YBTM: BACK TO SCHOOL

59 1 0
                                    

Author's pov

Male-late na naman siya sa kanyang klase dahil sa pagkakahimbing nito sa pagtulog.

Magdamag ba naman silang mag-video call ng mga kaibigan niya. Animo hindi magkikita kinabukasan. Para maipagpatuloy ang kanilang mga kwentuhan.

"Gosh!" Nanlalaki ang kanyang mga mata ng makitang nagsisimula na ang flag ceremony sa kanilang school.

Tumigil siya para magbigay galang sa watawat na nakawagaygay at sa national anthem. At kumanta na rin siya.

Kita pa niya ang mga kaibigan na nasa second floor, sa labas ng classroom nila. Kumakaway ang mga ito sa kanya.

Hindi naman niya magawang kumaway din dahil naroon nakabantay ang kanilang principal.

"Marnellie!" Tawag sa kanya ng principal after the flag ceremony. "To my office." Anito at sumunod na siya sa principal sa office nito.

"Ma'am,  good morning po." Bati nito.

"Maupo ka." Malamig na tugon sa kanya ng principal.

"May problema po ba ma'am?" Agad nitong tanong pagkaupo na pagkaupo nito.

"I will directly tell you this, Marnellie. Matalino ka, actually ikaw ang isa sa mga asset ng school. Pero, pwede bang bawas-bawasan mo ang pagiging sutil mo sa loob ng klase mo? Kahit mga guro mo, hindi mo na ginalang. Hindi ko pa nakakalimutan ang pagpapaiyak mo sa pilipino teacher mo."

"Sorry po ma'am... I'll try to be polite po..."

"Marnellie, hindi porke pamangkin kita. Ito-tolerate ko ang mga kalokohan mo! Nagkakamali ka! If I need to punish you, I will do that. Magtanda ka lamang or else, ie-expel kita dito sa school ko!" Pananakot nito kay Marnellie.

Tiyahin niya ang prinsipal. Second degree cousin ng father niya and she owns the school.

Kaya dito siya ipinasok ng kanyang pamilya para magbago ito. At madisiplina dahil sa pagiging sutil nito at tigas ng ulo niya.





"Kumusta ang 3 days vacation mo?" Halos sabay na tanong ng mga kaibigan nito sa kanya.

"Bakasyon talaga?!" Natatawang turan nito.

"Mas magandang sabihin na bakasyon kesa sabihing suspend ka ng ilang araw noh!" Pambabara sa kanya ni Liezel.

"Tama si Liz, Ellie." Pag sang-ayon naman ni Cha.

"Ok, fine...you two are win!" Pagsuko niya taas kamay pa sa mga kaibigan.

"Anyway, baka naman pwedeng ituloy mo yong naudlot nating kwentuhan kagabi. About that...that..." Alice frowned while remembering something.

"Alice! You really need to take vitamins for your mind. Masyado ka ng makakalimutin." Sita naman ni Dim dito.

Napasimangot si Alice sa tinuran ng kaibigan.

"Enough guys. I think, you need to give me some of your notes para makahabol ako sa lecture." Agap na sabi ni Marnellie sa kanila. Or should I say, umiiwas siyang pag-usapan ang tungkol kay Leo.



Marnellie

"Enough guys. I think you need to give me some of your notes para makahabol ako sa lectures." Agad na sabi ko kanila para hindi na sila magtanong at ungkatin ang nangyari sa akin sa three days suspension ko na naging dahilan para magkaroon ako ng bakasyon. At naka-attend sa kasal ng pinsan ko.

"Your trying to escape girl to the topic." Basag trip na sabad ni Cha. At sinang-ayunan naman ni Dim, Alice at Liezel.

Nagkibit balikat naman ako, acting like innocent. Nagpatuloy lamang ako sa pagbuklat ng notes ni Dim. At nagsimulang basahin at intindihin ang mga nakasulat sa kanyang notebook.

You Belong To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon