9

562 16 0
                                    

“DAMN!” Ikasampung mura ni Zeus nang araw na 'yon sabay hablot ng bubble stress na nasa bedside at pinagpuputok 'yon—it’s the way to relieve or somehow lessen the feeling of stress.

Nang mga sandaling 'yon ay parang gusto niyang ilublob ang ulo niya sa ice bucket para magising ang kamalayan niya. Kung may lalaking “Sisa” siguro ay siya na 'yon, pakiramdam niya ay nababaliw na nga siya talaga! Ang weird dahil sa buong buhay niya ay ngayon lang may nakagambala nang gano’n katindi sa pagkatao niya—dinaig pa nito ang unang babaeng minahal at nanakit sa batang puso niya!

    Yes, he was referring to no other Sunny Ortega—the only girl who could manage to make him sane and insane at the same time at sa babaeng ito lang din siya naging werdo. Hindi rin niya alam kung paanong nangyaring sa ilang buwan lang ay unti-unti na nitong nahahawakan ang buong mundo niya—na hindi kailanman nagagawa ng ibang mga babaeng naka-relasyon niya.

    Ayaw niya nang gano’n, ayaw niyang may kumukontrol sa nararamdaman niya at ayaw niyang kinokontrol din siya ng puso niya--'yon ay dahil kay Sunny. Sa gano’ng kaiksing pagkakasama nila ng dalaga ay mabilis nitong natawid ang kabilang pader na itinayo niya para iharang sa sinumang gustong makaabot sa pinakaloob ng puso niya.

    At first, natutuwa lang siya kay Sunny dahil napaka-inosente at nakakatawa ito, hindi niya namalayan na dahil sa pagkaaliw niya sa dalaga ay unti-unting napapalapit ang loob niya dito hanggang sa gusto na niya itong maging kaibigan, she is a very bright and optimistic girl, at walang araw na hindi siya masaya dahil dito.

    Hanggang sa nagtapat ito nang damdamin para sa kanya—na hindi na niya ipinagtaka dahil lahat ng babaeng napapalapit sa kanya ay nagkakagusto sa kanya—gayunpaman, nagulat pa rin siya dahil hindi niya ini-expect na magtatapat ito sa kanya sa araw na 'yon, ngunit hindi niya ito binigyan ng sagot at saglit na nilayuan ito dahil baka nao-overwhelm lang ito sa ganda ng samahan nila—at iniisip nitong baka mas maganda ang magiging samahan nila kung mas deeper ang relasyon nila, hindi siya nakipagkita dito ng ilang araw ngunit hindi rin niya ito natiis.

    For the record, may babaeng hindi siya natiis na makita—it was Sunny! Pinuntahan niya ito sa Kofesto branch nito ngunit asual ay naroon uli ang madalas na customer na nakikita niyang kausap ng dalaga—na napag-alaman niyang ex-boyfriend pala nito. Ang weird dahil parang may kung anong sumipa sa dibdib niya kaya nagawa niyang alukin si Sunny na subukan ang next level ng relasyon nila na masayang tinanggap ng dalaga.

    At inaamin niya na sa araw-araw na ginawa ng Diyos, ngayon lamang niya naramdaman na maging masaya at ma-excite nang gano’n dahil sa isang karelasyon. Gusto niyang laging nagpapa-impress kay Sunny—na hindi niya kailanman nagawa sa iba dahil siya palang ay sapat na—ngunit iba sa dalagang ito. Everyday is like a heart’s day for the both of them, laging may dinner date at movietrip sa condo niya.

    Hindi pa niya nakikilala ang ate Summer nitong lagi nitong ibinibida sa kanya ngunit nakilala na nito ang twin brother niya, nang minsang dumalaw si Adam sa Z+ dahil napagkamalan na naman itong siya nang naging girlfriend niya, kaya pinangaralan na naman siya nito.

