Chapter 16

825 35 2
                                    

Chapter 16


MAXINE POV

TINUTOO ni Nathan ang lahat ng mga pangako niya sa akin. Hindi siya nagsawang maghintay. Hindi niya ako iniwan, lagi siyang nakasuporta sa akin. Sa pagsali ko sa mga contest at sa pag-aaral ko. Minsan kapag may mga subjects na mahihirap ay nagpapaturo kami ni Wanda rito. Kahit na gabi at madaling araw.

Hanggang sa maka-graduate kami ni Wanda ng kolehiyo. At ngayon na heto na kami ni Wanda, kasama ng mga kaibigan namin. Hinihintay namin ang resulta ng Licensure examination for teachers na ti-nake namin nito.

Narito kami ngayon sa bahay namin naghihintay ng results. Nandito rin sina Kiko, Rhel at Mary na nakatulog na sa may sala. Abala naman si Mama sa pagluluto ng sopas sa kusina. Madaling araw na pero hindi pa kami dalawin ng antok ni Wanda.

Tulad ko ay kinakabahan din ito dahil baka bumagsak kaming dalawa. Nakapangalumbaba ako sa lamesa habang ka-chat ko si Nathan, maging ito ay kinakabahan din.

Mayamaya pa ay may dumating na kotse sa may gate. Bumusina ito, agad kong binuksan ang gate namin. Bumungad sa akin ang guwapong mukha ni Nathan. Malapad ang ngiti nito sa 'kin.

"Congratulations my love..."

Biglang nagtatalon si Wanda sa 'di kalayuan.

"Maxine, nakapasa tayo!" tili nito.

Niyakap ako ni Nathan at pagkatapos ay hinagkan niya ako sa noo.

"Sabi ko na nga ba, makakapasa ka..."

Niyakap ko rin siya nang mahigpit. "Thank you sa suporta, love. I love you..."

Sandali akong kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya. Pumasok kami sa loob ng bahay na magkahawak ang kamay. Gising na ang mga kaibigan ko, abalang-abala naman si mama sa kusina. Wala pa itong alam sa nangyayari. Agad kong niyakap si Mama, nabigla pa ito sa ginawa ko.

"Ma, nakapasa ako... 'ma," umiiyak na sabi ko rito. "Natupad ko na ang pangako ko sa inyo ni kuya, makakatulong na ako sa inyo. At... mabibilhan na kita ng mga gusto mo," tawa't iyak kong sambit.

Hinaplos ni Mama ang likod ko. At saka niya ako hinarap.

"Tiyak matutuwa sa'yo ang Kuya mo, aba, teka ipaghahanda ko kayo ng mga kaibigan mo. Si Na---"

Huminto ito sa pagsasalita nang makita nito si Nathan na palapit sa amin.

"Hi, Tita Linda, magandang gabi ho," magalang na sabi nito.

"Nagpuyat ka rin pala iho, sandali nagluto ako ng sopas." Kumuha ng mga mangkok si Mama sa lalagyan ng mga plato at saka nilagyan iyon ng sopas isa-isa.

Pumasok din sa kusina si Wanda, at niyakap nito si Nathan.

"Sir, we did it!" tumatalon-talon pa ito.

Hinila ko si Wanda. "Wanda, sobra na 'yang yakap na 'yan!" sita ko rito. Dahil sa ginawa ko tinawanan ako ni Mama.

"Girl, sa'yo lang siya..." nakairap na sabi nito.

"Tumigil na nga kayo, o heto dalhin ninyo sa sala." Iniabot ni mama ang mga mangkok na may lamang sopas isa-isa.

Nagtungo kaming tatlo sa sala. Nakapangalumbaba si Kiko habang nakatingin kay Wanda. Madalas yata ang pagtingin-tingin ni Kiko kay Wanda. Hindi kaya may gusto ito kay Wanda.

Nilingon ako ni Nathan na nakakunot ang noo. "Nagseselos ka ba kay Wanda?" mahinang tanong nito.

Inirapan ko siya. "Hindi!" mabilis kong sagot.

SIR, CRUSH KITA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon