Unang Kabanata
"Ada naman! matagal pa ba 'yan?" tanong ko sa ika siyam na pagkakataon. Naiinip na ako sapagkat kanina pa kaming narito. Kaninang alas Dose imedya ng tanghali ay natapos kaming kumain ng tanghalian. Napagpasyahang bumalik na sa classroom matapos, ngunit basta basta nalang akong hinila ni Ada patungong washroom. Para makapag-ayos at dahil hindi pa naman daw kami late."Sandali nga lang! ita try ko muna 'tong bagong concealer na binili ko kahapon naalala mo paba 'yon?" Pagbabaliwala niya sa sinabi ko. Doon parin nakatutok sa harap ng malaking salamin. Ang kaniyang sling bag ay nakapatong na ngayon sa gilid ng lababo katabi nito ang magulong make up galing sa kaniyang pabilog na lalagyan.
"Argh! late na nga tayo o! ano'ng oras na? kanina pa natapos ang lunch period patay na naman tayo kay ginoong B pag nagkataon!" Inip kong tugon. Ilang minuto na kami rito. Paniguradong umuusok na ang butas ng ilong ni sir! "Chill ka lang beh!" Tumawa siya sa naging reaksiyon ko. Hawak parin ang cheektint, dinampot niya ang isa pang liptint na light lang ang kulay, at sumulyap siya sa akin. "Mabait naman 'yon si sir e, bolahin mo lang ng konti ayos na 'yon" wika niya atsaka pilyang tumawa habang pinasadahan ng daliri ang buhok.Napangiwi ako. Umiling bilang hindi pag sang-ayon sa sinabi niya. Bagama't mabait si sir, tiyak akong may hangganan iyon. Kinakailangan talaga na sumunod sa anumang patakaran o alituntunin sa loob ng classroom. Iilan sa mga naroon ay simple lamang, ngunit hindi pa namin masunod o maisagawa ng maayos.
Nilapit pa ni Ada ng kaonti ang kaniyang mukha sa salamin. Ngumisi ng pilit. Inipit ang bibig gamit ang mga daliri pagkatapos ay ngumuso. Umirap ako nang napansing tumingin siya sa'kin, mula sa salamin at kumindat. Napagtanto kong kanina pa pala ako nakatingin. Natulala sa harap ng salamin.
Bumuntong hininga ako kalaunan. Napagpasyahang kumuha nalang ng suklay sa aking sling bag. Kung sabagay, wala na akong magawa. Tinignan ko ang aking repleksiyon sa harap ng malaking salamin. Nilugay ko ang naka ponytail kong buhok at marahang sinuklay. Inayos ko ang bawat takas na hibla sa aking mukha at inilagay sa likod ng tainga.
Nakita kong napangisi si Ada nang napatingin ako sa salamin. Ramdam ko ang panunuya niya sa ngising iyon. Umiling ako at kinuha ang kaniyang pouch. Mas lalong lumawak ang kaniyang ngisi, ngunit di ko nalang iyon pinansin pa. Tinignan ko ang laman ng kaniyang pouch at kinuha ang kulay pulang liptint.
Lumabi ako at sinimulan nang lagyan ng liptint ang labi. Bawal ito sa loob ng classroom. Pero kailangan para hindi lang magmukhang maputla ang labi ko. At isa pa, mahilig ako sa liptint. Hindi na ako nag abala pang naglagay ng cream o polbo. Hindi ako mahilig sa ganoon at hindi rin naman kailangan pa.
Napangiwi ako nang malagyan ng kaonti ang ngipin ko at nang nagkalat sa ibaba ng labi ang iba. Kumuha ako ng tissue at kaagad na nilinis iyon. Nilagyan ko din ulit ng liptint pagkatapos.
Inilagay ko ang pang ipit sa kanang papulsuhan ko at ibinalik ang suklay sa bag. Pagkatapos ay naghugas narin ako ng kamay sa may sink. Hindi masyadong nabura ang bakas liptint sa kamay ko kahit ano'ng hugas ang gawin ko. Naglagay din ako ng alcohol pagkatapos.
Nakita kong hinawi ni Ada ang kaniyang mga gamit at tumalikod pagkatapos ay itinukod niya ang mga kamay at lumundag paupo doon sa gawa sa tiles na lababo. Sumandal s'ya roon at prenteng umupo, di alintana ang maliit na paldang umabot na ng hita.
Sumisipol si Ada habang pinasadahan ako ng tingin. Halatang nagpipigil tawa at baka masapak ko. Hindi ko siya pinansin. Ngumuso ako, tinampal ang magkabilang pisngi at tinignan ulit ang labi kung may nagkalat pa ba, at na satisfied nang makitang wala na.
Hindi na nawala ang tingin niyang nanunuya.
BINABASA MO ANG
Pahina"animnapu't siyam"
РазноеKasabay ng pagbukas ng pinto tungo sa nakaraan ay ang pagkakataon muli sa dalawang pag iibigang hangad lamang ay makapiling ang isa't isa. Dalawang nagmamahalang pinagkaitan na makapiling at maipakita Kung gaano nila kamahal bawat isa. Pagmamahal na...