Chapter 11

785 42 6
                                    

Chapter 11




Maxine PoV


MAGKAKASABAY kami nina Wanda na nagtungo sa bus namin. Sobrang thankful ako sa mga ito dahil napaka-supportive nila sa akin. Sila talaga 'yong mga klase ng kaibigan na exotic. Bukod sa may sayad sila tulad ko ay matatalino rin sila.

"Ano naman 'yang suot ninyo?" tanong ni Kiko nang lumapit ito sa akin.

"Couple---"

"Group t-shirt namin bakit ba? 'Tsaka trip lang namin 'to no!" Sabad ni Wanda dahil muntik nang madulas si Mary.

"Chocolates nga pala, Maxine." Sabay abot ni Kiko sa paper bag.

Inabot ko ito para hindi ito magtampo. "Hindi ako kumakain ng chocolates, Kiko. Pero ibibigay ko ito kay Mama tiyak matutuwa 'yon."

Tumango ito at nauna nang pumasok sa bus. Naawa ako kay Kiko dahil hindi pa rin ito tumitigil na ligawan ako kahit pa sinasabi ko na ng wala itong pag-asa. Dahil may mahal na akong iba.

Tumingin ako sa gawi ni Sir Nathan. Nakangiti ito sa akin habang kinakausap ang driver ng bus. Sumakay na kami nina Wanda at Mary. Sa tatluhang upuan kami umupo ng mga ito. Katapat ng inuupuan ni Sir Nathan.

"Wala ba kayong nakalimutan? Kumpleto na ba ang mga gamit ninyo! Sino pa ang wala paki-check kung katabi pa ninyo 'yong mga katabi ninyo kanina."

Nilingon ako ni Kiko. "Sir, may nawawala, iyong taong mahal ko."

"Ayiee!" Asaran.

Nang matapos ang roll-call ay nag-umpisa na naman ang kalokohan nina Kiko at Ruel.

"Use, kupido in a sentence?"

Tumingin ako kay Kiko. "Use it!" Sigaw ng lahat maliban sa amin ni Sir Nathan.

"Tinamaan ako ni kupido pero hindi tumagos sa taong mahal ko."

"Ouch!" Reaction nila.

"Wanda, use saging in a sentence?" tanong ni Ruel.

Siniko ko ito.

"Use it!" Sigaw ni Wanda.

"Ikaw kasi ang puso ko." Tumayo pa ito at nagkunwaring pinana ang puso.

"Ruel, kutsilyo ka ba?" ganting tanong ni Wanda.

"Ang sarap mo kasing saksakin!"

Tawanan ang lahat.

"Ang hard mo naman sa'kin, Wanda." Reklamo ni Ruel.

"Use gravity in a sentence?" Nakisali na rin si Sir Nathan.

"Use it, Sir."

"Wanda, Graviiityyy." Kumilos pa ito na parang bakla.

Napuno ng tawanan ang loob ng bus. Sobrang saya nila.

Nakisali na rin ako sa kalokohan. "Use melon, talong, kamatis in a sentence!"

"Use it!"

"Melon, talong, kamatis maaari bang magtanong."

Naguluhan ang lahat sa sinabi ko. Nagkamot na lang ako ng ulo.

"Maxine, naka-drugs ka ba?" tanong ng mga kaklase ko na ikibinulaghit ko ng tawa.

Inirapan ko ang mga ito. Ang tagal ko pa namang inisip 'yon.

SIR, CRUSH KITA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon