At habang hinihintay ang binata ay doon muna siya nagpalipas oras sa CR, sumasakit pa rin ang puson niya ngunit para mabalewala 'yon ay nagsimula siyang magbilang upto one thousand. Hindi pa man siya nakaka-three hundred plus ay narinig na niya ang yabag ng binata papasok sa kuwarto niya.
Hingal na hingal ito nang masilip niya ito sa maliit na awang CR, mabilis nitong inabot sa kanya ang napakaraming sanitary napkin—hindi kasi niya nasabi kung anong klase kaya binili na daw nito ang lahat ng stocks doon. Gusto niyang mapangiti lalo ang isipin na isang katulad nito ang bibili ng sanitary napkin, tiyak pinagtawanan na ito ng mga babaeng PA sa drugstore. At binilhan din siya ng pinakamabisang pain reliever para sa may dysmenorrhea.
Kinuha niya ang mga inabot sa kanya ni Zeus at hindi pa ito nagpabayad sa kanya. Saglit pa ay nagpaalam na siyang magpapalit, at pagakatapos ay lumabas na siya sa CR na maayos na ang kalagayan niya minus ang pananakit pa rin ng puson niya. Niyaya siyang kumain ni Zeus para mainom na niya ang gamot niya, at hindi na siya nag-inarte pa nang magpatangay na rin siya.
Pansin niyang basa ang kalahati ng damit nito, marahil ay sa pagmamadali ay hindi na nito napayungan ang parte na 'yon, mabilis siyang pumasok sa kuwarto ng parents niya para kumuha ng damit ng daddy niya saka iniabot sa lalaki.
“Magpalit ka muna at baka magkasakit ka.” Aniya. Nakita niya itong napangiti at tumango sa kanya. Ngunit nanlaki ang mga mata niya nang sa harapan na niya mismo itong naghubad ng shirt, kaya mabilis siyang tumalikod. Bumilis ang kabog ng puso niya at parang nag-init ang pakiramdam niya. Salbaheng lalaking ito, hindi man lang nagpalit ng CR!
“You can look at me now, I’m done!” anito, kaya mabilis na siyang bumaling sa lalaki. Kinuha niya ang damit nito at tinuyo sa pamamagitan ng electric fan. Kapagdaka’y naupo na sila sa dining chair. Magsasalin na sana siya nang kakainin niya nang ito na mismo ang nag-offer na gawin 'yon para sa kanya.
“Hindi mo naman ako kailangang pagsilbihan, okay lang ako,” aniya, “At kung nakokonsensya ka pa rin dahil sa naging kasalanan mo, okay, pinapatawad na kita kaya relax na,”
“Hindi naman ako nagpunta dito para humingi ng tawad, nandito ako dahil nag-alala ako para sa 'yo nang malaman ko kay Adam na may sakit ka,” nang magtagpo ang kanilang mga mata at agad itong nag-iwas ng tingin saka ito tumikhim bago muling nagsalita. “At kung napipilitan ka lang para patawarin ako dahil nakukulitan ka sa akin, please, huwag mo muna akong patawarin, gawin mo 'yon kung handa ka na talaga.”
Umiling siya. “Siguro ay talagang nasaktan ako sa pambabalewala mo sa totoong damdamin ko para sa 'yo noon, nahirapan akong makaget-over dahil ikaw lang ang minahal ko nang gano’n, pero hindi ko naman forever na puwedeng ipagpilitan ang sarili ko sa 'yo, kung ayaw mo naman na talaga sa akin, kaya one day, I made up my mind; I accepted the fact and move on.” Nanatiling nakatitig lang ang binata sa kanya, his eyes looks so sad. “At kung saan ka talaga masaya ay doon ka, tama ka nang naging desisyon na makipaghiwalay sa akin, kung hindi ka na masaya, hanapin mo kung saan ka sasaya.”
“I was very happy when we were still together, believe it or not.” Seryosong sabi nito. Hindi rin siya nakasagot. “I-I’m just a big coward,” napatungo ito at napailing. “But I know you are very happy with Jordan now, he’s a good man,”
“Sabi mo gagawin lang niya akong inspirasyon para makapagsulat siya ng kanta tapos iiwan din niya ako.”
“I was just kidding.” Ngunit seryoso naman ang hitsura nito.
Tumango siya at sumubo sa pagkain niya. “But seriously, pinapatawad na kita sa nangyari sa nakaraan, at malay natin dumating ang araw na maging magkaibigan tayo, mas masaya kasi 'yon kaysa maging stranger pero may pinagsamahan, 'di ba?”
BINABASA MO ANG
My Dearest Ex (Completed)
Romance(Sequel of A not so Korean Love Story and Sunny-Zeus' story) Kung kailan nakapag-move on na si Sunny sa ex nyang si Zeus dahil sa panibagong dumating na pag-ibig ay saka naman umepal ang binata sa pagitan nila ng bagong lalaki sa buhay niya! Litsi!