1

963 21 0
                                    

“ANO, SUNNY? Sasama ka ba sa amin mamaya sa Z+ restobar? First reunion natin uli ito, after two years na pagkakahiwa-hiwalay dahil sa kani-kanyang buhay.” tanong ni Geraine.

    “Oo nga naman, Sun, sama ka na, huwag kang KJ d'yan, ngayon na lang uli tayo magkikita-kitang apat, e, huwag ka nang papilit d'yan!” ani Catherine.

    “Susunduin ka ba namin d'yan sa working place mo, o susunod ka na lang sa amin sa Z+ restobar?” tanong naman ni Rizza.

    “Hindi ko pa kasi alam dahil marami akong ginagawang paperworks and monthly inventory namin dito sa Kofesto at may report akong nira-rush, e,” aniya sa mga kaibigan, na noon ay ka-conference call niya. Geraine, Catherine and Rizza were her college buddies, kaklase niya ang mga ito mula first year to fourth year sa kursong Business Management.

    Two years na silang graduate ng college, since then ay hindi na sila muling nagkita-kita dahil agad silang nag-trabaho. Katulad niya, may family business din sina Catherine at Rizza habang si Geraine ay nagpatuloy sa masterals nito and they got all busy, kaya nagyaya ang mga ito para mag-bonding sa isang restobar, since free time ng mga ito ngunit siya naman ay abala sa kanyang ginagawa.

    “Come on, Sun, pamilya mo naman ang nagmamay-ari ng pinapasukan mong trabaho at hindi naman kayo agad malulugi sa dalawang oras lang na pagkikita natin,” ani Cath.

    “Saka puwede mo pa rin namang gawin ang paperworks and inventories mo bukas, hindi ka naman tatakbuhan ng mga 'yan, e, kaya sumama ka na, bibihira na lang ang magsama-sama tayo dahil sa pagiging abala nating lahat.” ani Rizza.

    “Sun, sama ka na, malay mo doon ka makahanap nang bagong fafable, 'di ba? Matagal na rin 'yong last relationship mo.” Natatawang sabi ni Geraine. Palibhasa ang tatlong ito ay nagtagal ang mga boyfriends, unlike sa kanya na ilang buwan lang.

Hindi niya alam kung ano ang mali sa relasyon niya with her two exes, masaya naman sila at magkasundo pero nag-e-end pa rin ang relasyon niya with them, siguro nga talaga ay hindi ang mga ito ang nakatadhana niyang makasama habambuhay. There were no sparks, chemistry and stuffs kahit perfect na sana kasi guwapo at may-kaya ang mga ex nya.

Naging masaya naman siya at magkasundo pero dahil sa sulsol ng mga kaibigan niya kung bakit nya sinagot ang dalawang naging boyfriends nya, hindi dahil na-in love siya sa mga ito.

“Wala akong time mag-dyowa ngayon, mga beks, busy ako sa career ko.” Natatawang sabi niya. May mga nagpapalipad-hangin sa kanya at lantarang nanliligaw simula nang makipaghiwalay siya sa huling naging boyfriend niya, pero nag-focus kasi siya sa pag-aaral niya at ngayon naman ay sa trabaho niya. Gusto niyang maging proud ang parents niya hindi lang sa ate niya, kundi pati rin sa kanya.

Ang ate niya talaga ang may concept sa Kofesto, adik na adik kasi ang kapatid niya hindi lang sa K-drama kundi pati na rin sa Korean cultures and idols and even their waiters are all Korean-look alike. Hindi naman tumutol ang parents nila sa idea ng ate niya, hanggang sa lumago at nakilala ang business nila, since marami nga talaga ang maka-K-drama at Kpop tulad ng ate niya. She was so proud of her ate, dahil hindi lang ito magaling na businesswoman, ma-diskarte at mautak din ito at gusto niya ay kahit kalingkingan nito ay mamana niya. Their parents were also businesspeople.

“Sun, ano sasama ka na?” muling tanong ng tatlo sa kabilang linya.

“Huwag naman puro conference call at skype na lang ang pag-uusap at pagkikita natin, labas-labas din lalo na ngayon at may time.” Natatawang sabi ni Cath.

“Oo na, sige na!” natatawang pagsuko na lang din niya.

“Yes!” masayang sabi ng tatlo sa kabilang linya. “Oh, paano, sa Z+ restobar na lang tayo magkita-kita, ha? Seven sharp at ang mali-late ang siyang magbabayad ng bills!” ani Rizza.

“Okay!” sang-ayon ng lahat.

My Dearest Ex (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon