaurant siya sa mga oras na iyon para mananghalian.
Sa pagmamasid ay napansin niya ang dalawang lalaki malapit sa may entrance. Palihim na tinignan niya ang mga ito. Matikas at malalaki ang mga katawan ng mga ito. Ang isa ay nakasuot ng navy polo shirt, blue jeans, at rubber shoes. Ang kasama naman nito ay nakasuot ng hapit na puting tshirt, faded blue jeans, at rubber shoes.
Nakita rin niya ang mga ito sa may grocerihan kanina pero walang mga binili ang mga ito. Bigla ay kinabahan si Alynna. Kung iisang lalaki lang ang sumusunod sa kanya ay kaya niya ipagtanggol ang sarili. Why, she was a black belt in karate but there are two people. It was an unfair fight.
Pero agad rin niyang pinakalma ang sarili dahil baka coincidence lang ang nangyayari. Siguro nga ay napaparanoid lang siya dahil kahit papaano ay hindi siya pamilyar sa environment niya.
She sighed heavily. Binayaran niya ang kanyang pagkain at umalis na sa restaurant. Sumaglit muna siya sa bag counter upang iwan ang mga pinamili pagkatapos ay dumiretso na siya sa may bookstore. Balak niyang bumili ng babasahin o di kaya ay tumitingin ng libro.
Pasimpleng lumi-lingon sa likod niya si Alynna para tignan kung nakasunod ba sa kanya ang dalawang lalaki nang mabangga siya.
Napasinghap si Alynna sa gulat. "Heol! 죄송합니다 (I'm sorry)" hinging paumanhin niya saka yumuko. "죄송합니다!"
"괘찮애요 (It's okay.) Hindi rin naman ako tumitingin sa dinadaan ko. Nagmamadali kasi ako." wika nang isang mahinhin na boses.
Nabitin ang pag-ipit sana ni Alynna ng kanyang buhok sa likod ng kanyang tainga. "Eh?" naguguluhan na wika niya. Hindi niya alam kung tama ang pagkakarinig niya na nagsalita ng korean ang nakabangga niya.
Nag-angat siya ng tingin at nakita niya ang isang babae na mukhang Korean ang features. She has a unique face. Her face is heart shape and has high cheekbones and big monolid eyes. A pert nose and plump small lips. She was also taller than an average. "You speak Korean." It was more of a statement than a question.
Nakangiting tumango ito. "I'm Korean and a bit of Filipino."
"A bit?" ulit niya.
"Yeah. My father is a half-Korean and half-Filipino but my mom is a Korean." Paliwanag nito. "How about you?"
"I'm a half-Korean and half-Filipino. I was born here but raised in South Korea." naka-ngiting sagot niya sa estranghera.
Bahagyang tumawa ang babae. "Baligtad naman sakin. Sa South Korea ako ipinanganak at dito lumaki."
"Oh!" ang tanging nasambit niya. Alynna sighed. "Pasensiya ka na, ha? Hindi kasi ako tumitingin sa dinaraan ko."
Tumango lang ito. Paatras na naglalakad ito palayo sa kanya. "It's fine and I really need to go. I'm meeting someone for lunch kasi."
"It's okay. Enjoy!" wika niya. Tumalikod na ito at umalis.
Si Alynna naman ay dumiretso na sa may bookstore.
BINABASA MO ANG
Beautiful Stranger
Roman d'amourAlynna went back to Philippines to find the missing piece of her life but she found something else instead. [Written in Tag-lish]