Chapter 13

777 36 3
                                    

Chapter 13



Maxine PoV

MALINAW ang sinabi ni Kuya Albert habang hinahawakan nito ang kamay ko. Kailangan kong layuan ang taong mahal ko. Lagi nitong sinasabi na kailangan kong mag-aral para sa kinabukasan ko. At tiwalang-tiwala siya sa akin na magagawa ko iyon. Pinahid ko ang luha ko nang malapit na kami sa kotse nito. Mahal mahal ko si Sir Nathan. Bakit nila ako kailangang ilayo dito? Bakit gano'n sinasabi nila ni Mama na okay lang pero bakit ganito 'yong nararamdaman ko. Sinasabi nila ni Mama na bata pa ako pero bata pa nga bang maituturing ang tulad kong nagmamahal ng totoo?

"Maxine, pumasok ka na sa kotse!" utos sa akin ni Kuya Albert at binitawan ang kamay ko. Naroon sa tabi ko si Mama hindi ito umiimik.

"Pero Kuya..."

"Maxine, makinig ka. Ginagawa namin ni Mama ang lahat para sa kabutihan mo."

"Kuya..."

"Nag-usap na kami ni Nathan. Nangako siya sa akin na hihintayin ka niya, kapag tama na ang panahon para sa inyong dalawa. Sa ngayon pag-aaral ang dapat mong pagtuunan ng pansin. Nagsasakripisyo ako para sa'yo at sana 'wag mong balewalahin ang ginagawa ko."

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Narinig ko ang pag-uusap nila ni Mama noong isang gabi. Sinabi nito na hihintayin niya akong magtapos bago ito magpakasal kay Ate Vanessa. Kapag nakita na Kuya Albert na okay na ako hindi na ito mag-aalala para sa amin ni Mama.

Pinahid ni Kuya Albert ang luhang lumandas sa magkabilang pisngi ko at ginulo nito ang buhok ko.

"Kapag hindi ka hinintay ni Nathan." Itinaas nito ang kamao nito. "Ako mismo ang babasag sa mukha ng lalaking 'yon," nakangiting sabi nito.

Sinulyapan ko ang kinatatayuan ni Sir Nathan pero wala na ito roon. Pumasok kami ni Mama sa loob ng kotse ni kuya. Alam kong ito na ang huling araw para makita kong muli ang lalaking minamahal ko.





__________

Nathan PoV

LUMIPAS ang mga araw, linggo at buwan. Wala akong natanggap na text galing kay Maxine. Marahil busy ito sa pag-aaral nito sa Maynila.

Araw na naman ng pasukan. Kasalukuyan kong inaayos ang mga index card ng mga estudyante ko. Napangiti ako habang inaalala ang mga estudyante ko noon lalo na si Maxine.

Wala sa loob na tumingin ako sa pintuan ng klasrum. Umaasang baka dumungaw doon si Maxine isang araw. At sabihin nitong crush niya ako tulad ng palagi nitong bukam-bibig.

Hindi ako nagpaalam kay Maxine noong umalis ito. Mas mabuti na iyon kaysa mas lalo itong mahirapan kapag kinausap pa ako nito. Ayokong ako ang maging dahilan para masira ang pangarap na kinabukasan ni Albert sa kapatid nito. Dahil tulad nito gano'n rin ang gagawin ko lalo na't pareho kami nito na may kapatid na babae na kailangan naming pangalagaan.

"Sir!" untag ng mga ito sa akin.

Ibinaling ko sa mga ito ang atensiyon ko. Hanggang sa matapos ang klase ko sa mga ito.  Malungkot akong nagtungo sa faculty department pagkatapos ng klase ko. Lunch time na at tanging kami na naman ni Sir Albert ang naroon.

Binuksan ko ang cellphone ko habang nakapangalumbaba sa lamesa. Mayamaya'y bigla na lang tumawag si Wanda sa messenger at nag-request ito ng video call. Inilagay ko ang earphones ko at sinagot ng tawag ni Wanda.

"Sir Nathan!" tili nito. Halos mabingi ako sa lakas ng tawag nito sa pangalan ko. Wala pa ring nagbabago rito madaldal pa rin ito sa tingin ko.

SIR, CRUSH KITA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon