14

681 20 1
                                    

Nagsimula nang ilagay ni Jordan ang mga pinamili nila sa counter para bayaran, sumunod na rin no’n sa pila si Zeus kasama ang babae nito. Gusto niyang paikutin ang eyeballs niya dahil hindi na nahiya ang babae sa paglingkis nito sa lalaking—noon ay feel na feel naman. Ang aga-aga, naglalandian ang mga hinayupak. Naiinis siya!

    Nang mabayaran niya ang mga pinamili nila ay si Jordan na ang nagbuhat nang dalawang malalaking supot. Niyaya niya ang binata na mag-brunch na din silang dalawa, ngunit masyadong mabait ang kasama niya kaya pati ang dalawang extra ay inimbita nitong kumain, ang sabi nito ay masarap daw kumain kapag silang dalawa lang pero mas masarap kapag marami, at hindi naman siya kumontra dahil mabilis na sumang-ayon si Zeus.

    Kaya sa huli ay nilagay na muna nila ang mga pinamili nila sa kani-kanyang sasakyan bago sila nagtungo sa isang exclusive seafood resto na malapit doon. Nagyaya pa nga si Zeus na dapat sa Kofesto na lang, ngunit ang Kofesto branch na malapit doon ay sa main branch na hawak ng ate niya, at kapag nagkataon na nagtagpo ang dalawa ay baka giyerahin agad ito ng ate Summer niya! Kaya siya na lang ang nag-desisyon na sa isang exclusive seafood resto sila magpunta.

    Pagkadating nila doon ay nagulat siya dahil agad siyang ipinaghila ng upuan ni Zeus, ngunit siyempre pa ay sa hinilang upuan ni Jordan siya naupo, magkatabi sila ni Jordan at magkatapat sila ni Zeus. Pagka-order nila ay nagkakuwentuhan muna sila. Napaka-PDA talaga ng babaeng ito, hindi ba siya nahihiya sa lahi ni Maria Clara? Gusto niyang sitahin ang paghalik-halik ng babae sa leeg ni Zeus, ngunit baka mapagkamalan lang siyang nagseselos o pakialamera, si Jordan nga ay hindi nagrereklamo sa dalawa, e.

    “So, what is the real score between you two?” nakangiting tanong ni Zeus sa kaibigan nito.

Ngumiti si Jordan at nagkamot ng kilay. “We’re just special friends, as of today.” Anito.

Mabilis siyang napatingin kay Jordan. As of today? How about tomorrow or the next day? Kumabog ang puso niya. Hindi kaya nagpapahiwatig na ito kung kailan siya liligawan? Ibig bang sabihin nito ay hindi na lang siya basta magandnag inspirasyon dito—kundi possible girlfriend?

Hindi sa gusto niyang mag-commit sa panibagong relasyon dahil parang kailan lang ang huling naging masakit niyang karanasan sa buhay pag-ibig, ngunit hindi naman niya isinara ang puso niya sa posibilidad na muli siyang magkagusto sa iba—ngunit mas gusto sana niya ay maging friends muna sila ni Jordan.

Nag-iwas siya ng tingin at agad na tinungga ang isang malamig na service water na nasa mesa nila. Nag-da-dry ang lalamunan niya dahil sa usapin nila. Mabuti na lang at umeksena ang Catriona girl na ito kaya naagaw nito ang atensyon ni Zeus.

“Babe, is it your place or mine?” pabulong na tanong ng babae sa katabing lalaki, ngunit umabot 'yon sa kanyang pandinig. Ang harot-harot talaga! Kung Nanay lang ako ng babaeng ito, matagal na siyang nakatikim ng kurot sa singit!

Inilapit ni Zeus ang bibig nito sa tainga ng katabing babae at may kung anong sinabi ito, ngunit kumabog ang puso niya nang lumingon sa kanya si Zeus saka ito ngumiti sa kanya kaya mabilis uli siyang nag-iwas ng tingin dito dahil baka masupladahan pa niya at sabihing bitter siya.

    Muli siyang nagsalin sa basong ininuman niya tubig mula sa pitsel na service water at sinaig ang laman ng baso. Hindi niya kinakaya ang kaharutan ng dalawang nasa harapan niya. Bakit no’ng naging kami ng hinayupak na lalaking ito, hindi siya nagfli-flirt sa akin, samantalang sa ibang babae nakikipaglandian siya! But nevermind! Who cares with his affairs?

    “Huwag kang masyadong uminom ng tubig dahil baka mabusog ka kaagad.” Ani Jordan sa kanyang tabi.

    “Huwag kang mag-aalala sa kanya, 'tol, matakaw 'yang si Sunny dahil kaya niyang kumain nang heavy meals at uminom ng dalawang litro ng tubig,” sagot ni Zeus kay Jordan saka bumaling sa kanya. “'Di ba, Sunny?”

My Dearest Ex (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon