YBTM: LEO vs. ANDREI

61 1 0
                                    

Leo

"How dare you?!" Galit na sigaw nito sa akin saka dumapo sa aking pisngi ang napakalakas na hampas ng kanyang kamay.

Hampas? Hindi iyon hampas kundi isang suntok ang dumapo sa aking pisngi. Isang suntok na nagpagulantang sa akin.

Sino ba naman ang mag-aakalang ang isang maliit na babaeng tulad niya at payat ay napakalakas manuntok? Saan ba nanggaling ang pwersang iyon para paduguin ang ilong ko?

Hindi ko talaga in-expect na gagawin niya iyon.

Sa sobrang gulat sa ginawa niya. Hindi halos ako makapagsalita. Basta nakatitig lamang ako sa kanyang mukha na sobrang galit na galit.

"Hanggang ngayon ba naman kapre! Hindi ka na nagbago! Mapagsamantala ka pa rin pero nakapaghanda ako." She smirked. "I'm not the young lady that so naive you met before. I can fight now. Hindi na ako basta matatakot sayo." Diretsong sabi pa nito sa akin.

Napangiti naman ako sa tapang niya. Tama siya, malaki na ang nagbago sa kanya. She's more valiant and gorgeous. Pero hindi ako natatakot sa kanya. Sa katunayan, natutuwa ako sa ipinapakita niyang tapang.

Mas naiintriga ako at nata-challenge sa kanya.

"What's so funny, kapreng manyak?" Iritadong tanong nito. "Ah! Don't talk...aalis na ako impaktong boss." Aniya at tinulak niya ako kaya napaurong ako at agad nitong nabuksan ang pinto. "A-andrei?!" Gulat nitong sambit ng makita ang boyfriend nito sa labas ng office ko.

"Sinusundo na kita, hon..." Anyang hinawakan na nito ang kamay ni Ellie.

"Ha, a, h-hon, kanina ka pa ba?" Natatarantang Tanong nito na tinanguan naman ng lalake. Pagkuway ngumiti ito kay Andrei. At parang tinusok ng mga maliliit na karayom ang puso ko.

Nagawa niyang ngitian ang lalake mismo sa harapan ko. Samantalang sa akin palagi na lamang siyang nakaangil.

Aalis na sana sila ngunit hinila ko ang isang braso ni Ellie dahilan para masubsob ito sa aking dibdib. Napalakas ang hatak ko sa kanya kaya alam kong nasaktan ang braso nito.

"Ouch! What the hell...!" Galit na sambit nito sabay haplos sa noo nito na tumama sa dibdib ko. "Pwede ba! Huwag mo akong hinihila-hila? Nakakasakit ka!" Aniyang tiningala ako.

Pero hindi sa kanya nakatuon ang pansin ko kundi sa lalaking pilit na kinukuha sa akin ang babaeng mahal ko.

"Manansala, you are fired!" Madiing sabi ko dito dahil iyon lang ang tanging alam ko na paraan para mawala siya sa landas ko, naming dalawa ni Ellie.

At hindi ko man lang kababakasan ng anumang gulat o galit ang mukha ni Andrei. I just fired him pero wala siyang reaksyon sa sinabi ko. Tinititigan lamang niya ako until a smirked draws on his face na ikinataka ko.

"No, I resigned sir..." Mahinahong sagot nito.

"A-andrei..." Parang di makapaniwalang sambit naman ni Ellie.

"Let's go hon." Nakangiting lahad  nito sa isang kamay nito sa gawi ni Ellie na namimilog pa rin ang labi at mata nito sa amusement.

"She'll not come with you, Manansala." Maagap kong inabot ang kamay ni Ellie na iaabot nito kay Andrei.

"Let her decide, Mr. Madrigal kung kanino siya sasama." Matigas na sabi nito saka pareho kaming napatingin kay Ellie.

"Let's go, hon." Atubiling sagot ni Ellie na ikinabagsak ng balikat ko.

Hanggang ngayon, iba pa rin ang pinipili niya. Kahit kailan hindi pa rin niya ako magawang piliin. Talaga bang mahirap akong magustuhan?

Mahirap ba akong piliin? At mahalin?

Hanggang kailan ba ako makikiamot ng pagmamahal?

Makikihati ng oras at attention sa mga taong mahal ko na pilit naman akong inilalayo sa kanila?

Nasa akin na ang lahat pero hindi ko man lang makuha ang kaligayahang nais ng puso ko.



Marnellie

"Paano yan, hon...nang dahil sa akin, inalis ka ni kapre sa trabaho mo." Nalulungkot at nakokonsensiyang turan ko sa kanya habang tahimik itong nagda-drive.

Sinulyapan niya ako saka ito ngumiti. At inabot ang kamay ko saka iyong pinisil.

"Makakahanap din ako ng ibang work, hon. Ako pa ba?!" Positibong sagot nito sa akin kaya napangiti nalang din ako. Nakakahawa ang pagiging optimistic nito sa buhay. Ang palaging magandang set ng kanyang isip sa mga bagay-bagay sa mundo.

Isang bagay na talagang hinahangaan ko kay Andrei. Kaya mas lalo ko siyang minamahal. Parang walang puwang sa kanya ang bad vibes ng mundo.

Pero hindi ko pa rin maialis ang hindi kapitan ng guilt. Kahit ganitong malakas ang loob at determinado sa buhay si Andrei. Hindi pa rin maialis sa akin ang di-mag-alala sa kanya. Pati sa pamilya nito na tanging siya lamang ang inaasahan nila.

Napabuntong hininga ako dahil sa mga alalahanin na nasa isipan ko.

"At para saan ang malalim na buntong hiningang iyan, hon?" Tanong nito sa akin.

Sumulyap ako sa kanya sabay ng aking pag-iling.

"Told you hon, nothing to worry. Just relax...everything will be okay."

"Sabi mo eh...ikaw kaya ang superhero ko." Buong pagmamahal na sabi ko sa kanya. Dahil para sa akin, Andrei is my superhero. Lahat kaya nitong gawin for me and for his family kaya sobrang hinahangaan ko siya. At minamahal ng sobra-sobra.

"Why so bolera, hon?" Nakatawang sabi nito.

"Hindi kaya!" Depensa ko na medyo nag pout pa ako.

"Don't pout hon, baka itigil ko ang sasakyan at sunggaban ko ang mga labing iyan." Tumatawang sabi nito na sinasadya ko namang i-pout ang nguso ko at inilalapit sa kanya.

"Ganito ba hon?" Pagbibiro ko pa sa kanya.

"Sutil ka talaga hon... Pasalamat ka at nagdadrive ako. Kundi lang, lagot ang labi mong iyan sa akin." Nakangiting sabi nito na ikinatuwa ko.

Hindi matigil tigil ang puso ko sa pagkakakilig sa tuwing kasama ko siya. Pakiramdam ko ang gaan ng buhay. At walang lugar ang mga kalungkutan, pag- iisip ng mga problema at kung anu pa mang masasamang elemento sa paligid namin. Basta magkasama lang kaming dalawa ni Andrei.

"I love you, Ellie..." Buong pagmamahal na sabi nito at hinalikan pa niya ang kamay ko.

"I love you more, Drei." Palitan namin ng mga sweet words na talagang nagpapabilis ng tibok ng aking puso.

Hindi maipagkakailang inlove kami sa isa't isa. Na mahal na mahal namin ang isa't isa.

"Dreiiii...." Sigaw ko at napatingin naman siya sa harapan kaya bigla nitong kinabig ang manibela ng kotse. Sa pagkataranta nito, hindi nito gaanong makontrol ang pa-zigzag na daan. Hanggang sa bumangga ito sa isang malaking puno.

And last thing I saw bago ko ipikit ang sarili ko ring mata. Drei was in blood. He was already unconscious.

"Drei, honey..." Mahinang tawag ko sa kanya saka ko tinapik ang balikat nito. Saka bumigay ang mga paningin ko at tinangay na ako ng kawalan.





Sorry for the short update guys. Pasensiya na rin sa mga typos and wrong grammar. If ever may mahaba akong oras, i-edit ko na lang po.

Don't forget to  vote and like.

Please please please...

Read my two stories too...

* The Bad Boy's Heartbreak*

And

* The Submissive Daughter*

Like and vote them too guys.

Thank you!:)

You Belong To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon