Chapter 01

107 4 2
                                    

[KRISTINE]

two years had passed,.. simula ng iwan ako ng mokong kong boyfriend este EX na muka namang kalyo sa kapal ng mukha na akala niya siya na ang pinaka gwapo sa lahat,

simula ng iwan niya ako sa kalagitnaan ng dinner date namin na saktong anniversary namin, inubos ko na lang yung pagkain na inorder ko, sayang naman diba. ang mahal mahal nun.

flashback..

"waiter!" sigaw ko sa dumaang lalaki na mukang babae, grabe! nabusog ako dun..

"anu kavha teh! karinderya lang iteh. wag nang waiter, echosera ka naman!"

"foot ang ina! where is mah bill?" saka sumenyas ako ng korteng square.

"ano bang inorder mo?"

"dalawang order ng spaghetti,lasagna,mango juice, siomai,menudo at adobo, apat na whole rice, graham, saka yema cake"

"2300 lahat teh!"

"anak ka ng tipaklong,! 2300?"

akalain mo nga naman sumakto pang 23 ang petsang isinusumpa ko sa lahat!

"ikuha mo naman ako ng tubig" umalis ang bakla para kumuha ng tubig pero di talaga ako iinom, iniwan ko na lang yung tsinelas kong ipanema at saka yung loombands ko para pambayad saka takbo.

"eto na--" pagkalapag ni bakla.

"oops. naiwan ko, hehe" sabay kuha ko nung tirang adobo na nasa lalagyan saka karipas ng takbo.
at narinig ko pang sumigaw ang loka.

"hoy! magbayad ka! kulang pa tong ipanema mong lokal at loombands mong galing sa holdaper.. wala akong pambibigay sa mga boylets ko ! kaloka ka!" sumabunot pa sa sarili ang gaga

inirapan ko nalang ito at patuloy na tumakbo pauwi dala yung adobo.

kinabukasan

nagising ako sa sakit ng tyan ko. ahhh! grabe, ansakit talaga parang sasabog .

bumangon ako para pumunta sa banyo .

"ahhhyyy" sabay flash ko.

pero pagtingin ko sa timba, walang tubig. nasira nga pala yung tubo namin, hindi naman ako makakapag igib sa lagay kong to alangan namang maglakad ako ng nakaupo at may kung ano pa sa ugh! nevermind.

sumigaw ako ng pagkalakas lakas.!

"BEATRICEEEEEEEEE!!!!!!"

"ano ba naman yan inaantok pa ako, anong pinuputok ng pwit mo ha gaga ka!" sigaw ng dorm mate ko.

"hoy walang tubig! mag igib ka nga dun muna, may arinola ako jan, paki lagyan ng tubig kelangan kong mag fresh-en up dahil tinawag ako ni inang nature!"

"aba naman! kita mo to! libre na nga pagkain mo dito uutusan mo pa ako?!"

"hoy! inuwian naman kita ng adobo ah! utang na loob mo pa nga sakin yun kundi pa ako nag uwi mag uulam ka na naman ng toyo. pasalamat ka pa!"

"osige sige na, baka ikahirap ko pa lalo pakikipag away sayo, baho baho mo!"

pagtapos nun ay ayon na nga, ok na ako success naman ang business deal namin ni inang nature.

nagpa check up ako sa health center at sabi kinabag lang daw ako, pinahiran ko lang ng acete kaya ok na.

pero ginutom na naman ako..

"hoy gaga! buntis ka ba?lakas mong kumain ah?" -beatrice

"foot ang ina! buntis agad? broken hearted muna! climax ka agad eh! saka ako pa rin si virgin kristine noh!!"

"whatever, major major.. pfftt. antaba mo na! "

end of flashback...

ayuun nga! ang kapal kapal ng kalyo, este mukha ni EX. kung di dahil sa kanya hindi ako tataba ng ganito, hindi ako lagi mahihirapang mag shopping, sasabihin sakin lagi ng sales lady "ma'am may XL kaming size na available" .

at lahat nang yan ay dahil talaga kay EX.. bwisit siya! kalyo ka DEXTER LOBARATYRO.!

ganun ba ako kalaki ngayon? sabagay, hayy, dalawang taon ako nagpakasasa sa pagkain at sa trabaho ko ngayon makalimot lang sa ginawa sa akin nung kalyong si EX.

dahil, kung hindi lang niya ako iniwan sa dinner date namin sa karinderya sa saktong anniversary namin, di ko uubusin ang inorder ko at di ako magpapakasasa sa pagkain.

lagi tuloy akong chismis sa office, di ko daw deserve ang position ko, kesyo mataba, mataba, mataba.. ooh diba? mataba lang naman kasi maganda naman ako noh!

haller? ako si kristine A.K.A Sheng Aranzanso? nga pala, in case na gusto niyong malaman, team leader ako sa marketing department, pinaghirapan ko yang abutin dahil gusto kong patunayan kay EX na umiwan sa akin sa dinner date namin sa karinderya sa saktong anniversary namin, na hindi lang ako basta basta. at dahil sa maayos na ang trabaho ko, nakabili na ako ng condo napapadalhan ko na din sina inay sa probinsya at nagtatrabaho na din ang bunsong kapatid ko.

may naidulot din pala si EX na umiwan sa akin sa dinner date namin sa karinderya sa saktong anniversary namin, dahil sa kanya, nagpursigi akong maging successful at aaminin kong naging matatag ako sa loob man o labas ng personalidad ko.

pero foot ang ina eh! kung di lang talaga ako iniwan nung kalyo na yun, siguro di ako tataba ng ganito at laging inaalok ng XL sizes na mga damit.

hayy nako, ganito na lang ba talaga ako porebah?

My XL wishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon