Kabanata 3
Hindi ko alam kung anong oras natapos ang last period namin, medyo late kami ng labas dahil may announcement pang naganap at pagbibigay ng homeworks. Kaya nang tumunog ang bell para pwede nang makalabas ng paaralan ay kaagad naming niligpit ang gamit at dali daling lumabas ng classroom.
Tutunog Kasi ang bell ng last period bandang alas kwatro ng hapon tapos alas kwatro imedya ay tutunog ulit hudyat na pwede nang lumabas ng gate.
Dumaan kami sa makitid na hallway papuntang lumang silid aklatan. Maraming dumadaan Kaya medyo masikip. Nauna ako kay ada, dala dala ang di-nrawing namin. Sumunod siya sa akin. Lumiko kami pakaliwa at hindi nagtagal ay natanaw na namin ang pinto. Walang ibang building maliban rito. Malapit lang din dito ang lumang cr. Ewan ko ba kung bakit nila ito inabandona. Siguro dahil may bago na.
Gawa sa kahoy ang kabuuan nito, maliban syempre sa yero. Mula sa pintuan, bintana, pader at mga kagamitan ay gawa sa kahoy. May nakalagay na sign sa itaas. Gawa rin ito sa kahoy na may nakaukit na"Silid Aklatan"
Sa loob pa kasi matatagpuan iyong opisina ni sir, may pintuan doon sa isang sulok sa may liblib na parte. Dati iyong stockroom ngunit nang dumating si sir ay itong room ang pinili niya.
"Ano kaya ang nakain ni ginoong B,
at naisipan na gawing faculty room ang lumang bodega sa loob ng library?" Saad ni Ada na nakasibangot habang naka ekis ang mga braso. Hindi raw tinanggap ni sir 'yong gawa namin. Nag e emote ang bruha. Hindi raw iyon katanggap tanggap. Sayang raw ang iginuhit niyang "KALISSA" kuno. Pambihira!Maging ako ay napapaisip rin sa bagay na iyan Kung minsan. Lumang bodega ito e. Dito iniimbak ang mga lumang drums, lyres at iba't ibang instrumento at mga kagamitan na karamihan ay hindi na magagamit pa. Kaya bakit ito ang napili ni sir e pwede namang doon malapit sa office of the Dean at may faculty rooms naman na bakante. O baka ayaw lang ni sir ng maingay.
"Shh! huwag ka ngang maingay, kanina ka pa reklamo ng reklamo!" sinipat ko siya.. "baka mamaya marinig ka non." Bulong ko sa kanya habang tinatahak ang daan patungo pintuan. Nakahawak ang kanan Kong kamay sa may pader habang naglalakad kami.
Kumatok ako ng tatlong beses ngunit walang nagsalita. Kumatok ulit ako pero wala parin. Suminghap ako hanggang sa napagdesisyonan naming dalawa na pasukin nalang ang loob. Hindi naman naka lock e. Pinihit ko ang kumakalawang na doorknob. Umingay pagkabukas dahil nga sa kalumaan ng pintong gawa sa kahoy.
Bumungad sa amin ang hindi naman madilim ngunit hindi rin maliwanag na looban. Ang tanging ilaw lang ay ang nakabukas na bintana at ang maliliit na mga lampara. Creepy. Kitang Kita pa naman ang mga gamit sa loob dahil sa sikat ng panghapong araw. Itinulak ko patalikod ang pinto at nangarinig ang "click" ay nagsimula Kaming maglakad.
Pinasadahan ko ng tingin ang malawak at malinis na silid aklatan. Kahit sumisigaw na ng kalumaan ay hindi parin mawala wala ang Ganda nito na tila hiwagang nakabalot sa buong silid. Bihira lang Kaming mapadpad sa lugar na 'to. Mula rito ay malalanghap talaga ang amoy lumang mga aklat.
Ito ang lumang silid aklatan ng paaralan. Ang bago ay nasa second floor sa taas malapit Lang din sa room namin.
Napako saglit ang paningin ko sa may bintana na gawa sa kahoy. May puting kurtina na tila sinasayaw ng hangin. Iniwas ko ang paningin at pinagmasdang maigi ang buong paligid.
"Sir, where na you?" Narinig kong sabi ni Ada. Naroon Siya sa isang sulok. Kakailanganin pang lumiko pa kanan upang matagpuan ang sinasabing silid ni ginoong B. Napatingin ako sa paligid.
BINABASA MO ANG
Pahina"animnapu't siyam"
RandomKasabay ng pagbukas ng pinto tungo sa nakaraan ay ang pagkakataon muli sa dalawang pag iibigang hangad lamang ay makapiling ang isa't isa. Dalawang nagmamahalang pinagkaitan na makapiling at maipakita Kung gaano nila kamahal bawat isa. Pagmamahal na...