Ika-siyam na Kabanata

39 20 10
                                    

♡A

Ganoon lang din ang eksena pagkarating namin sa eskwelahan. Pinapatawag Kami nina ma'am helena at sir Balagtas at sinasabihan ng mga weird na salita.

Malapit nang magsimula ang nakatakda. Ikaw ay nangangailangan ng sapat na paghahanda sapagkat hindi ito magiging madali sa kadahilanang lingid sa iyong kaalaman ang mga pangyayari sa aming kapanahunan. Binibini aming hiling na Sana ay huwag Kang gagawa ng anumang hindi kanais-nais o kaaya-aya, huwag mo'ng ipapakita ang iyong talampakan sa kahit na sino lalo na sa isang ginoo.

Huwag mo'ng hahawakan ang ano ma'ng parte ng kanilang katawan. Magiging mahinhin Ka kagaya ng mga kababaihan sa aming kapanahunan. Iyong ipapangako na iiwas Ka sa anuamang kaguluhan.
Wika ni ginang Helena. Seryosong seryoso ito sa bawat salitang binibitawan. Tila magpapayo sa kaniyang mga butihing anak.

Ako ay nalulungkot sapagkat ang mga binibini sa panahong ito ay puro KAPUSUKAN ang ipinamalas.
Nagsusuot ng mga damit na kinulang sa tela. Ako ay naguguluhan at marami namang pagawaan ngunit bakit tila naghihirap ang mga ito sa pag papagawa ng mga baro't saya. Saan ba nila ninyo inilalaan ang inyong mga salapi?
Pagpapatuloy niya.

Napaismid naman Kami ni Ada.

Hindi namin maintindihan Kung bakit nagkaganito na ang pilipino, nang sa aming kapanahunan ay balot na balot ang mga kababaihan.
Tugon ni sir.

Hindi ba nila alam na nasakop ng mga amerikano ang pilipinas. Saang lupalop ng daigdig sa sila nanggaling?

Kaya pala Hindi masyadong lumalabas si sir Kasi masyadong malaswa iyong nakikita niya sa labas. Kapag makakita siguro sila ng naka bikini sa isang beach naku!, Di ko ma imagine Yung reaction nilang dalawa ni ma'am.

Ayaw ko man'g naniwala sa mga pinagsasabi nila, but there's a part of me saying that what if it's true? What will I do?

Gezz! Kahibangan lahat ng to! Hindi dapat ako naniniwala. Prank Lang ito. Tama prank lang.

Isang araw nalang bago mag sem break, Thursday ngayon at P.E time namin. Naglaro Lang Kami ng softball sa may field dito sa likod ng gymnasium malapit sa lumang palikuran at dating tinatambayan kapag lumiliban ng klase.

Pahina"animnapu't siyam"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon