Chapter 3

967 51 1
                                    

Chapter 3

Maxine PoV

SINIKO ako ni Mary na nasa tabi ko. Nakasimangot na nilingon ko siya.

"Anyare sa'yo girl. Bakit ang sungit mo?" tanong nito na inilapit ang mukha sa akin.

Ibinalik ko ang tingin sa black board.

"Wala naman," sagot ko na pinipilit na ngitian ito. Pero deep inside sobrang sakit ng puso ko. Magdamag kasi akong umiyak dahil sa nangyari kahapon at kaya ako na-late na pumasok dahil nilagyan ko pa ng icebags ang magkabila kong mata para hindi halatang namumugto ang mga ito. Isa pa wala rin naman akong maidadahilan kay Mama kapag umabsent ako.

"Sus kung itrato mo si Sir Nathan parang may M.U kayo, a."

Siniko ko siya pabalik. "Girl, tinitignan niya tayo."

"Baka ikaw lang," sabi nito.

Sinimangutan ko ito. Ako ang unang natapos sa sinusulat namin. Paano naman kasi puro tsismisan ang mga ito. Isa pa sulat doctor ang sulat ko.

Tumayo ako at ipina-check iyon kay Sir Nathan. Ang signature nito ay NDM na may smiley.

Hindi naman niya ako tinignan. Gaya ng palagi nitong ginagawa sa akin. Para akong bula rito at nakakainis iyon.

Matapos ang aming pagsusulat ay nag-discuss ito.  Hindi niya ako tinawag kahit pa panay taas ko ng kamay ko para sa recitation.

Sinasadya yata nito na umiwas sa akin. Feeling naman nito maghahabol pa ako.

Nangalumbaba na lang ako habang nakatingin kay Kiko na panay ang sitsit sa akin.

"Bukas may long quiz kayo. Kaya naman nag-review na kayo para may makuha kayo. Dahil ang may pinakamataas na score ay excepted na sa third quarter exam ninyo sa Friday."

"Yes!" Sigaw nila maliban sa akin.

"At ang may pinakamababang score na makukuha ay magpapasa ng limang supot ng candies."

"Sir, malapit na ang Christmas party natin," sabi ni Wanda.

"Oo. Kapag hindi busy sa Friday. Sa Friday na rin kayo magbubunutan."

"Sir, kasali ka?" tanong ni Mary.

"Oo naman. Pero ang gusto kong regalo hindi pagkain." Kumindat ito sa kanila.

Tumawa ang mga classmates ko.

"Ano gusto ninyo, Sir, chalk?" pabirong tanong ni Wanda.

Tumawa ito. "P'wede 'yon, Wanda." Lumabas na naman ang dimples nito magkabilang pisngi at ang mapuputi nitong ngipin na pantay-pantay.

Ilang sandali pa nag-ring na ang bell.

"Class dismissed!"

Kinuha ko ang bag ko at naunang lumabas.

"Good bye, Sir!" Sigaw pa ng mga ito. Lumingon ako pero hindi ko siya pinansin. Neknek niya!

Pumasok kami sa kabilang room. MAPEH ang next subject namin.

Nakasunod sa akin sina Mary,  Wanda, Ruel at Kiko.

"Girl, kinausap ka kahapon ni Sir Nathan 'di ba? Ano ang pinag-usapan ninyo," usisa ni Mary.

"Sinabi ko na mahal ko siya," diretsa kong sagot.

"What?" Gulat na tanong ni Wanda.

"Ang iingay ninyo baka may makarinig." Sermon ni Kiko.

"Ano naman ang sinabi ni Sir Nathan?" usisa muli ni Wanda.

"Wala, sabi niya mag-aral daw akong mabuti.

"Binasted ka no?" tanong ni Mary.

Tumango ako. "Oo."

"Nandito naman kasi ako," sabi ni Kiko.

Nilingon ko si Kiko. "Oo, nandiyan ka pero natuturuan ba ang puso?" nakairap kong tanong dito.

Hindi umimik si Kiko.

Ilang saglit ay pumasok si Ma'am Cielo. Teacher namin sa MAPEH.

