Sunny was super in love with her Zeus-perman-slash-true love. Nasabi niya sa sarili niya na ang lalaking ito na ang huli niyang mamahalin, forever.
Ngunit naudlot ang lahat ng mga pangarap niya nang mahuli niya itong nambababae! Sa una pa lang ay alam na niyang may pagkababaero ito, palibhasa naniwala siya sa kakayahan niyang mababago ito—ngunit nagkamali siya dahil ‘once a playboy will always be a playboy’. Tatanggapin pa rin naman sana niya ito kahit mambabae pa ito habang sila, ngunit ang lalaki na rin mismo ang nakipaghiwalay sa kanya!
She was devastated and broken. Dumating siya sa punto na halos hindi na niya kayang muling tumayo mula sa pagiging broken hearted niya sa lalaki, pero dahil sa tulong ng kapatid niya ay unti-unti siyang nakabangon. Hanggang sa isang umaga ay nagising na lang siya mula sa matagal na pagkabangungot—kailangan na niyang mag-move on! She tried and she succeeded!
Muli niyang hinayaang magkagusto ang puso niya sa iba—kay Jordan, the band guitarist-slash-lead vocalist—at kung kailan masaya na uli ang puso niya dahil sa lalaki ay biglang sumulpot sa eksena si Zeus, okay lang sana kung makikipag-kaibigan ito, ang kaso ay para itong isang kontrabida sa pelikula na laging nakaharang sa pagitan nila ni Jordan! Iisipin sana niyang baka nagseselos ito—pero hindi nga pala uso ang ‘selos’ sa katulad nitong playboy!
BINABASA MO ANG
My Dearest Ex (Completed)
Romance(Sequel of A not so Korean Love Story and Sunny-Zeus' story) Kung kailan nakapag-move on na si Sunny sa ex nyang si Zeus dahil sa panibagong dumating na pag-ibig ay saka naman umepal ang binata sa pagitan nila ng bagong lalaki sa buhay niya! Litsi!