YBTM: THE KISS

137 3 0
                                    

Leo

"I don't care who you are mister... I'm not interested!" Mataray nitong putol sa kung anumang sasabihin ko.

At bigla na lamang siyang tumayo at sinenyasan si Mike. Bago siya tuluyang makalabas, hinawakan ko ang braso niya.

"Ouch!" Daing niya. Hindi ko sinasadyang mapahigpit ang pagkakahawak ko sa kanya. Isa pa, bigla nitong hinablot ang sariling kamay kaya tumama ang siko nito sa dingding ng bahay.

"Sorry." Hinging paumanhin ko. "Masakit pa ba?" Concerned na tanong ko sa kanya.

"Don't dare touch me...again." Galit na baling nito sa akin. Kung nakakamatay lang ang bawat talim ng tingin nito. Marahil kanina pa ako nakahandusay sa sahig.

But I find her cute being snobbish. Her peevishness caught my attention and interest. She's more pretty gorgeous at her fierce face.

Hinayaan ko silang lumabas. Pagkuway, sinundan ko rin sila kung saan sila pupunta. Then, I saw them returned to the dance hall. They sit beside the operators again.

Pumailanlang ang isang sweet music uli. Kaya unahan na naman ang mga lalake na kumuha ng kanilang makakapareha. At isa ako sa kanila. Inayos ko muna ang aking sarili bago ko siya puntahan sa kanyang pwesto.

Nagulat na lamang ako ng wala na sila doon ni Mike. Nagpalinga-linga ako nagbabakasakaling nagsasayaw lang sila. At hihiramin ko na lamang siya kay Mike.

Nanlumo ako dahil wala silang pareho doon.

Saan na naman ba sila nagpunta? Inis na tanong ko sa sarili. Pagkuway may tumapik sa akin.

"Sinong hinahanap mo?" Tanong ng bayaw ko. Lasing na siya pero heto at prenteng-prente pa rin siyang nakatayo. Animo'y hindi nakainom pero kung tititigan mong maige. Doon lang malalaman na lasing na ito.

Umiling ako.

"Ba't hindi ka nalang kumuha ng kapareha mo at makipagsayaw? Ang daming naggagandahang babae oh." Sabi pa nito.

Hindi ako sumagot. Paano ako sasagot kung abala ang mga mata ko sa paghagilap sa kinaroroonan ng babaeng gusto kong isayaw?

Tsaka wala akong ibang gustong isayaw kundi siya lang. Kung ang mga babae dito na nakaupo todo sa make-up at ayos para lang magmukhang maganda sa paningin ng iba.

That girl is different. Kahit mga daliri lang nito ang magsilbing suklay nito sa kanyang buhok. Maganda siya. Kahit meron o walang make-up, talagang natural ang ganda niya.

She's really beautiful! Kulang ang salitang maganda para ilarawan siya.

At ngayon pa lamang, nababaliw na ako sa kanya.

Damn it! Ngayon lang ako ganito sa isang babae. Kahit kay Olive, hindi ako humanga ng ganito sa kanya. Knowing that Olive is beautiful and sexy. I hate to compare but this girl is perfectly goddess of beauty.

Effortless.

"Andito ka lang pala!" Bugso ng damdamin ko. Marahas ko siyang hinablot patayo.

Dahil maliit siya, tiningala niya ako. At pinagmasdan.

Nakita ko ang gulat nito sa kanyang mata sa ginawa ko. Napangiwi rin ito, marahil sa sakit. Kahit ganun, naging mahinahon pa rin siya.

"Kuya, bitawan niyo si Ellie." Pakiusap ni Mike sa akin. "You're hurting her."

Tiningnan ko siya ng masama kaya hindi na siya muling nagsalita. Saka ko binalingan ang dalaga.

"Sa lahat ng ayoko, yong ini- embarrassed ako. You'll have to pay for it." Sabi ko sa kanya.

You Belong To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon