19

755 20 0
                                    

“PUWEDE ba tayong mag-usap nang tayo lang, Jordan?” tanong ni Sunny sa nakangiti at kaharap na binata. Hindi tuloy niya alam kung makakayanan niyang saktan si Jordan sa harapan ng mga taong nagmamahal sa kanila. Jordan is one of the kindest guys she had ever met, pero hindi niya maaaring linlangin ang sarili niya na mahal niya ito, dahil kahit pagbalik-baliktarin man ang planet earth, alam na alam ng puso niya kung sino ang totoong minamahal niya—na sibubukan niyang kalimutan ngunit hinding-hindi pala niya kayang kalimutan.

    “Gusto mong ma-solo ang kaligayahan nang pagsagot mo sa akin?” nakangiting tanong nito.

Gusto tuloy niyang ma-konsensya dahil napaka-genuine ng mga ngiti nito. Mabilis siyang bumaling sa ate niya at agad naman nitong naintindihan ang nasa isip niya. Sabay sa pag-alis nito ay tangay nito ang iba pang mga inimbitahan ni Jordan, nang mga sandaling at silang dalawa na lamang ang natitira.

“Nahihiya ka ba sa maraming tao?” nakangiti pa ring tanong nito.

Ngunit hindi niya ito ginantihan ng ngiti dahil alam niyang ang susunod na sasabihin niya ay magdudulot ng sakit sa puso nito. “I’m sorry,” aniya, na direktang nakatingin sa mga mata nito. Agad na rumehistro ang kalungkutan doon.

    “Why are you sorry?”

    “I think, I’m still…” hindi niya masabi-sabi ang mga gusto niyang sabihin. “Ahm, it’s that not I don’t like you, but—”

    “Therefore, basted ako?” tanong nito. Nang hindi siya nakasagot ay tumango-tango ito. “Ang sakit palang ma-basted,” natatawang sabi nito pero taliwas sa malungkot na hitsura nito. “Then, I wanna know why?”

Hindi siya agad nakasagot. “M-My heart still belongs to him,” nag-iwas siya ng tingin sa binata ngunit hinawakan nito ang baba niya para mapabaling siya dito. “J-Jordan, I’m sorry,”

    “Kung nauna ba akong dumating sa buhay mo, mas mamahalin mo ako kaysa sa kanya?” curious na tanong nito.

Nagkibit-balikat siya. “Siguro ay nakatadhana na talagang siya ang mamahalin ko habang-buhay.” Sagot niya. Tipid itong tumango sa kanya. “But to tell you honestly, crush kita talaga.”

    “Pero hindi pa rin sapat para mapalitan siya sa puso mo.”

    “You are a great man, Jordan, promise!”

    “Wala! Pero hindi pa rin sapat para mabura ko siya sa buhay mo.” Muling sabi nito.

Nalungkot tuloy siya. “Hindi na ba tayo maaaring maging friends?”

Matagal ito bago nakasagot. “Papayagan kitang maging kaibigan ko, kung sasabihin mo sa akin kung sino ang ma-suwerteng lalaking nakasungkit sa puso mo?” Hindi rin tuloy siya nakasagot. “After nito, tiyak makakapagsulat na naman ako ng panibagong kanta, brokenhearted song nga lang,” natatawa at naiiling na sabi nito.

    “Si… ahm, ano, e,”

    “Zeus! Si Zeus, hindi ba?” pagkukumpleto nito sa nais niyang sabihin, sa gulat niya ay hindi siya nakaimik. Napangiti ito. “I knew it!” anito. “Kaya pala gano’n na lang ang mga titig ni Zeus kapag nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin, anytime ay maari niya akong i-laser beam.” Naiiling na sabi nito.

    “Bakit naman niya 'yon gagawin? Eh, ako lang naman ang nagmamahal sa aming dalawa.”

    “He was jealous of me, at sa tingin ko ay mahal ka niya. He even left without saying goodbye, hindi kasi makayanan ng mga muscles niya ang makitang mapunta ang babaeng mahal niya sa ibang lalaki.” Natatawang sabi nito. “But at least, I made him jealous, ngayon ko nga lang nakitang nagselos ang kolokoy na 'yon.”

My Dearest Ex (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon