Chapter 2

995 51 0
                                    

Chapter 2

Nathan PoV

"Good morning class!" nakangiting sambit ko pagpasok sa classroom.

"Good morning din po, Sir!" Tumayo ang mga ito para batiin ako.  Napadako ang tingin ko sa nakabakanteng upuan ni Maxine.

Ibinaba ko ang bag na dala ko sa lamesa at kinuha ang classcard ng mga ito.

"Absent ba si Maxine or excuse?"   takang tanong ko.

"Absent, Sir. Broken hearted daw po," sagot ni Mary.

Tumango-tango ako. "Naranasan ko ring ma-broken hearted noon pero hindi ako nag-absent," sabi ko habang nakatingin sa classcard na hawak ko.

"Sana all. Manhid!" Sigaw naman ng mga ito.

Pero hindi talaga nag-absent noon dahil mapapalo ako ng Nanay ko kapag ginawa ko iyon. Isa pa seryoso ako sa pag-aaral ko noon hindi tulad ng mga estudyante ngayon. Masiyadong maluho at maarte sa mga bagay-bagay. Mas makapal na nga ang mga make-up ng mga ito kaysa ang nilalaman ng mga kaalaman nila.

Sinimulan ko ang pagtse-tsek ng attendance. At nang matapos ay inilagay ko ang manila paper sa black board.

"Ilabas ninyo ang mga notebooks ninyo at kopyahin ito.  May asikasuhin lamang ako sa office."

"Okay, Sir!" sagot ng mga ito.

"Wanda, ilista mo ang mga maiingay at ako ang maniningil ng ten pesos sa kanila mamaya." Bilin ko rito.

"Sir, ang mahal naman. Sampu agad?" reklamo ng mga ito.

"Okay sige bente pesos na lang."

Nanahimik ang lahat. "Pagbalik ko tapos na dapat ninyo 'to para magdi-discuss na lang ako mamaya."

"Yes, Sir!"

Muli kong sinulyapan ang bakanteng upuan ni Maxine. Nakadama ako ng lungkot. Mukha yatang dinibdib nito ang mga sinabi ko kahapon. Nagbuga ako ng hangin bago lumabas ng classroom.

Habang naglalakad patungong office ay kinakabahan ako. Hindi ko gustong umalis pero kinakailangan.

"Tama ang ginawa mo, Nathan," bulong ko sa sarili.

Mabigat ang loob na pumasok ako sa office ni Sir Principal Douglas Manzon.

Nadatnan ko itong nagpipirma ng mga reports.

"Good morning, Sir," bati ko rito nang makapasok sa office nito.

Tumingin ito sa akin. "Good morning too, Sir Nathan. Please take your seat."

Umupo ako sa silyang nakaharap dito.

"Tungkol ba ito kahapon?" tanong nito. Naikwento ko na kasi rito ang gusto kong mangyari.

"Yes, Sir."

Itinigil nito ang ginagawa at seryosong tumingin sa akin.

"Buo na ba ang loob mong mag-transfer?"

"Yes, Sir."

"Pero napakaganda ng mga records mo rito sa school. Isa pa marami kang mga estudyante na humahanga sa'yo. Natutulungan mo silang makapag-aral ng mabuti. Ano bang mabigat na reason para umalis ka?"

"Sir, hindi ko gustong umalis pero sa tingin ko kailangan."

"Ano ba ang reason mo? Tell me para alam ko. Hindi ko kasi maintindihan iyong sinasabi mo kahapon dahil sa cellphone lang tayo nagka-usap. Sabihin mo sa akin ngayon para maintindihan ko kung bakit ka aalis."

Mabait si Principal Douglas kaya sa tingin ko maiintindihan niya ako.

Huminga ako ng malalim bago magsalita.

"May estudyante kasi ako Sir na... na distracted sa akin. Hindi ko sinasabing guwapo ako Sir," agad kong bawi.

Ngumiti ito. "Halos lahat naman ng estudyante mo, e, crush ka. Pati na rin ang mga co-teachers mo na nasa faculty ninyo," biro naman nito.

"Sir, kasi... ang patakaran ay patakaran. Ayoko ng dahil sa akin ay mabahiran ng hindi maganda ang image nitong eskuwelahn, Sir," malungkot na sabi ko.

"Sinasabi mo ba sa akin na kaya ka aalis dahil umiiwas ka na magmahal sa isang estudyante mo?" kunot-noong tanong nito sa akin.

Napalunok ako at tumango kalaunan.

"I see. Alam mo Sir Nathan. Tama ka sa sinabi mo. Pero kung iyon ang dahilan mo kung kaya ka aalis hindi kita papayagan.  Oo, labag sa eskuwelahan ang magkagusto sa iyong estudyante. Dahil kahihiyan mo iyon bilang guro. Masisira ang dignidad mo at pati na rin ang eskuwelahan na ito. Ang magagawa mo ay umiwas sa tukso. Lalo na kung ang estudyante mo lang naman ang nagkakagusto sa'yo. Ang mabuti mong gawin ay i-guide mo siya bilang Kuya na nakakatanda sa kanila. Alam mo naman ang patakaran at alam kong hindi ka gagawa ng ikakasira ng pangalan mo... lalo na't dating guro ang Mama mo."

Tama si Sir Douglas.

"Ngayon kung gusto mong mag-transfer at hindi na magbabago ang desisyon mo hindi naman kita pipigilan. Limang taon na rin ang ginugol mo sa paaralang ito."

"Hindi na ako aalis, Sir."

"Good. Salamat at ipinaalam mo sa akin ang reason mo. Alam kong mabuti kang tao."

"Salamat, Sir."

Ipinagpatuloy nito ang ginagawa. "Then good back to your class, Sir Nathan."

"Yes, Sir."

Nakaramdam ako ng relief. Pero ninerbiyos ako kanina habang kausap si Sir Principal.

Mula no'ng unang makita ko si Maxine alam ko ng hinahangaan ako nito. Third year ito noon at panay ang lapit sa akin. Palagi itong nakamasid sa faculty department para silipin kung meron ba ako o wala. Ito rin ang madalas mabigay  ng nga card at regalo tuwing may okasyon.

Hanggang sa nagulat na lang ako ng ako na ang maging adviser nito ngayong fourth year. Simula noong pasukan palagi itong nakatitig sa akin. Kung minsan naman panay ang pang-aasar sa akin. Nahuli na rin ako nitong nakatitig dito. Hindi ko kasi maiwasang hindi tignan ang maganda at maamo nitong mukha. Maraming nagkakagusto rito mula pa sa iba't ibang year at sections pero hindi naman nito iyon pinapansin. Ito ang ibinotong muse ng mga estudyante ko at hindi naman ako nagtaka kung bakit.

Ngunit masiyado itong distracted sa akin. Sa mga quizzes palagi itong na-ze-zero. At madalas na pangalan ko ang isinusulat nito. Kaya gusto kong lumayo rito dahil ayokong mahulog dito. Lalo na't fourteen years old pa lamang ito at fourteen years din ang agwat namin sa isa't isa.  Hindi ko ma-imagine na magmukhang Kuya o Tatay nito in the future.

Napangiti ako sa naiisip ko habang naglalakad patungong classroom ko.


PAGPASOK ko sa classroom ay naabutan ko si Maxine na nagsusulat sa upuan nito. At hindi man lang bumati sa akin.

"Akala ko ba absent ka, Maxine?" tanong ko nang makalapit dito.

"Na-realize ko kasi, Sir, na inaaksaya ko lang ang oras ko sa mga walang kuwentang bagay." Hindi ito tumingin sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. Hindi na ako kumibo pa. Nag-iba yata ang ihip ng hangin.

SIR, CRUSH KITA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon