YBTM: EXPO

48 1 0
                                    


Leo

"What the hell,  Ellie?" Hindi ko maitago sa kanya ang galit, pagkainis sa mga inaasal nito. She's really a brat! Damn her for making my life mess like hell.

Para na akong asong buntot ng buntot sa kanya. Pero ni hindi niya ako tinatapunan ng tingin o kahit konti man lang na atensyon nito.

Pagkatapos ng dinner kagabi sa bahay nila. At ang harap-harapang pagtanggi sa inaalok kong kasal sa kanya. Hindi na niya ako muling inimik. Pinansin. Para akong isang invisible man sa paningin nito. Hindi nakikita. Hindi rin naririnig. At that's make me crazy!

Kahit iisang sasakyan lang kami naroon, nakasakay. Mas pinili pa nitong magsumiksik sa pintuan kesa madikit sa akin.

"Pwede bang kausapin mo ako? Ano bang problema mo ha?" Halos sigaw na tanong ko sa kanya ng makapasok na kami sa loob ng elevator. Thankful ako dahil kami lamang dalawa ang naroon.

"Ikaw?! Ano bang problema mo ha kapre? Sunod ka ng sunod sa akin! Naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo. Nasusuka ako sa amoy ng pabango mo! Kaya pwede ba, lumayo-layo ka sa akin!" Ramdam ko ang pagtitimpi nito sa sarili. Kaya minabuti kong huwag nalang magsalita.

Pero, bakit naaalibadbaran siya sa mukha ko?

Ayaw niya sa amoy ko, sa pabango ko?

Hindi kaya...

"Damn it, kapre...stop staring ok! And that maniac smirks with you. Nakakairita!" Angil nito sa akin.

"I'm not smirking nor staring woman. Don't be that too much assuming, " sarcastically I said. And she just sigh.

Sakto namang pagbukas ng elevator at tinungo namin ang room number namin.

"Don't enter..." Aniyang hinarap ako para pigilin. Nakahalukipkip ito habang nakasandal sa pinto.

Mataman ko siyang tiningnan.

"Don't dare come inside...just get another room for you." Aniya at isasara na sana niya pero naharang ko naman.

"We share these room sa ayaw at sa gusto mo." Sabi kong pumasok na ako sa loob.

"Talagang inaasar mo ako? Gusto mo bang maging impakto tulad mo ang magiging anak natin?" Sigaw niya pagkatapos ay hinampas nito ako ng unan.

Marnellie

"Talagang inaasar mo ako? Gusto mo bang maging impakto ang anak natin tulad mo?" Nanggagalaiting sigaw ko sa kanya. Saka ko kinuha ang isang unan at pinaghahampas ko ito sa kanya.

Nabubuwisit ako sa kanya. Ni anino niya, ayokong makita. Maski boses niya ayokong marinig. Pero heto siya at tawang-tawa pa rin siya. Parang natutuwa pa siya sa mga panlalait ko sa kanya.

He's so weird.

Kung kanina halos mabuwang na ito dahil hindi ko pinapansin. Ngayon naman para siyang timang na nakangisi na diko mawari.

"Sorry na, sweetheart... Hindi ko naman alam na ako pala ang pinaglilihian mo." Aniyang lalapit na naman sana sa akin pero bigla na lamang akong naduwal sa harap niya. "Are you ok?" Ramdam ko ang pag-aalala nito ngunit tinabig ko ang kanyang kamay. Dahilan para tumigil siya at pinagmasdan lang ako.

"I told you to leave me alone. I don't wanna see your face, ok!" Asik ko dito na sinabayan ko pa ng isang matalim na tingin.

"Ok, I'm going but I'll be back..."

"Don't ever come back...!" Madiing sagot.

The night is coming. At naghahanda na ako para sa malaking pagtitipon na gaganapin sa expo.

You Belong To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon