♡G
P-pero paano po kayo nakapunta rito? Tanong ko kahit na may bahid ng pag aalin langan. Hindi ako kumbinsido. Wala sa bukabularyo ko ang mga bagay na sinasabi nila. Hindi ako naniniwala. Hindi.
Kami ay tinulungan ng isang diwata, siya ay may kaakibat na kapangyarihang makakagawa at makapag tutupad ng anumang kahilingan maliban na lamang sa kapayapaan ng aming bayan, hindi neto mapipigilan ang anumang nakatakdang mangyari. Mahabang paliwanag ni sir.
Parang sasabog na ata ang utak so sa mura. Kanina propesiya ngayon naman ay diwata? Pinagloloko lang ata Kami rito e.
Humiling Kami ng sapat na kaalaman ng sa gayon ay makapagturo Kami sa inyo, sapagkat Kami ay walang alam sa inyong mundo at nang mahanap ang tinutukoy ng propesiya.
Pero ano pong p-ropesiya? Anong pahina ang tinutukoy nyo? Pagtatanong kong muli.Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan. Nilamig bigla. Wala namang Aircon dito sa loob ng silid. Sa library mayroon. Pero biglaan e. Kani kanina lang mainit ang pakiramdam ko.
Siniko naman ako ni Ada.
Don't tell me naniniwala Ka? Mataray na dabi n'ya at nag ikot ng Mata.
Napangiwi ako at muling ibinaling ang paningin sa dalawa'y guro.
Ang mahiwagang aklat ni Mahikan, and diwata ng kahilingan ang siyang aming tinutukoy. Saad ni ma'am.
Higit na makapangyarihan lamang and diwata kapag nariyan ang aklat ng kahilingan, napakahiwaga nito at dito rin nakasaad ang mga pangyayari sa hinaharap na syang ang tanging diwata lamang ang nakakaalam.
Ngunit may isang mapangahas na estranghero ang nagnakaw ng isang pahina nito. Isang pahina na Hindi pa nasusulatan, makikita ito sa likurang bahagi ng aklat.
Labis ang kalumbayan ng diwata sa kadahilanang hindi na maaaring gamitin ang aklat sapagkat nawalan na ito ng kapangyarihan, at sapagkat hindi na ito nabuo pang muli makalipas ang mhabang panahon. Maibabalik lamang ito Kung mahanap ang nawawalang pahina.
Mahabang litanya ni ma'am helena.
BINABASA MO ANG
Pahina"animnapu't siyam"
AcakKasabay ng pagbukas ng pinto tungo sa nakaraan ay ang pagkakataon muli sa dalawang pag iibigang hangad lamang ay makapiling ang isa't isa. Dalawang nagmamahalang pinagkaitan na makapiling at maipakita Kung gaano nila kamahal bawat isa. Pagmamahal na...