Chapter 4

971 43 1
                                    

Chapter 4

Maxine PoV

KINABUKASAN maaga akong pumasok sa school. Habang nasa hallway ay binabasa ko ang reviewer na ginawa ko kagabi. Six-thirthy pa lamang ng umaga nang makarating ako rito sa school.

Kaya wala pang gaanong estudyante sa loob ng vicinity. Pero nakabukas na ang classroom namin dahil ang security guard ang gumagawa no'n. Pumasok ako sa classroom at ibinaba ko ang backpack ko sa upuan ko. Habang naghihintay ay nagpasya akong magwalis. Nakakabit sa tenga ko ang earphones ko. Naka-record doon ang laman ng reviewer ko.

Habang abala ako sa pagwawalis ay dumating si Sir Nathan. Hindi ko siya pinansin hanggang ngayon kasi masama pa ang loob ko sa kaniya. Isa pa kinakabahan na rin akong kausapin ito. Mula kasi nang magtapat ako ng nararamdaman ko ay 'di ko na alam kung ano pang sasabihin ko rito.

"Good morning, Maxine." Bati nito sa akin na nakangiti. Inayos nito ang lamesa at pinagpag ang alikabok doon.

Tinanguhan ko lamang siya. Hindi naman ito umimik. Tinulungan na lang niya akong mag-ayos ng mga upuan.

"Galit ka ba sa akin?" tanong nito nang makalapit.

"Ha--- bakit naman ako magagalit sa'yo, Sir?"

Sarap batukan nito. Ang manhid.

"Mabuti kung gano'n."

Pilit ngiti ang ibinaling ko sa kaniya. Mayamaya pa'y dumating na ang mga iba kong kaklase.

"Good morning, Maxine," bati ni Kiko.

"Good morning din sa'yo, crush," sagot ko na nakipag-apir dito.

"Ang sweet!" Asar ng mga ito.

"Mukhang kasing ganda mo ang araw mo crush?" tanong ni Kiko.

"Yeah. Ganito talaga kapag nakapag-move on na. Pagand nang paganda."

Napalingon si Sir Nathan sa gawi ko.

"Kailan ka pa nag-broken hearted, Maxine, e, wala ka ngang sinagsagot sa mga manliligaw mo?" tanong naman ni Mary na hindi maka-gets.

Sinimangutan ko si Mary.

"Sana all. Manhid!" Sigaw naman nila.

Nag-ring ang bell tanda ng pagsisimula ng klase. Bumati si Sir Nathan sa amin at ganoon din kami sa kaniya.

"One seat apart," sabi nito habang inaayos ang hawak nitong questionnaire. "Maglabas ng one half lengthwise."

Nagsimula na naman ang hingian ng papel. Ako naglabas ng one whole. Hahatiin ko iyon at lalawayan tapos ibibigay ko kay Wanda.

"Yuck!" Reklamo nito.

"Yuck! Yuck! Ka riyan mga tira ko nga kinakain mo, e."

"Quiet class!"

Nakinig na kami rito. Sa may malapit sa bintana ako nakaupo.

"What is physics?"

Napangiti ako. "Sisiw."

Physics is study of matter and energy.

"Sir, naman," reklamo ni Wanda.

"Wanda, 5 points 'yan 'wag kang magreklamo."

Binalingan ako nito. "Maxine, pakialis ng earphones mo."

Kaloka. Mabuti na lang at ipinaalala nito. Inilagay ko iyon sa bulsa ng palda ko pagkatapos i-off ang cellphone ko.

SIR, CRUSH KITA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon