Nakita niyang nanlaki ang mga mata nito sa gulat. “Z-Zeus?” nabubulol na sabi niya dahil hindi ito nagsalita. “H-Hindi mo ba ako gusto—”
“A-Ayokong matulad ka sa mga babaeng nakaka-relasyon ko, Sunny, ayokong masaktan ka dahil sa akin dahil alam kung sa huli ay hindi ko mapapanindigan ang kung ano’ng meron tayo. I-I’ve wanted us to be just friends, Sun, and you’re too young for me.”
Nalungkot naman siya sa naging kasagutan ng binata. “I-Ibig bang sabihin nito ay binabasted mo ako?” hindi niya naiwasang itanong.
“You need to have a rest, Sunny, and I’m going.” Anitong, agad na ring umalis sa bahay nila.
Nakasunod na lamang ang kanyang mga mata sa papalayong sasakyan ng binata. Masakit na masakit ang puso niya—ngunit hindi naman sinabi nitong binabasted siya, 'di ba? Ibig bang sabihin n'yon ay hindi pa siya dapat mawalan nang pag-asa? Gusto niyang mabuhayan nang damdamin ngunit nang mga sandaling 'yon ay mas dinamdam niya ang pananakit ng puso niya at puson na din.
NANG MGA sumunod na araw ay naging mabuti na ang pakiramdam ni Sunny, pumasok na rin siya sa trabaho at ipinagpatuloy ang nakatambak na paperworks and inventories niya. Nagkapalitan na sila ng cell phone numbers ni Zeus last last time, ngunit hindi pa rin siya nito kinokontak at nahihiya naman siyang kontakin ito dahil naaalala niya ang pagtatapat niya sa lalaki no’ng nakaraan.
Kaya nagulat siya nang sabihin ng isang tauhan niya sa Kofesto na nasa isang mesa daw si Zeus—nakilala na nila ang lalaki dahil sa dalas nitong magpakita doon—at nagkakape daw. Kumabog ng mabilis ang puso niya. Gusto niyang agad na puntahan ito ngunit natatakot siyang baka pumunta lang ito doon para sabihing basted siya dahil hindi nito nasabi sa kanya last time.
Gayunpaman, nagtungo muna siya saglit sa CR para mag-ayos ng sarili bago siya tuluyang lumabas sa kanyang opisina at puntahan ang binata. Nadatnan niya itong kumakain ng black chocolate cake, dumadagundong ang puso niya habang papalait siya nang papalapit sa binata.
“Y-You’re here,” aniya sa binata, kaya agad itong napalingon sa kanya. Siguro naman ay may sasabihin ito sa kanya dahil marami namang malapit na coffee shop sa restobar nito kung bakit dadayuhin pa nito ang Kofesto niya, 'di ba? Inihanda na niya ang sarili niya sa anupamang sasabihin nito. Ang bilis ng tibok ng puso niya at sobrang kinabahan siya. Ngayon lang nangyari sa kanya ang gano’n dahil sa isang lalaki!
“Hi, Sunny!” bati nito, saka ito tumayo at ipinaghila siya nang mauupuan niya. Talagang may gusto itong sabihin sa kanya dahil pinaupo pa siya!
“W-What are you doing here?” pinasigla niya ang kanyang boses at napangiti dito, animo’y kinalimutan na ang nangyaring pagtatapat niya dito, a couple of days ago.
“D-Dahil may gusto akong sabihin sa 'yo,” sagot nito, ngunit nakakabadtrip lang dahil biglang may tumawag sa pangalan niya at nalingunan niyang si Alexis 'yon, ngumiti ito sa kanya at kinawayan siya. Naglakad ito palapit sa kinaroroonan niya.
“What are you doing here, Alexis?” tanong niya sa lalaki. Walang paa-paalam na umupo ito bigla sa upuan sa mesa nila ni Zeus at ngumiti sa kanya. Alexis was her boyfriend way back in college, regular customer din nila ito sa Kofesto.
Hindi sa bitter siya o hindi pa nakaka-move on dahil sa lalaking ito, actually, they can be friends na, pero kasama kasi niya si Zeus ngayon at ayaw niya ng istorbo!
Bumaling si Alexis sa kasama niya sa mesa at nagpakilala dito. “Alexis Montiel, Sunny’s ex-boyfriend.” Pagpapakilala pa nito, kaya nanlaki ang mga mata niyang sinuway ito, natawa naman ito sa kanya.
Bumaling si Zeus sa kanya na nagtataka. “He’s a regular customer here, malapit lang din kasi ang motorshop niya dito.” sagot niya sa binata, na tipid nitong tinanguan bago bumaling sa lalaki.
“I’m Zeus Cuenca.” Tipid na pakilala din nito sa lalaki, saka ito nag-abot ng kamay sa kausap na lalaki ngunit dineadma ito ni Alexis, ngali-ngali tuloy niyang batukan ang kumag na lalaki.
“Ahm, Alexis, puwede bang sa iba ka na lang magpa-assist ng orders mo? May pinag-uusapan pa kasi kami ng kaibigan ko, e.” aniya sa lalaki.
Nagkibit-balikat naman ang lalaki. “Okay.” Sagot nito, bago tumayo ito at naghanap ng bakanteng mesa. Nakahinga siya nang maluwag.
“Nakikipagbalikan ba sa 'yo ang isang 'yon?” tanong ni Zeus.
Mabilis siyang umiling. “Hindi, ah! Gusto lang kasi no’n na ako lagi ang nag-aassist ng orders niya, may tupak yata kasi.” Natawa siya ngunit nanatiling seryoso ang mukha ni Zeus at hindi siya sanay.
“Baka naman nagbabalak na makipagbalikan sa 'yo?” tanong nito.
Umiling siya uli. “Imposible 'yon, wala na akong nararamdaman sa kanya!” sagot niya. Matagal na walang imik si Zeus hanggang sa kumabog ang puso niya nang titigan siya nito. “B-Bakit?” kinakabahang tanong niya.
“Go out with me, Sunny!”
“What?” naguguluhang tanong niya.
“Let’s date and find out what will gonna happen to our relationship.” Sagot nito.
Nalaglag ang kanyang panga. “Y-You wanna go out with me?”
“Yes! And I’m willing to take a chance with you, Sunny.”
“What? Is this even real and happening?” kinurot niya ang sarili at napadaing. It’s really happening and true!
Napangiti si Zeus at ginulo ang buhok niya. “And are you willing to take chances with me and be my girlfriend?” tanong nito.
Sa sobrang saya niya ay napatayo siya. “Yes!” masaya at malakas na sagot niya. napatingin tuloy sa kanila ang ibang mga customers sa Kofesto.
BINABASA MO ANG
My Dearest Ex (Completed)
Romance(Sequel of A not so Korean Love Story and Sunny-Zeus' story) Kung kailan nakapag-move on na si Sunny sa ex nyang si Zeus dahil sa panibagong dumating na pag-ibig ay saka naman umepal ang binata sa pagitan nila ng bagong lalaki sa buhay niya! Litsi!