"Good morning, class."

Tumayo rin kami para batiin ito.

"Good morning, Ma'am Cielo."

Umupo kaming muli nang sabay-sabay.

"Ang lesson natin ngayong araw ay Arts. Ang iba't ibang klase ng sining o pagguhit.  Isang uri ng pagpapahayag ng damdamin, emosyon o ekspresyon. Nakabase ito sa nararamdaman mo, nakikita mo, emosyon, at ng puso mo. May iba't ibang uri ang sining buksan ang page 131."

Kung i-drawing ko kaya si Sir Nathan sa bawat sulok ng pader dito sa school. Tsk,ano bang iniisip ko!

"Ang activity ninyo ngayon araw ay emotion. Pagpapahayag ng damdamin o nararamdaman mo ngayong araw na ito."

Agad na pumasok sa isip ko si Sir Nathan.

"Bawal gumamit ng crayola. Lapis lang ang tanging gagamitin. And please lang kung tao ang balak ninyong i-drawing sana naman half body lang o mukha lang. Hindi iyong kalansay, ipapaalala ko lang na fourth year high school students na kayo hindi na kayo mga kinder."

Nagtawanan kami. Tama naman kasi si Ma'am Cielo.

Napaismid si Wanda. Napaghahalataan na hindi marunong mag-drawing.

Kinuha ko ang bag ko at lumipat sa bakanteng upuan. Sa tabi ng bintana sa likod ng mga kaklase ko. Inisip ko ang mukha ni Sir Nathan at nag-concentrate.

Medyo singkit ang mga mata. Matangos ang ilong. Mapupula ang mga labi. Mapuputi ang mga ngipin na pantay-pantay. May magkabilang dimples. Makinis ang mukha. May katamtamang kapal ang mga kilay. Clean cut ang tabas ng buhok at masasabi kong sobrang guwapo.

Pero agad kong binawi ang pagpapantasya ko. Hindi nga pala kami bati.

Nilukot ko ang unang drawing ko at itinapon iyon sa basurahan.

Nilapitan ako ni Wanda. "Ano 'yang drino-drawing mo?" tanong nito na inilapit ang upuan sa tabi ko.

"Star. Ikaw?" sagot ko na ipinakita rito ang iginuguhit ko.

"Buwan."

"Si Mary?"

"Araw."

Nagtawanan kami. "Birds with the same feathers flock together." Nag-apir kaming dalawa.

"Teka anong kinalaman niyan sa emosyon natin ngayon?" tanong nito.

Nagkibit-balikat ako at muling nakipagtawanan dito.

Bahala na si Batman.





***********
Nathan PoV

Hapon na nang magpasya akong umuwi. Inayos ko pa kasi ang mga test papers na gagamitin sa Friday. Apat kasing sections ang hinahawakan ko at kada-sections ay may trenta na students.

Pasakay na ako sa owner jeep ko nang mapansin ko ang lukot na papel sa ibaba ng sasakyan ko. Marahil naitangay iyon ng hangin kaninang naglilinis at nagtatapon ng mga basurahan ang mga estudyante.

Ibinaba ko ang bag ko driver's seat bago pulutin ang lukot na papel. May patakaran kasi ang school na ang mahuhuling magkakalat ay paparusahan. Kung sinadya ang pagkakalat. Binuklat ko ang lukot na bond paper. Nagulat ako nang makita ang mukha ko na may sungay pa. Nakapangalan kay Maxine ang papel. Galit talaga siya sa 'kin. Inayos ko ang papel at inilagay ko sa folder na dala ko.

"Souvenir..." Nakangiting sambit sa kawalan.

Sumakay ako sa owner jeep ko habang nangingiti. At lihim na nasasaktan dahil sa sitwasyon namin ni Maxine... napalabong magkaroon ng relasyon sa pagitan naming dalawa. Siguro ay isa lamang itong attraction dahil sa ginagawa nitong pagpapasin sa kanya. At hindi iyon magandang rason para maging malapit ako kay Maxine.


SIR, CRUSH KITA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon