Chapter 8

845 43 3
                                    

Chapter 8


MAXINE POV

NATAPOS ang holiday season at dumating ang araw ng pasukan. Nanginginig ang tuhod ko habang humahakbang papasok sa classroom namin.

Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtantong wala pa ito sa classroom namin. Sa likuran ako umupo sa tabi ni Kiko.

Ano na lang ang mukhang ipapakita ko kay Sir Nathan. Nakakahiya kasi ang iniregalo ko. Isa pa dahil Ninong ko siya.

"May pasok kaya tayo?" tanong ni Kiko sa akin habang nakatingin sa orasan.

Isang oras na kasi ang lumipas pero wala pa rin si Sir Nathan. Mayamaya pa ay pumasok si Sir Andrew sa classroom namin.

Tumili si Mary hindi halatang crush nito si Sir Andrew, ang P.E teacher namin.

"Class, may emergency raw sa bahay nina Sir Nathan kaya wala kayong pasok sa subject niya. Sino ang Secretary ninyo? Ilista mo raw ang lahat ng maingay pagkatapos singilin mo ng twenty pesos para may pambili kayo ng chips ninyo sa field trip natin next week."

Nagtaas ng kamay si Wanda. "Sir Andrew, napano si Sir Nathan?"

"Nilalagnat ang Mama niya, walang mag-aalaga."

"Sir Andrew. Pwede ba naming bisitahin si Sir Nathan?" tanong muli ni Wanda.

"Oo naman pero mamayang hapon pa. Bawal ang mag-esape sa klase."

"Pumunta tayo!" Sigaw ni Kiko.

Napangiwi ako. Ako yata ang lalagnatin kapag nakita ko siya.

"Sige maiwan ko na kayo may klase pa ako. Behave kayo, a."

"Yes, Sir."

Lumipas ang mga oras at natapos na ang morning class namin. Kinakabahan pa rin ako.

"Maxine, may polbo ka ba?" tanong ni Mary.

Walang emosyon na binalingan ko siya. "Press powder lang ang dala ko."

"Ponds?" tanong nito.

Tumango ako at iniabot dito.

"Hindi ka ba sasama?" Baling ni Wanda sa akin.

"A-ayoko..."

"Bakit? Nag-away na naman kayo?"

"Hindi pero baka kasi..."

"Hindi naman pala e. Halika na 'wag na tayong pumasok mamayang hapon."

"Ano'ng gagawin natin d'on sa bahay ni Sir Nathan?" tanong ko rito.

Ngumisi ito. "Ang tanong e. Ano'ng gagawin mo sa future mother-in-law mo? Aalagaan mo ba siya?" natatawang tanong ni Wanda.

"O, ayan na pala si Kiko." Dala nito ang tricycle nito.

Nililigawan pa rin ako ni Kiko pero lagi kong sinasabi na wala itong pag-asa dahil may mahal na akong iba. Ayokong paasahin si Kiko dahil sobrang bait nito. Hindi lang sa akin kun'di sa lahat.

Dumaan kami sa palengke at nag-ambagan sa pagbili ng mga prutas. Ipinaayos pa namin 'yon sa tindera para magmukhang disente kapag ibinigay.

"Hindi pa tayo nananghalian!" Reklamo ni Mary na nakahawak na sa tiyan nito.

"Itinext ko na si Sir Nathan," nakangiting sabi ni Wanda. Buti pa ito may number ni Sir Nathan. Samantalang ako wala, ang unfair.

"Close kayo, Wanda?" Usisa ni Kiko.

SIR, CRUSH KITA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon