YBTM: FIRST DAY WORK

59 1 0
                                    

Marnellie

Sobrang excited na akong pumasok sa bagong trabaho ko. Actually, this is my first job after my graduation. That's five months ago. Kaya sobrang excited ako.

First day. Kaya hindi ko maiwasang kabahan.

First meet sa big boss kung sa sakali mang magtagpo ang landas namin.

Sana hindi siya masungit at sana considerate din siya sa mga employee niya.

"Mom, aalis na po ako." Paalam ko sa kanya habang nagmamadali na akong lumabas ng bahay.

"Teka! Hindi ka pa nag-aagahan!" Habol na sabi nito sa akin.

"Sa office nalang mom, mahirap ng ma-late ngayong first day ko. Ayokong magbigay ng bad impression sa record ko sa unang araw ng trabaho ko po." Litanya niya ko.

"O, siya, mag-ingat ka anak. Kung bakit ba naman kasi late ka na bumangon." Sabi pa nito.

Napangiti na lamang ako. Paano hindi ako makatulog kagabi dahil sa sobrang excitement ko sa trabahong papasukan ko.

"Bye mom, i love you..." Sabi ko sabay halik sa pisngi nito.

Mabuti na lamang at agad na may dadaang tricycle kaya pinara ko at nagpahatid ako sa paradahan ng jeep papuntang makati.

Nalula yata ako sa taas ng building mula sa labas. Ang taas sobrang taas nito. Hindi naman bago sa akin ang makakita ng mga nagtataasang mga building. Hindi rin ito yong unang punta ko dito sa building na ito. Dahil noong nagpapasa ako ng application ko dito rin sa building na ito. At no'ng interview ko.

Ngayon ko lang talaga nabigyan ng pagkakataong tingnan nang mabuti ang establishment na ito. Kung saan ako papasok araw-araw para magtrabaho.

MADRIGAL'S SHIPPING COMPANY

Muli ay pinagmasdan ko ang pangalan ng building.

"Hinihintay mo ba ako?" Isang baritonong boses iyon na sobrang pamilyar sa akin. Lumingon ako mula sa likod. Hindi ko maiwasang mapangiti ng makita ko si Andrei. Malawak ang ngiti at napakagwapo nitong tingnan sa suot nito.

"Oh, mauupos na ako na parang kandila sa titig mo, honey." Biro nito sa akin. Saka siya lumapit sa akin kaya kinurot ko siya sa kanyang tagiliran. "Hon, nasa harapan tayo ng building oh." Pilyong sabi nito na ikinapula ng pisngi ko.

Hindi ako manhid para hindi ko alam ang ibig sabihin ng boyfriend ko. Sadyang pilyo lang talaga siya. At medyo may pagka-clingy talaga ako pagdating sa kanya.

Andrei Manansala  is my boyfriend since college. We're bestfriend first then na-developed sa isa't isa. Mabait at very responsible man si Andrei. Masasabi kong siya ang pinapangarap ng mga babae sa buhay nila.

And I'm so happy because I am the luckiest woman ever of having him in my life.

Hindi man siya sobrang yaman pagdating sa mga materyal na bagay. Mayaman naman ang puso niya sa kabaitan at pagpapahalaga sa pamilya niya. And that's what I really admire him most.

Kaya naman no'ng sinabi nitong may hiring sa kompanyang pinapasukan nito. Tinulungan niya ako para makapasok. At natanggap naman ako agad. Kaya heto magkasama kami pero magkaiba kami ng department. Siya sa accounting department. Samantalang ako, sa business administration pero magkatabi lang naman ang aming department. Kaya hindi kami mahihirapang magkita sa araw-araw at bawat oras.

"Ellie, call me if may problema ok!" Sabi sa akin ni Andrei.

Tumango ako. "See you, hon...sabay tayong mag-lunch ha?"

You Belong To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon