“…AT KAPAG nakita ko siguro si Zeus ngayon, ma-he-hello ko na siya nang nakangiti. Madali lang pala kasing mag-move on, kailangan lang ng acceptance at moving forward.” Mahabang sabi ni Sunny sa kapatid niya. “At sa katunayan ay nag-start na uli akong magka-crush ng bago, his name is Jordan…” nakangiting sabi pa niya.
Tinitigan siya ng ate niya kung nagsasabi pa siya nang katotohanan kaya napangiti siya uli dito. “Seryoso ka na talaga d'yan, ha?” tumango siya dito. “At ang Jordan na 'yan ay hindi isang fictional character?” paninigurado nito.
Natawa siya at napailing. “Ate, alam kong naimpluwensyahan mo na ako sa pagki-K-drama mo at mas nag-e-enjoy na ako sa pagbabasa ng mga novels ngayon pero totoong tao si Jordan, he is a reagular customer in my branch, he is a band vocalist-slash-guitarist. Guwapo siya at masarap kausap.” Nakangiting sabi niya.
Mag-iisang buwan na rin simula nang makilala niya si Jordan, na naging regular customer nila at minsan ay kasama pa nito ang iba pang member ng banda nitong The Alchemists, medyo pamilyar sa kanya ang band name pero hindi niya maalala kung saan niya narinig. At dahil malapit lang ang condo ng binata sa Mall na 'yon kaya madalas ito sa Kofesto at adik na adik daw ito sa mga pagkain nila doon, kulang na lang ay doon na ito nag breakfast, lunch at dinner, kung wala lang itong gigs every night.
Dahil mabait naman ito at masarap kausap ay nagkasundo sila at naging magkaibigan, at dahil in-add siya nito sa Facebook account niya, ay ka-chatmate na rin niya ito at minsan ay nakaka-usap niya sa video ng FB messenger at tinutugtugan at kinakantahan pa siya nito ng mga paborito niyang kanta. He is a sweet guy, actually.
Hindi sa super gusto na niya ang binata, at hindi rin naman ito nagsasabi na gusto siya nito, pero dahil sa galing nitong tumugtog ng gitara at sa magandang boses nito ay naka-crush-an na niya ito. Mga pa-badboy kasi ang mga type niya sa lalaki, parang si Zeus dati. Shut up! Mabilis niyang sita sa isipan niya.
In all fairness ay ngayon na lang niya naisip ang ex niyang 'yon, simula nang makipaghiwalay ito, four months ago, at wala na rin siyang naging balita dito kahit boyfriend ng ate niya ang twin brother nito. Mas okay na rin siguro 'yon para mas tahimik ang buhay niya.
“I need to meet this Jordan, last time ay hindi ko na-meet 'yang Zeus na 'yan kaya nakipag-break siya sa 'yo, ngayon kailangan kong ma-meet si Jordan!” desididong sabi ng ate niya.
Natawa uli siya. “Makikilala mo din si Zeus dahil twin brother 'yan ng boyfriend mo at hindi mo puwedeng makilala si Jordan, baka ikaw pa ang maging sanhi nang pagkaudlot nang kung anong puwedeng ma-develop sa amin.” Natatawang sabi niya.
Saglit itong natahimik bago muling nagsalita. “Fine!” anito. “As you know, he’s a band member, madalas siyang maka-encounter ng mga fangirls, kaya mag-iingat ka at kilalanin mo nang mabuti.” Anito na tinanguan na lang niya. “Ilang taon na nga pala 'yan? Nakanood ka na ba ng gig niya? Ano ang work ng parents niya?”
“Mas daig mo pa si mama, ah,” natatawang sabi niya. “Okay fine para matahimik ka lang,” sagot niya. “He’s thirty years old, at hindi pa ako nakakanood ng mga gigs niya,” though in-invite na siya one time ng binata, ngunit dahil busy siya ay nangako siyang sa susunod na lang. “At businesspeople ang parents niya, they own a music instrument shop at may pagawaan sila ng mga de-kalidad na mga string instruments na inaangkat din sa iba’t ibang bansa. He has a younger sister named Michaela, and his dad was a basketball fanatic kaya Jordan at Michaela ang name ng mga anak dahil fan siya ni Michael Jordan and his mom was a music lover at nagmula pa sa ninuno nila ang business nila.” Kuwento niya, na kinuwento din ni Jordan sa kanya.
Napatulala ang ate niya habang patango-tango sa kanya. Siya man ay na-amaze din noon sa mga kuwento ni Jordan sa kanya at sa iksi ng panahon na pagkakakilala nila, pakiramdam niya ay matagal na niya itong kakilala, may gano’ng instances talaga, e, o baka sa past life niya ay mag-best friend sila nito.
AGAD NA nahiga sa kama si Sunny at nagpagulong-gulong doon para ma-relax ang kanyang katawan mula sa pagod sa trabaho. It was tiring yet very eloquent and fulfilling day, na-miss din niya ang ganitong pakiramdam, ganitong-ganito no’ng nagsisimula pa lang siya pero masasabi niyang namamana na rin niya ang galing ng ate Summer niya.
Speaking of her ate Summer, may date ito with Adam kaya mali-late ito ng uwi, kaya siya lang ang mag-isang kakain ng dinner ngayon. Hindi siya mahusay sa kusina ngunit kaya naman niyang magluto ng mga basic na ulam tulad ng fried na ulam. Kaya nag-prito na lang siya ng spicy chicken legs at gumawa ng banana shake, solve na solve na siya doon.
Abala na siyang kumakain no’n sa dining area nang marinig niyang tumunog ang phone niya, kaya nagmamadali siyang tumakbo at halos mapasubsob pa siya sa kama. At napangiti siya nang makitang si Jordan ang tumatawag ng video sa FB messenger. Inayos muna niya ang sarili bago niya ito sinagot saka muli siyang bumalik sa dining area para ipagpatuloy ang dinner.
“Kumusta na?” nakangiting bati ni Jordan, ang guwapo nito kahit mukhang hindi ito nagsusuklay ng ilang araw. He has the cutest smiles.
“Okay naman, ito solo’ng nagdi-dinner, may date si ate e, ikaw? Kumusta ang gig?” saka siya sumubo sa pagkain niya.
“Okay naman ako, ito at malapit na kaming sumalang,”
“Eh, ba’t ka pa tumawag? Baka nakakaistorbo pa ako.” aniya.
Ngumiti ito at nagkamot ng kilay. “Tumawag lang ako para kumuha ng sapat na inspirasyon mula sa magandang binibining katulad mo.” Nakangiting sabi nito.
Hindi tuloy niya naiwasang mapangiti. “'Sus! Bolero!” natatawang sabi niya.
Tipid itong ngumiti sa kanya. “I’m deadly serious though.” Anito.
Tumango at ngumiti na lang siya dito. “O, sige na, at baka ma-sobrahan mo sa inspirasyon.” Natatawang biro niya.
“That’s very good then, para makapagsulat na rin ako ng kanta para sa 'yo.” Nakangiting sabi pa nito, kaya kumabog ang puso niya. “Again, gusto uli kitang imbitahang manood ng gig namin, sana hindi ka na tumanggi.”
Saglit siyang nag-isip. Nakailang tanggi nab a siya dito? “Okay.” Sa huli ay sagot din niya, na ikinasiya nito.
“Yes!” masaya pang sigaw nito, na ikinabaling ng mga bandmates nito sa background, natawa tuloy siya. “Susunduin kita bukas after ng work mo, see you at salamat sa pagpapa-unlak.” Nakangiting kumindat ito sa kanya kaya napangiti uli siya bago tinapos ang video call.
Nangangarap na isinubo niya ang chicken legs at iniisip na ang maaaaring mangyari bukas ng gabi. Haharanahin kaya siya ni Jordan sa harap ng maraming mga tao? Iaalay kaya nito ang kakantahin nito sa kanya? Muntik na niyang makagat ang buto ng manok na nasa bunganga niya dahil kinilig siya sa ideya. Na-excite na din siya. Ang tagal simula nang ma-excite uli siya ng gano’n dahil sa kilig.
BINABASA MO ANG
My Dearest Ex (Completed)
Storie d'amore(Sequel of A not so Korean Love Story and Sunny-Zeus' story) Kung kailan nakapag-move on na si Sunny sa ex nyang si Zeus dahil sa panibagong dumating na pag-ibig ay saka naman umepal ang binata sa pagitan nila ng bagong lalaki sa buhay niya! Litsi!