Chapter 12

765 40 5
                                    

Chapter 12



Maxine PoV

ISANG buwan na lang matatapos na ang journey namin sa highschool. Isang buwan na lang ay aalis na ako dito sa Magsaysay para sumama kay Kuya Albert sa Maynila. Kaya sinulit ko ng mga araw na kasama ko si Sir Nathan.

Kapag weekends ay pumupunta kami sa bahay nito nagpapaturo ako ng mathematics dito kasama sina Wanda, Mary, Kiko at Ruel. Ako madalas ang nagpapaiwan para makausap pa ito. Marami akong nalaman tungkol kay Sir Nathan kaya lalo akong nainlab sa kanya dahil sa pagiging dedicated nito sa trabaho. Pero kahit na madalas kami ng mag-usap hindi niya ako nilalapitan o tinatabihan sa upuan. Isang estudyante ang turing niya sa akin at alam kong nirerespeto niya ako.

Kasalukuyan kaming nagte-take ng fourth quarter exam. Busy na rin ngayong buwan si Sir Nathan. Madalas na itong wala sa classroom namin at palagi itong nasa faculty department upang ayusin ang mga forms namin dahil gra-graduate na kami. At may chance akong makahabol sa honor list.

Sa mga nagdaang buwan walang nagbago sa amin ni Sir Nathan lalo kaming naging close sa isa't isa.

Nararamdaman ko na sinasadya nito ngayon na hindi ako kausapin at sa tingin ko okay lang 'yon para masanay na ako.

"Maxine, ano'ng kurso ang kukunin mo sa college?" tanong ni Kiko na tumabi na naman sa akin.

"Education, secondary level," nakangiting sagot ko.

"Ako naman engineering," sagot nito.

Siniko ko ito. "Aba! Ang talino."

Lumapit sa amin si Wanda. Hawak nito ang test papers.

"Same kami ni Maxine ng kurso. Eh, ikaw Mary?" Baling nito sa seryosong si Mary.

"Hindi ko pa alam pero gusto kong magpulis." Napatingin kaming tatlo dito.

"What?" Bulalas namin.

"Oh, bakit ganyan kayo mag-react?" tumatawang tanong nito sa amin.

"Kasi naman Mary baka mamatay ka ng maaga," biro ni Kiko.

Masaya kaming nagtawanan habang inaasar ito. Alam namin kung bakit nito gustong magpulis dahil iyon kay Ruel. Sadyang sinusundan nito ang lokong 'yon hindi na ako magtataka kung sila ang magkatuluyan pero paano nga pala si Wanda.



______________

NATHAN POV

INAAYOS namin si Sir Albert ang program dahil mamayang gabi na ang graduation ceremony. Habang lumilipas ang oras ay nakakaramdam ako ng lungkot. Napansin ni Sir Andrew ang pagiging tahimik ko.

"Iniisip mo na 'yong estudyante mo?" tanong nito habang inaayos ang mga tarpaulins.

Nilingon ko ito. "Masaya lang ako para sa kanila."

"Hindi 'yon ang gusto kong sabihin," sabi nito na tumigil sa ginagawa.

Bumuntong-hininga ako. "Hindi ko mapipigilan ang dapat mangyari."

"Kunsabagay ang tunay na pag-ibig ay nakakapaghintay," sabi nito at binilang na ang mga medals sa lamesa.

"Ikaw na ang bahala rito, Sir Andrew. Pupuntahan ko muna ang mga estudyante ko. Ibibigay ko pa itong mga program at toga nila."

Tinapik ni Sir Andrew ang balikat ko. "Magpaalam ka na rin sa kanya," biro nito.

"Puro ka kalokohan..."

SIR, CRUSH KITA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon