Kabanata 2
Kaagad naman akong napatingin Kay Ada na nakahalukipkip sa mesa ng kaniyang silya. Nababagot talaga iyan sa tuwing history na ang pag uusapan. Humikab pa siya ng dalwang beses pagkatapos ay isinubsob ang mukha sa armchair.
Mukhang hindi siguro niya narinig ang sinabi ni sir.
Umiling ako. Winala sa isipan ang nangyari at kumuha nalang ng dalawang bond paper sa loob ng envelope ko na nakalagay sa ilalim ng upuan, at ibinigay sa kaniya ang isa.
Hindi 'yan nagdadala ng Kung anong gamit maliban sa notebook at ballpen kaya naman ay nagdala na ako ng extra, nakakahiya naman sa kaniya.
Kinuha naman niya ang ibinigay kong bond paper at umayos ng upo at natulala saglit. Siguro ay nag iisip kung ano ang iguguhit.
Ang mga kaklase ko naman ay tahimik na na nakikinig at ang iba at komokopya naman. Ganito lagi ang sitwasyon sa tuwing sasapit na ang A.P, kopya dito kopya doon. Ilang manila papers ang nakapaskil sa pisara para kopyahin at kailangang pag aralan sa bahay which is hindi uso sa'ming dalawa ni Ada.
"Ayan Kasi Kung ano-ano ang mga pinanggagawa. Akala mo naman kung sinong maganda porket naka liptint na!" Parinig ng kaklase naming si klisary na may makapal na bangs na mas makapal pa sa mukha niya. Maikli ang buhok niyang blondeng tila nakuryente. Pauso teh? Di Naman maganda mukha ngang bunot, ang chaka!
Basta lagi nalang niya kaming pinag- iinitan. Ewan ko ba Kung trip niya lang o may sama talaga ng loob sa amin ni Ada. Araw araw may pakulo.
"beh narinig mo 'yon? may kabayong nagsalita." asik ni wada habang may hinuhukay sa kaniyang bag. Hindi siya nakatingin doon pero alam ko kung sino ang tinutukoy niya.
Tumawa naman iyong ibang nakarinig buti nalang abala at si sir sa pagkabit ng isa pang manila paper sa pisara. Natapos na kasing I explain iyong isa Kaya ang susunod na manila paper naman ang ikakabit.
"Che!"umirap si Klisa at bumaling sa kaniyang sinusulat. Aba nakuha pa niyang magtaray e siya nga to mismo ang may pasimuno.
''Hala beh umirap ang kabayo!"Madramang bwelta ni Ada. Nakatingin na siya ngayon kay klisary. Taas baba ang kaliwang kilay na tila inaabangan niya kung ano ang magiging reaksiyon nito.
Ayun lumakas na ang tawanan. Narinig ito ni sir kaya bigla siyang huminto at napatingin sa aming puwesto. Kumunot ang noo niya at ibinaba ang hawak na marker.
"Manahimik!... Kayo fiel at Monrado ipagpatuloy ninyo ang inyong ginagawa, ang ang iba naman makinig at dito tumingin sa pisara." Masungit na sambit ni Ginoong B.
Natahimik naman kaagad at bumalik sa ginagawa.
Mabait si sir pero di talaga namin maiwasang matakot sa kaniya. Lagi niya kaming tinatakot na ipatawag ang mga magulang namin ni Ada pero nakapagtataka lang hindi naman niya ginagawa.Siyempre malalagot kami sa mga magulang namin tapos pauuwiin sa probinsya.
Bilang parusa ni papa baka ay baka ipapa harvest niya sa akin ang buong tubuhan namin tapos ay doon lang ako sa gitna. Prenteng nakaupo habang nilalantakan ang bawat bunga.Baka mangitim na ako kakabilad sa araw sa pag aarado ng basakan at mangisay sa gitna habang hawak hawak ang lubid na naka angkla sa may kalabaw. Pagtatawanan pa ako ng mga trabahador namin. Tapos kapag pagod na ang kalabaw si Ada naman ang isusunod ko.
BINABASA MO ANG
Pahina"animnapu't siyam"
RandomKasabay ng pagbukas ng pinto tungo sa nakaraan ay ang pagkakataon muli sa dalawang pag iibigang hangad lamang ay makapiling ang isa't isa. Dalawang nagmamahalang pinagkaitan na makapiling at maipakita Kung gaano nila kamahal bawat isa. Pagmamahal na...