V |Prank

51 20 22
                                    

Saglit lang itinagal namin sa lamesa at napagpasyahan na naming umalis kaagad Kasi nga magta takip silim narin. Bitbit ang iniinom na milk tea ay sumakay Kami ng tricycle pauwi ng apartment. Apat Kaming lahat sa isang kuwarto, isang college at isang call center agent na madalas wala rito ang mga kasama namin ni Ada at puro babae. Well, bawala naman kasing magdala ng boylet o kung sino mang lalaki dito sa building na ito. Ayon ito sa istrikta naming landlady na may sandamakmak na batas.

Si ate Kaye na 3rd year college na. Maganda, matalino at mabait rin pero pag ginalit mo naku talaga magtago Ka nalang. Mahilig sya sa kulay itim at sa mga vodoo dolls ang creepy nga ng higaan nya pati mga gamit nya all black.

Si ate Vien naman ay isang call center agent na laging wala at may boyfriend na Kano na akala mo sila na talaga habang buhay. Laging nagtatawag kasi baka may iba na raw susmiyo walang forever uyy!

Si Ada naman ang best friend ko at ang beh ng buhay ko. Yuck! ba't parang ang sagwa pakinggan? Basta kababata ko sya noon pa man, nakilala ko na sya kahit noong may lobo na green pa na lumalabas sa ilong nya.

Magka probinsya Kasi Kami, retired police si papa at ngayon nagtatrabaho siya pansamantala sa daungan ng barko at inaasikasko rin ang mga pananim namin. Kasama rin ang papa ni Ada doon sa daungan ng barko at ang mama naman niya ay isang midwife. Wala na si mama bata pa lang ako, iniwan niya Kami. Wala rin akong kapatid Kaya parang kapatid narin ang turing ko kay Ada

Dalawang double deck ang nasa loob ng apartment namin na binabayaran kada buwan. Ayos naman dahil dalawa ang cr Kaya Hindi na kami kailangang magsik sikan para makaligo sa umaga.

"Ada ano sa tingin mo iyong sinabi nila ma'am helena kanina." Tanong ko habang nilalagayan ng Toyo ang niluluto Kong Adobo. Nilalanghap ang mabangong amoy nito....

"Pati narin pala 'yong weird na babaeng kanina sa loob ng Library?" Dagdag ko.

''naku Prances Almira! wag mo'ng sabihin na naniniwala Ka dun." sagot niya habang naka Indian sit sa sementong sahig at nagtu tupi ng mga bagong nalabhan na damit sa higaan niya.

Ewan ko ba ba't di mawala-wala sa isip ko iyong pinag usapan nila.

Nagluluto ako ngayon para sa aming hapunan, dalawa kang kami ni Ada rito dahil wala pa yung dalawang kasama namin.

Malay mo 'yong pinapanuod na movie sa Netflix pala yung tinutukoy nila yung propesiya keme, eh alam mo namang mahilig silang dalawa sa history. Untad niya na parang walang iyon sa kaniya.

"Sabagay"..ipinag kibit-balikat ko na lamang iyon at tinikman iyong niluto kong Adobo at nang ma satisfied ako sa lasa ay inihain ko na.Pagkatapos naming kumain sa Ada na ang naghugas ng pinagkainan namin.

Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone ko at tinignan Kung sino ang nag text. Chi-narge ko iyon at ipinatong sa ibabaw ng cabinet.

From Papa:

nak uuwi Kba next week? sembreak nyo na dba?

Oo nga pala nakalimutan ko. Pinunasan ko muna ang basang daliri bago nagtipa ng mensahe.

To papa:

Pahina"animnapu't siyam"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon