Chapter 6

857 41 0
                                    

Chapter 6

Maxine PoV

ARAW ng Christmas Party. Nakasuot ako ng red na hanging blouse at black na skinny jeans. Bitbit ko ang regalo ko kay Sir Nathan at isang bilaong Shanghai na ipinaluto ko kay Mama.

Pagdating ko sa loob ng classroom ay agad akong nilapitan ni Kiko. Kinuha nito ang bitbit kong pagkain.

"Ang ganda mo naman, Maxine."

"Thank you," nakangiting sabi ko.

Naka-lipstick ako ng red at light na make-up. Si Mama ang nag-ayos ng buhok ko na hanggang balikat.

Umupo ako sa upuan at inayos ang sintas ng white sneakers kong sapatos. Nang pumasok si Sir Nathan. Bumuka ang bibig ko para kasi itong artista na guwapong-gwapo sa suot. Nakasuot ito ng red na aeropostale na t-shirt at white pants na tattered. White rin ang suot nitong sapatos at naka-shades pa. Coincidence na terno kami.

Tsk, Christmas party nga pala, Maxine kaya obvious na red ang suot.

"Sir, ang hot ninyo este guwapo!" Bulalas ni Wanda.

"Salamat, Wanda. Ikaw rin naman maganda." Puri nito sa kaibigan ko.

"Sir, maliit na bagay," sabi ni Wanda na kinindatan pa ako.

Tumingin ito sa gawi ko pero umiwas ako ng tingin. Inayos nito ang lamesa na pinaglalagyan ng mga pagkain. Pati na rin ang mga regalo sa kabilang lamesa ay inayos din nito. Inilagay rin nito ang regalong dala nito sa lamesa, mukhang mamahalin dahil malaki iyon at dalawa pa. Ang swerte naman ng nabunot nito. At mayroon din itong inilabas na isa pang regalo na naiiba ng balot.

Baka ibibigay nito iyon kay Wanda dahil top ito sa klase.

Uupakan ko talaga si Wanda kapag hindi maganda ang regalo nito sa akin. Inilagay ko na rin ang regalo ko kay Sir Nathan. Ngumiti ito sa akin pero inisnab ko. Aba, sinaktan ako niya kaya ako.

"Sir, sino iyong kasama mo last week?" usisang tanong ni Wanda.

"Kapatid ko si Faye," sagot nito na nakangiti sa amin ni Wanda.

Siniko ako ni Mary. "Akala ko girlfriend mo, Sir." Sinipa naman ako ni Wanda.

Napangiwi ako. Nagdradrama pa ako maling akala naman pala. Dami ko pang luha na nasayang. Napangiwi ako sa regalo ko kay Sir Nathan.

Lagot!

"Umuwi kasi siya tapos dito naman sa school dumiretso. Sa Maynila siya nag-aaral, third year na siya ngayong semester at education din ang kurso niya."

"Ah... ang ganda-ganda niya, Sir," sabi ni Wanda na mariing nakating sa akin.

Bigla tuloy akong nakonsensya dahil sa maling akala ko, parang gusto ko nang umuwi sa bahay namin.


______

NAGSIMULA ng mga palaro. Unang naglaro ang mga lalaki naming kaklase. Ang laro nila ay paper dance.

Tawang-tawa ako sa ginawang kalokohan ng mga ito sa paper dance. Muntik nang maghalikan sina Ruel at Kiko.

At ang nanalo sila ring dalawa nito dahil naglaglagan ang iba naming kaklase sa kakatawa.

Sumunod naman kaming girls na naglaro. The banana relay.

Itatali sa bewang ang tali ng saging pagkatapos ay gagamitin ito para pagulungin ang itlog hanggang sa umabot ito sa finish line.

Kaming tatlo nina Wanda at Mary ang naghamunan.

"One... two... three..."

"Ang daya mo, Maxine. Ang sagwa ng ginagawa mo!" sigaw ni Wanda na tawa naman nang tawa. Hindi kasi makausad ang mga ito.

Una kasi dinuduyan-duyan ko muna ang saging at saka ko itinitira sa itlog kaya naman mabilis na umabot sa finish line.

Tuwang-tuwa ako ng ako ang nanalo. Panay naman ang tawa ni Sir Nathan habang hawak nito ang microphone. Yiee, kinikilig tuloy ako!

Isang pilot pen at candies ang prize ko na iniabot nito sa akin.

"Next game! Kalamansi Relay!" sabi ni Sir Nathan.

Nakita kong nilapitan ito ni Wanda kaya sumunod ako rito. "Sir, sumali ka naman. Ako na ang mag-emcee," sabi ni Wanda.

Pumayag naman ito at nakigrupo sa amin. Magkasunod kami sa pila nito. Hanggang kili-kili lang niya ako. Tsk, kailan ba ako tatangkad!

Nang maipasa sa akin ang kalamansi ay hinarap ko ito.

"Yuko ka, Sir," utos ko. Hinawakan ko ang kamay nito. Nagkatitigan kami. Namula ito nang ngumisi ako.

"Sir, ano'ng ginagawa mo?" Untag ni Wanda. "Nauna na sila!"

Ipinasa ko ang kalamansi sa kutsara nito at hindi pa ito nakaikot ay tapos na ang kabilang team.

Nagkamot ako ng batok. "Sorry guys."

"Ayiee! Sana all nagtititigan."

Matapos ang laro ay kainan na. Si Sir Nathan ang nag-lead ng prayer. Pagkatapos ay inutusan nito sina Wanda at Ruel na kunin sa canteen ang fruit salad na nasa refrigerator na ginawa nito.

Inabutan pa ako nito ng pagkain. Tinanggap ko naman ang mga iyon habang panay ang tingin sa akin ni Kiko na halatang nagseselos.

________
MATAPOS ang nasayang kainan ay nagkantahan na. Pinagtripan ako nina Wanda at Mary. Wala akong nagawa kun'di maki-join na lang. Nakatitig ako dito habang hawak ang microphone.

"Sir Nathan, pagkatapos ni Maxine ikaw naman," sabi ng mga klasmeyts ko rito.

"Okay sige." Tumango ito sa mga kaklase ko.

Nag-select ako ng song.

Kinakabahan ako habang hawak ko ang microphone.

Insert song:

"Bakit ba ganyan ang unang pag-ibig. Labis na kay hirap namang sambitin. 'Di masabi, saloobin hanggang sa matangay na ng hangin. Dila'y pilipit 'pag sa akin ay lumalapit. Andiyan ka na namang pasulyap-sulyap sa akin. Lagi-lagi na lang paligaw-ligaw tingin." Napatunganga ito habang titig na titig ako dito. "Tigilan mo na ang patago-tago mo ng lihim pagkat ang puso ko'y sadyang naghahanap din ng tunay na pag-ibig na tangi kong mamahalin."

Nagpalakpakan ang lahat maliban kay Sir Nathan na namumula.

"Sir, ikaw na..." untag ni Mary dito.

Kinuha nito ang microphone na hawak ko. "Sorry agad sa boses ko."

Tumikhim ito.

"Hello mic test..." Biro pa nito. Ang ganda ng boses ni Sir Nathan sa microphone.

Insert song: Hangin

"Sa hangin na lang ibubulong ang aking nadarama para sa'yo. Asahan mong ako'y hindi magbabago maghihintay lamang para sa'yo." Tumingin ito sa akin. Mahal na ba niya ako? "Ang damdamin ko sa iyo'y mananatiling nakatago darating din ang tamang panahon. Kung hindi man tayo ang magkatuluyan nandito pa rin ako. Kahit kaibigan lang... oohh. Makasama lang kita, pikit-mata kong tatanggapin na ako'y hangin. Sa hangin ko na lang ibubulong ang aking nadarama para sa'yo. Pag-ibig na lihim ang alay ko sa'yo kahit 'di mo pansinin hindi pa rin magbabago. Babawi rin ako, sasabihin ang nadarama ko. At sa oras na 'yon sana'y maging tayo... ohhhh."

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Ang sakit ng kanta nito parang sinasabi nitong mahal niya ako pero hindi pa p'wede. Damang-dama ko ang bawat linya.

Pinahid ko ang luha ko at tumakbo palabas ng room namin. Sinundan ako ni Wanda. Niyakap ko siya at humagulgol ng iyak sa balikat nito.

"Wanda, mahal niya ako."

Hinaplos nito ang likod ko. "Tahan na..."

Dumating din si Mary at niyakap ako.

"Ngayon alam na natin na mahal ka niya," sabi sa akin ni Wanda.

"Teka may sinabi ba si Sir Nathan?" tanong naman ni Mary na tila hindi naiintindihan ang nangyayari.

SIR, CRUSH KITA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon