Nang yayain siya ng lalaki na pumila na sa cashier lane ay mabilis na siyang sumunod, pinauna pa siya nito sa pila. Tinawag pa si Zeus ni Vanna, pero hindi na ito pinansin pa ng binata. Nang makapagbayad sila ng mga pinamili ay inilagay muna nila ang mga 'yon sa baggage counter dahil kakain muna sila. Sa isang coffee shop sila nagtungo, magkasunod silang um-order at ito na rin ang nagbayad nang makakain nila kahit nag-insist pa siya. He’s so gentleman!
“Medyo weird dahil kumakain tayo sa ibang kainan.” Nakangiting sabi niya, habang humihiwa sa kanyang peach apple pie.
“Why? You also own a resto or coffee shop?” tanong nito, bago humigop sa black coffee nito.
“No, I just manage our family business, it’s a coffee shop named Kofesto—a Korean inspired coffee shop conceptualized by my ate.” Aniya.
“Wow! Unique and trendy.” Nakangiting sabi nito, kaya agad siyang nagpasalamat dito.
“And why Z+?”
Ngumiti ito sa kanya. “Bukod sa Z ang start ng name ko, I love this zombie movie entitled Z+, at doon ko nakuha ang pangalan ng restobar ko.” Sagot nito.
“Oh! Cute and distinctive.” Nakangiting puri din niya, na nginitian nito.
“First time mo ba sa Z+ restobar that night?” tanong nito, na agad niyang tinanguan.
“Niyaya lang ako ng mga kaibigan ko, at reunion na rin namin since that night lang uli kami nakumpletong apat.” Sagot niya, na tinanguan nito. “I am frail at drinking, kaya medyo lutang ako nang mga sandaling nag-tresspass ako sa office mo, pero hindi ko naman nakakalimutan 'yon mga ginawa ko kapag lasing ako, kaya,” nagyuko siya ng ulo. “hiyang-hiya ako.” pagtatapat niya. Nang tumawa ito ay mabilis siyang bumaling sa lalaki.
“You look so cute and innocent, unang beses yata akong makakilala ng genuine and innocent na katulad mo.” Nakangiting sabi nito.
“H-Hindi mo ba gusto ang mga katulad ko?” wala sa sariling naitanong niya, gusto niyang bawiin ang sinabi ngunit huli na.
Umiling ito. “Of course not,” mabilis na sagot nito. “Kayo 'yong mga babaeng masarap kasama at kausap dahil napakatotoo n'yo sa sarili n'yo, unlike those girls na nakilala kong puro pagpapaganda ang pretentious, you know.” Nakangiting sabi nito, kaya napangiti na rin tuloy siya.
“Ahm, Zeus, puwede ba uli ako pumunta sa Z+ restobar mo?” nahihiyang tanong niya.
Ngumiti itong muli at nagulat siya nang guluhin nito ang buhok niya—na para bang close na agad sila, samantalang ngayon lang uli sila nagkausap nang gano’n. “Of course!” sagot nito. “Bawal ka na nga lang uminom dahil baka magulat uli ako sa susunod mong gagawin.” Natatawang biro nito, kaya natawa din tuloy siya.
Habang abala sila sa kanilang pagkain ay may mga katanungang nabuo sa kanyang isipan. “Ahm, Zeus, bakit kayo nag-break ni Vanna?” curious na tanong niya. Maganda naman kasi ang babae at sexy pa.
Humigop muna ang lalaki ng black coffee nito bago siya sinagot. Ngumiti ito sa kanya. “I didn’t love her in the first place, and it was just a month of being together.” Sagot nito.
“Hindi ka na-in love sa kanya?” hindi makapaniwalang tanong niya.
Nagkibit-balikat ito. “When I broke up with her, she told me that she was already in love with me. Ang meron sa amin noon ay… you know, just bed partners.” Anitong inilapit pa ang mukha sa kanya para siya lang ang makarinig. Pakiramdam tuloy niya ay nag-init ang magkabilang pisngi niya dahil hindi niya dapat 'yon marinig.
BINABASA MO ANG
My Dearest Ex (Completed)
Romance(Sequel of A not so Korean Love Story and Sunny-Zeus' story) Kung kailan nakapag-move on na si Sunny sa ex nyang si Zeus dahil sa panibagong dumating na pag-ibig ay saka naman umepal ang binata sa pagitan nila ng bagong lalaki sa buhay niya! Litsi!