    Hindi pa siya handang pumasok sa seryosuhang relasyon, hindi pa siya handang ibigay ang hundred percent na tiwala at pagmamahal niya sa babae, kaya kapag nasa isang relasyon siya ay thirty percent lang ang binibigay niya—though nagmi-make sure naman siya na napapasaya niya ang mga babaeng dumadaan sa buhay niya.

    Pero biglang nag-iba ang ihip ng hangin nang dumating sa buhay niya si Sunny, ang petite, white skinned pretty girl with a super cute, fun and bright personality. Parang sa madilim na lugar, kapag dinaanan 'yon ni Sunny ay magliliwanag 'yon. Kung titignan ay parang ordinaryong cute girl lang ito, ngunit iba kapag nakilala ito nang mas mabuti dahil ang character nito ang mas lalong nagbibigay nang kagandahan dito.

    Nagsimulang mabago ang mga pananaw niya tungkol sa pakikisama at relasyon nang subukan niyang i-level up ang relasyon nila ni Sunny. Inaamin niyang malakas ang naging impact n'yon sa buhay niya, kaya ngayon ay natatakot na siya dahil pakiramdam niya ay unti-unti na siyang nako-kontrol ng puso niya—ni Sunny at natatakot siya na dumating ang araw na maging dependent na ang damdamin niya sa dalaga.

    Ayaw na niyang muling maramdaman ang dating naramdaman niyang sakit nang iwan siya nang babaeng huling totoong minahal niya, oo at naka-move on na siya, ngunit hindi niya maiwasang matakot na baka maulit 'yon dahil kay Sunny, ayaw na niyang muling magmahal nang gano’n at hindi pa siya ready na ibigay ang buong puso niya sa isang babae.

    At dahil nga sa kaguluhan nang kanyang isipan ay sinubukan niyang iwasan si Sunny, hindi niya ito sinundo sa trabaho, hindi niya ito nagawang i-text o tawagan. Kumuha pa siya ng distraction—na isa sa mga naging ka-fling niya dati—ngunit hindi naman nabawasan ang kaguluhan sa isip niya, nadagdagan pa ang problema niya nang mahuli siya ni Sunny na kasama ang babaeng ginawa niyang distraction. He is a certified playboy at dati pa ay kali-kaliwaan na ang pambababae niya—ngunit nang mga sandaling 'yon ay pakiramdam niya ngayon lang siya nagtaksil.

    Gayunpaman, parang hindi naapektuhan si Sunny at ang sabi pa nito ay ipaglalaban daw siya nito. May kung anong kumurot sa puso niya ngunit hindi siya magpapadala sa idina-drama ng puso niya, ayaw na niya nang ganitong pakiramdam—nakakatakot at sa huli ay alam niyang masasaktan siya kaya dapat na niyang itigil pa ito.

    Gustong tumutol ang lahat ng pagkatao niya sa naisip niyang solusyon para matigil na ang unti-unting pagkakabaliw na nararamdaman niya, simula college hanggang ngayon ay ngayon lamang siya nagkaroon ng girlfriend na umabot ng hanggang tatlong buwan, ang madalas ay nasa two weeks to one month lang at ang pinakamabilis pa nga ay limang oras at nagtatapos lamang ang pakikipag-relasyon niya dahil nagsasawa na siya o gusto na niya ng bagong makakasama—pero nag-iba ang lahat dahil kay Sunny dahil parang gusto pa niya itong makasama nang mas matagal—kaya mas lalo siyang pinapangambahan dahil hindi na siya si Zeus!

    At kailan pa siya naging one man-woman? Kailan pa siya naging gano’n ka-seryoso pgdating sa pag-ibig? O baka nababaliw na talaga siya dahil kay Sunny? Hindi lang pala ito nagbibigay ng saya at liwanag sa buhay niya, nakakapagpabaliw din ito. Napabuga siya ng hangin at inisang lagok ang kalahating tequila na laman ng baso niya. Napapikit siya dahil sa mapait na hagod n'yon sa kanyang lalamunan.

My Dearest Ex (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon