YBTM: SEPARATE LIFE

58 1 0
                                    

Hindi ako lumabas ng kwarto para manood ng tv sa sala na usually ginagawa ko pagkatapos kumain ng dinner.

Nasa sala silang lahat, nagkukwentuhan. Kahit hindi ko na mapanood ang favorite teleserye ko. Basta hindi ko lang makita ang pagmumukha ng impaktong iyon.

Nakakainis lang talaga. Kung bakit ba naman dito pa sila sa bahay mag-i-stay. Eh, ang dami namang classy hotel dito sa manila.

"Darling..." Boses iyon ni mommy. "Your favorite teleserye magsisimula na." Anito.

"Next time na lang po ako manonood mom. Medyo masama kasi pakiramdam ko. Parang inaantok na ako." Sabi ko.

Syempre kasinungalingan lang iyon. Forevermore kaya iyon at ang mga idol ko ang bida doon. Yes, solid LIZQUEN ako. Eversince, dead fan na ako ng mga ito.

Stalk there, here, everywhere ang ginagawa ko. Sa mga fan page nila, hindi kompleto ang araw ko kung hindi ako mapag-comment. O di nama'y makita ang bawat kaganapan sa buhay nila.

Super duper kinikilig ako sa kanilang dalawa. Sobrang bagay din sila.

"Are you sure?" Mom asked.

I nod.

"Ok, I'll just bring you med and water." Sabi pa niya at lumabas na siya ng kwarto.

My goodness! Iinom ba ako ng gamot ng di oras? I hate medicine. Bukod sa ang baho ng amoy, mapait din ito. Pakiramdam ko sa tuwing  nainom ako ng gamot, nananatili lamang ito sa lalamunan ko.

"Inumin mo na ito." Sabay abot sa akin ang tabletas.

"Later nalang mom." Sabi ko at ipinatong ko na ito sa side table ko.

"Masama ba talaga ang pakiramdam mo? O masama ang loob mo sa akin sa pagpapatuloy ko kay Leo." Sapol na naman ako ni mommy.

How could I say no, if iyon naman talaga ang totoong nararamdaman ko.

I sighed.

Kahit gusto kong sumagot, walang lumalabas na kahit anong salita sa akin. Nanatiling nakatingin lamang ako sa bintana ko.

"Gaano ba kalaki ang galit mo kay Leo?"

"Mom, I will never forgive him on stealing my first kiss." Yes, my mom knows about the kissed. Syempre, nagalit siya nong una. Ewan ko lang kung bakit nag-iba ang pakikitungo nito sa kapreng iyon.

At ganito pa niya tratuhin ang mokong. After that last incident (the last time he kissed me before we got home) nagkausap sila ni mom.

Kung anuman ang napag-usapan nila. I don't have any clue. No idea at all.

Pero hindi na ako nag-abalang alamin iyon.


"Nagugutom ka ba?" Nagulat ako ng may magsalita mula sa aking likuran. Ngunit hindi ko na iyon pinansin. Boses pa lamang nito, alam ko na kung sino kaya hindi na ako nag-aksayang tingnan ito.

Nakapagtataka lang na gising pa siya at this hour. Alas dose lang naman ng hating gabi. Kaya hindi ko maiwasang isipin na talagang isa siyang maligno.

Kung tinatanong niyo kung bakit pa ako gising din sa ganitong oras. Because I'm rushing my research paper. I need to finish it already para hindi na naman ako mahuli sa pagpasa ng mga ito. Sabagay, wala pa namang pagkakataon na nahuli ako sa mga projects ko.

Bumaba ako para kumuha ng makakain dahil kumakalam ang sikmura ko. Hindi ko naman inakalang gising pa rin ang maligno.

"Hanggang kailan mo ako iiwasan?" Tanong nito ng hindi ko siya pinapansin at tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad patungong hagdan.

You Belong To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon