YBTM: THE ACCIDENT

63 1 0
                                    

Marnellie

Nanghihina ang buong katawan ko at halos hindi ko maigalaw ang mga kamay at paa ko. Pakiramdam ko may nakadagan sa mga ito.

Pinilit kong imulat ang aking mga mata. Unti-unti hanggang sa maimulat ko ng buo ang mga mata ko. Napakurap ako para masigurong wala ako sa sarili kong kwarto. At natiyak kong wala nga ako sa silid ko.

Nakita ko rin ang isang bagay na nakakabit sa kanang kamay ko. Hindi ko maiwasang huminga ng malalim at malungkot. Noon ko lamang napagtanto na nasa hospital ako. At naalala ko ang nangyaring aksidente habang pauwi kami ng bahay ni Andrei.

Pinipilit ko pa ring igalaw ang katawan ko. Ngunit hindi ko talaga maigalaw.

Siya namang bukas ng pinto at iniluwa roon si mommy kasama si kuya Lyndon at si... Leo.

"Gising ka na rin sa wakas anak ko." Mababakas sa boses nito ang sobrang pag-aalala sa akin. Hinaplos niya ang aking mukha at isinuklay ang mga daliri nito sa aking buhok habang walang tigil ang pagbagsak ng kanyang mga luha.

"Mom, stop crying..." Mahinang sabi ko. At pinahid nito ang kanyang mga luha saka niya ako niyakap. "W-where is Andrei, mom? Is he fine?" Tanong ko.

Ngunit hindi ito agad sumagot. Nagpalipat-lipat muna ito ng tingin sa aming tatlo na naroon.

"Mom?!" Muli ay tawag ko sa mommy ko. "Si Andrei po?"

"A-anak, magpahinga ka muna. Magpalakas ka iha." Sabi nito at inayos ang kumot ko. Pumikit ako at muling huminga ng malalim.

"Mom, please... I want to see him." Pakiusap ko.

"Ellie, magpagaling ka muna at magpalakas. I promise you, dadalhin kita kay Andrei, anak. Basta magpagaling ka muna." Nagsusumamong sabi nito sa akin kaya hindi ko maiwasang maluha.

Ayokong nakikita si mommy na malungkot at umiiyak nang dahil sa akin. Parang tinutusok ang puso ko sa bawat patak ng mga luha nito. Pero wala naman akong magawa. Because I know, she is hurt now because of my condition.

Sabihin man o hindi ni mommy ang totoong kalagayan ko. I know. At nakikita ko naman. Dahil kanina pa ako gising ngunit hindi ko maigalaw ang kamay at paa ko.

Pagkuway bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang lalaking nakasuot ng puti at stethoscope. Mukha naman itong mabait dahil nakangiti ito. As if nakahinga siya ng maluwag pagkakita sa akin.

"Mabuti naman at gising na ang pasyente ko." Saad nito.

Napakunot ang aking noo. Nagtatanong ang mga matang tiningnan ko si mommy.

"Halos dalawang linggo ka ng natutulog anak." Aniya.

Dalawang linggo. Ulit ko sa sinabi ni mommy sa aking isipan. So, matagal na pala ako ngayon dito sa hospital. Si Andrei, ok lang kaya siya? Magaling na kaya siya? Pero bakit hindi man lang siya pumunta dito para kamustahin ako?

May pagdaramdam na naisaloob ko.

"Anong nararamdaman mo ngayon, Ms. Cortez?" Tanong sa akin ng doctor.

"Bakit hindi ko maigalaw ang paa ko pati mga kamay ko doc? Bakit parang ang bigat nila?" Sabi ko na tila ine-expect na nila na iyon ang sasabihin ko.

"Anak—"

"Mom, bakit?" Takang tanong ko.

"Actually, pansamantala lang ang nararamdaman mong iyan Ms. Cortez. Dahil sa matinding pagkakaipit ng mga paa mo dahil sa aksidente. Nagkaroon ng fracture ang bones mo particular sa right leg mo below your knee. At sa mga kamay mo naman, wala naman kaming nakikita na fracture. You just need to undergo some therapy." Mahabang paliwanag nito.

You Belong To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon