Ika labing-dalawang Kabanata

25 16 12
                                    

♡A

Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa labas. inilapit ko ang tainga ko sa may pinto kung may nagsasalita pa ba ngunit wala na akong naririnig na ingay.

Umalis na siguro 'yong dalawa.

Napaupo ako sa may inidoro at umihi.

Masyadong malakas ang agos ngayon.
Masakit parin 'yong t'yan ko.
Hanep! Parang mas gusto nalang maging lalaki.

Isang putol lang ayos na. Magsout lang ng maluwang na damit at itutulak para hindi sasayad tapos kekereng keng lang ng ilang araw ayos na.

Eh 'yong mga babae? Buwan buwan talaga buti sana kung hindi sumasakit ang t'yan.

Ilang minuto pa ako nanghintay na loob ng CR. Ilang mga chismosang babae na ang pumasok sa loob at di parin bumabalik 'yong dalawa.

Uy narinig mo ba 'yong usap usapan? Pang e-echos ng babaeng kakapasok lang.

Ano'ng usap usapan? tanong ng isa sa kanila.

natagusan daw 'yong fiel! 'yong senior high! Sabi naman nung isa.
Tatlo ata yung pumasok.

aba mga chismosang 'to!

Oo nga narinig ko 'yan kanina kay Jennifer, ang sabi doon daw sa corridor nangyari! Nakakahiya Naman!

it's so kadiri right? like iw! she has a tagos on her butt and she didn't recognized it kaagad. Maarteng sinabi nung isa sa Kanila.

Mga echuserang 'to! Kung hindi lang sumasakit'yong t'yan ko kanina ko pa sila nabigwasan.

Oo nga maganda pa naman 'yon diba? Sabi naman nung isa.

Ay malinaw paningin mo sis!

Patuloy Lang sila sa pang tsi tsismis.
Nakarinig ako ng lagaslas ng tubig pagkatapos ay narinig kong sumara na ang pinto, hudyat na Wala na ang mga chismosang froglets.

Maya Maya pa nakarinig ako ng tatlong katok sa may pinto. Unti-unti Kong binuksan ang pinto at nakita ko si ada na may hawak na isang supot at pangisi ngisi.

Kukuhanin ko na sa iyong supot ngunit inilayo n'ya ito.

Hadary!

Naku! Naku! Pinaypayan niya ang sarili at tumili.

Huy! Nakahithit Ka ba? Ibigay mo na nga 'yan nang makapag bihis na ako! Huwag Kang mag alala babayaran kita mamaya Kung iyan ang iniisip mo! Umirap ako.

Don't worry, xyri paid for it already! Hindi parin mawala-wala ang ngisi niya.

Namilog ang Mata ko.

Don't tell me siya ang bumili? Nagsimula na akong mataranta.

Ngumisi siya ulit at tumili.

Ada naman!

Pinatawag Kasi ako ni ma'am Jessa kanina kaya si xyri na ang nag volunteer, matapos Kong sundin 'yong utos ni ma'am ay pinuntahan ko si xyri pero hindi pa Siya nakabili. Tinanong niya ako Kung ano daw na brand or with wings ba.

Tumawa si Ada...

Tapos sinabi ko sa kaniya. Aba may crush pa ata 'yong tindera sa kaniya pero nung sinabi ni xyri na bibili s'ya ng napkin ay napawi ang ngiti nung nagtitinda.

Tapos alam mo na Kung ano'ng sinabi niya? Tumawa ulit si Ada.

Umiling ako habang nag iinit ang pisngi. NAKAKAHIYA!


Gan'to 'yong sinabi niya ikinumpas pa niya ang kamay niya.

Miss pabiling napkin, lahat ng brand kukunin ko at pakibilis narin dahil naghihintay gf ko.


Tapos humagalpak sa tawa si Ada.

Nanlaki ang mata ko at hinablot sa kanya ang supot.




§têphânîê

Pahina"animnapu't siyam"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon