YBTM: THE HEIRESS

59 0 0
                                    


Marnellie

Pagbaba ko sa sasakyan ni kapre, agad kong napansin ang dalawang magagarang sasakyan na nakaparada sa labas ng bahay namin.

Napakunot ang noo ko. May bisita si mommy? Sino naman kaya?" Bulong ko sa sarili ko.

Tuloy-tuloy lamang ako sa pagbukas ng gate hanggang sa main door. Pero dahan-dahan kong pinihit ang door knob para hindi makagawa ng ingay. Nang medyo nakaawang na ito. Nakita ko ang isang lalake na halos kaedad lang ni mommy. Matikas ang lalake kahit pa may edad na ito.

At halata ring may sinasabi ito sa buhay.

Ilang araw lang akong nawala, may manliligaw na si mommy. Napangiti ako sa isiping iyon. Sa totoo, gusto ko ring sumaya siya. At matagal ko na ring hinahangad na may isang lalake na magmamahal sa kanya ng totoo. Iyong mamahalin siya at pahahalagahan siya.

Hindi siya sasaktan at iiwan. Hindi tulad ng tatay ko. Naisip ko kaya hindi ko maitago ang lungkot.

"Ellie, anak...kanina ka pa ba?" Umiling ako at lumapit na rin sa kanila. Excited akong makilala ang lalaking bisita ng mommy ko.

"May bisita ka pala mom." Sabi ko pagkatapos ay nginitian ko naman ang bisita nito. "Kumusta po kayo, I'm Marnellie po, Ellie for short." Sabi ko sabay abot sa kamay ko.

"Roderick Laurenti iha..." Aniyang inabot nito ang aking kamay.

Magaan ang loob ko sa kanya. Siguro dahil nakikita ko sa kanya ang aking ama. Tama, ang aking ama na kailanman ay hindi ko pa nakikita at nakikilala. Kahit sa picture ay wala.

Napansin ko rin ang pagkabalisa ni mommy. Siguro nababahala siya na baka magalit ako dahil sa pagtanggap nito ng manliligaw. Hindi lang niya alam, kanina pa ako kinikilig for her.

Mukha namang mabait at mahal niya si mommy. At bakas ko rin ang pagmamahal ni mommy sa kanya sa mga mata nito. So, wala naman akong nakikitang problema para hindi ko payagan si mommy na makipag-relasyon.

Saka my mommy needs to be happy. Buong buhay niya iginugol na niya sa akin. Kaya susuportahan ko siya sa anumang alam kong ikaliligaya niya.

"Iha, magpalit ka na muna at magpahinga na rin." Sabi ni mommy na halos hindi mapakali. She looks so weird. Pero hindi ko nalang pinansin masyado. Maybe she's worrying so much na hindi ko magustuhan ang manliligaw niya. Anyway, sinunod ko na lamang siya. I really need to rest. Nakakapagod ang byahe.

"Iha, what do you want for dinner?" Pahabol na tanong ni mommy. "Rod," she's pertaining to her visitor kaya napangiti ako sa kanya. My mom is so cute. Para siyang teenager. "Will have dinner here."

"Anything mom basta luto mo, kakainin ko. Ewan ko lang kay Mr. Laurenti," baling ko rin kay Mr. Laurenti.

"No, problem iha...kakainin ko rin anumang ihahanda ng mommy mo." Malambing na sagot nito na tiningnan pa ang mom ko.

They're really look so good!

Kinikilig akong umakyat ng hagdan at nagtungo sa aking kwarto.

Leo

Naabutan ko na lamang si Ellie na patakbong tinahak ang hagdan patungo sa silid nito. Mukha naman siyang masaya. And I know, I wasn't the reason of her happiness. Dahil lagi namang nakasimangot ito sa tuwing nakikita niya ako.

"Tita," tawag ko sa mom niya. Medyo nagulat pa ako ng makita ko si Mr. Laurenti na prenteng nakaupo at kausap si tita.

"Leo, siya si..." Pero hindi na naituloy pa ni tita ang pagpapakilala nito sa bisita niya sa akin dahil agad na nagsalita ang matanda.

You Belong To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon