Chapter 1

2.4K 68 5
                                    

Maxine PoV

ARAW ng lunes, umpisa ng isang linggo na magiging masaya na naman ang araw ko. Dahil araw-araw ko na namang makakasama ang lalaking magiging future boyfriend ko, charing, pero seryoso, siya talaga ang lalaking pinapangarap ko.

Kasalukuyan akong nakatitig sa kaniya habang nagtse-check ito ng attendance.

"Mangahas, Wanda?"

"Present, sir."

"Kalyado, Hazel?"

"Present, sir."

"Makaspak, Kiko?"

"Excuse, sir. Nagtatae!"

"De Mano, Ruel?"

"Excuse din, sir. Nagtatae."

Tumingin ito sa gawi ko na taga sagot sa mga dahilan ng mga kaklase kong absent. Ang guwapo talaga ni Sir Nathan kamukha nito si Deib. Bakit? Wala lang wattpader kasi ako.

"Bautista. Bakit ikaw ang sumasagot kina Makaspak at De Mano?" takang tanong nito.

"Sir, sa akin kasi nila ibinigay itong mga excuse letter nila." Tumayo ako at iniabot dito ang dalawang one fourth sheet of papers na pinagsulatan ng mga ito.

"Sige ipatong mo na lang diyan." Utos nito na hindi man lang ako pinagkaabalahang tignan. Bumalik ako sa upuan ko na nakasimangot.

"Luwalhati, Gia?"

"Present, sir."

"Bautista, Mary?"

"Present, sir?"

"Bautista, Lovely Anne Joyce Maxine."

"Cute pa rin, sir," nakangiting sagot ko rito.

"Ayieee!" Asar ng mga kaklase ko.

"Bautista, umayos ka!" Saway nito sa akin.

Kinindatan ko ito. "Ayos na ayos ako, Sir. Attracted lang ako sa iyo."

Tumikhim ito. "Ay, ewan ko sa 'yo, Bautista."

"Sir, ang guwapo mo!" Hirit ko.

"Matagal na, Bautista."

"Ayieee!" Muling asaran.

"Sana all pinapansin ni Sir Nathan!" Biro ng iba. Nagtawanan ang lahat maliban dito na matalim na nakatitig sa akin.

"Ang ganda kasi ng classmate ninyo," nakangising sabi ko sabay hawi ng buhok ko.

"Our lesson for today is---" Huminto ito sa pagsasalita dahil nakatitig ako rito. "Bautista kung hindi ka makikinig lumabas ka na!"

Dumiretso ako ng upo. "Sir, nakikinig ako sa 'yo."

"Our lesson for today is gravity. Bautista, Lovely Anne Joyce Maxine," madiin nitong banggit sa buong pangalan ko.

"P'wede mo 'kong tawaging Love, Sir. O 'di kaya ay Max, Joyce or... babe. Char!"

"I'm not interested!"

"Aray!" Sabay hawak sa puso ko.

"What is gravity?"

"Ako, Sir?" Sabay turo ko sa sarili.

"Oo!"

"Gravity. P'wede bang tagalog sagot ko, Sir?"

"Kahit pa ano!"

SIR, CRUSH KITA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon