♡E
Napaisip naman ako. Is it worth it to give riri a chance? Inaamin ko'ng may pangamba akong nararamdaman sa mga oras na 'to. Na baka kagaya ni ada ay masasaktan lang din ako at mas lalong maging bitter.
Baka magkaroon ako ng trust issues o di kaya'y magiging myembro na ako ng mga babeng allergic sa mga lalaki at lalong nagpapaka bitter sa buhay.
Pero hindi naman siguro lahat ng lalaki ay ganoon ang ugali diba? May mga mababait parin naman at nanananiting loyal sa kanilang minamahal.
Maybe yes?
But I'm still confuse.
Do I still haven't moved on from that freakin Spanish guy who left me?
Yes, perhaps?
Hala! mukhang okay din 'tong utak ko ngayon ah! Nagiging english 'yong mga naiisip ko!
Napagpasyahan naming matulog ni ada. Marahil narin siguro sa pagod.
Maaga akong nagising kinabukasan, na s'yang hindi kapani-paniwala.
May himala!
Pagkamulat ko ng Mata ko ay kaagad akong umupo at inayos ang higaan. Nag unat pa ako saglit 'tsaka humikab pagkatapos ay bumaba na ako para maghilamos.
Medyo malamig ang panahon ngayong umaga, mabilis Kong dinungaw ang maliit na bintana at nakita Kong makulimlim ang kalangitan. Parang anytime bubuhos ang malakas na ulan.
Mahimbing pa ang tulog ni Ada nang madaanan ko s'ya. Nakanganga pa ang bunganga at tila sarap na sarap sa pagtulog. Nakakumot ang lahat ng bahagi nga kaniyang katawan maliban sa ulo n'ya.
Ayaw ko naman s'yang distorbohin baka ma sample-an pa ako ng flying kick ng babaeng to.
Uncle n'ya ata si Bruce Lee, Kung maka sipa wagas. Kaya hindi na ako sumubok na gisingin ang best friend Kong broken.
Nagsuot ako ng pambahay na tsinelas at medyo nakapikit pang pumasok sa banyo para makapag hilamos at mag tooth brush.
Pagkatapos ay dumiretso na ako sa kusina at naabutan kong kumakain ng agahan si ate Vien. Naglalagay siya ng palaman sa may wheat bread at tinagilid ang ulo upang maipit ang cellphone sa kaniyang balikat
Good morning prancy! Let's eat! Saan si Ada? Aniya. Binaba n'ya muna ang cellphone at kumuha ng dalawang pinggan para sa Amin ni Ada.
Good morning ate! Natutulog pa po e! Sabi ko at hinila ang upuan para makaupo.
Gisingin mo na! Naku late na naman kayo! Mag a alas otso na! Medyo makulimlim Lang Kaya mukhang maaga pa! Sabi ni ate at ibinaling ang atensyon sa katawagan.
Ay shunga! Akala ko naman maaga akong nagising!
BINABASA MO ANG
Pahina"animnapu't siyam"
De TodoKasabay ng pagbukas ng pinto tungo sa nakaraan ay ang pagkakataon muli sa dalawang pag iibigang hangad lamang ay makapiling ang isa't isa. Dalawang nagmamahalang pinagkaitan na makapiling at maipakita Kung gaano nila kamahal bawat isa. Pagmamahal na...