YBTM: CONFRONTATION

56 1 0
                                    


Leo

Maaga akong nagtungo sa opisina para kausapin si Ellie tungkol sa rebelasyon ng kanyang pagbubuntis. Hindi ako dumiretso sa sarili kong opisina. Doon mismo ako sa opisina nito dumiretso para hintayin siya.

At nang dumating siya, tinanong ko agad siya. Ngunit nilagpasan lamang niya ako at wala akong mahintay na anumang sagot na mula sa kanya.

Kahit ganun hindi ako umalis sa harapan niya hanggang hindi nito sinasabi sa akin ang totoo.

"What?!" Halos pasigaw na sabi ko sa kanya. Nagbabakasakaling matinag ito. Matakot at magsasabi siya ng totoo sa akin.

She heaved out a deep sigh then stare at me. "Oo, ikaw ang ama ng pinagbubuntis ko. Happy now, mr. Madrigal?" Aniyang nagtaas lamang siya ng kilay nito at humalukipkip sa harapan ko.

Hindi ko malaman kung paanong ipapaliwanag ang damdamin ko sa narinig. Ang saya ko at hindi ko alam kung paano o saan ko ihahalintulad ang nadaramang kaligayahan sa puso ko.

"Ako magiging tatay na?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Na walang kahit anong ekpresyon sa mukha nito. Kung gaano ako kasaya.

Umikot ako hanggang sa nasa tabi na niya. At buong higpit ko siyang niyakap. Pinaghahalikan ang kanyang noo.

"Would you mind!" Panunulak niya sa akin kaya medyo napadistansiya ako. "Hindi ako makahinga sa higpit ng yakap mo. Tsaka, hindi porke nabuntis mo ako," sabi nito na inikot ang kanyang paningin. "It doesn't mean na we're ok!"

Hindi ako sumagot pero isang matamis na ngiti ang namutawi sa labi ko. At bigla ko nalang siyang kinabig at niyakap muli. Sa una, nagpupumiglas pa ito ngunit ng maramdaman nitong mas humihigpit ang yakap ko. Huminto na rin siya sa panlalaban.

"I love you, Ellie, my sweetheart." Bulong ko dito habang hinahaplos ko ang likod nito.

"Pwede bang bitawan mo na ako? Ang baho mo! Hindi ka ba naligo ha! Kapre?! What kind of smell do you have? Talo mo pa ang mga bombay sa baho!" Inis nitong sambit kaya binitiwan ko siya. At lumayo nga siya sa akin agad.

"Naligo naman ako kanina, sweetheart. Tsaka, ang bango ko kaya. Baka may diperensiya ang pang amoy mo?" Depensa ko.

"At... Just leave me alone Mr. Madrigal!" Alam kong galit na naman siya dahil naniningkit lalo ang kanyang mga mata.

"Anong problema, iha?" Siya namang pasok ng kanyang amang si Mr. Laurenti.

"Nothing dad... Anyway, why are you here?" Malambing nitong tanong sa matanda.

Tumikhim muna ang matanda saka tumingin sa akin. "Well, good at andito ka rin Mr. Madrigal. I just drop to tell you both that the expo in Palawan will be tomorrow night. So better have you flights early in the morning para may oras kayong magpahinga, mamasyal, at mag-ayos ng mga dapat ninyong ayusin doon." Anito.

"Dad, pwedeng si Madrigal nalang?"—Ellie.

Kumunot ang noo ng matanda at kahit ako napalis ang ngiti sa labi ko sa narinig na sinabi nito.

" Kasi dad, hindi pwede sa akin ang bumiyahe sa kalagayan ko. Medyo maselan ang first trimester ko." Paliwanag nito but I know, she's not telling the truth. Ayaw lang niya akong makasama at iyon ang talagang dahilan nito.

"Kaya nga andyan si Madrigal iha para bantayan ka. At siguruhing safe ang magiging apo ko. Anyway, sabihin mo sa tatay ng dinadala mo na have dinner with us tonight, darling."

"Ho?!" Kung nakikita niyo lang reaksyon ni Ellie ngayon. Matatawa kayo. Wala lang. Kasi naman ang singkit nitong mata mas lumaki dahil sa huling sinabi ng kanyang ama.

You Belong To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon