[SEATIEL]
*phone rings
[Hello? Satty. Hi goodmorning]
"Oh?"
[Di pala muna ako makaka attend nung training kasi may kelangan akong asikasuhin sa office]
"Bahala ka, basta hindi flexible ang sched at oras ko na kapag nagbago ka ng isip eh itutuloy ko yun"
[Ok. Sige. Final na yun sungit! Hmp! Jan ka na nga]
Aba at! Kita ?! Bastusan lang. Babaan daw ba ako? Edi wala pala ako ngayong gagawin, makapunta nga muna sa mga bata. Palusot ko lang na busy ako kasi baka asarin ako nung si taba...
Nagbihis na lang ako at pumunta sa sa garage para kunin ang sasakyan ko. Dumaan muna ako sa isang store para bumili ng pagkain ng mga bata.
Nang mapunta ako sa lalagyan ng beverage, nakita kong nag iisa na lang yung favorite wine ko, kukunin ko na sana nang may naunang kumuha nito. Umalis na lang ako at hindi na nagtangkang tumingin pa.
"Excuse me, Seatiel? Is that you?"
That angelic voice. Di ako pwedeng magkamali,
"Daniella?" Niyakap niya ako na ikinatigil ko.
"Gosh! I missed you!!! Bayad muna tayo pwede? Para tuloy tuloy ang chika."
Tumango na lang ako at sumunod sa kanya papuntang counter. Pumunta kami sa mga bata pagkatapos para dalhan sila ng pagkain. Tuwang tuwa sila ng makita nila si Daniella dahil minsan na nilang nakita to. Nagtagal lang kami ng kalahating oras at nagpasyang pumunta dito sa tambayan namin dati.
"Hayy,, tiel, namiss ko to."
"Oo nga eh.ako din antagal mo naman kasing nawala. Saan ka ba nagsuot?"
"Pagkagraduate, pinapunta kami ni dexter ng parents namin sa U.S para asikasuhin yung training namin para malaman yung pasikut sikot sa company. Kasi diba business partners yung parents namin"
"Ahh. Kayo nga pala ni Dexter?kamusta? Bakit di mo siya kasama?"
"Ok naman. Strong pa din. Ahmm. Susunod daw siya eh pinauna na niya ako. May inaasikaso pa siguro sa work"
"Ohh. Nice."
"Wait, ikaw ba kamusta?,may girlfriend ka na ba?"
"Wa-wala pa.hehe. work muna"
"Ano ba naman? Dapat meron na kita mo, laki na ng katawan mo lalo ka pa pumogi ngayon tapos wala kang girlfriend?
"Sus. Di ka pa rin talaga nagbago Daniella."
Natawa na lang siya sa sinabi ko.
[KRISTINE]
Malapit nang mag gabi.. andami dami dami kong paper works ganito ba talaga, hay nako kaya ko to.! AJA!!!!!
"Miss kristine, ako na po bahala jan, uwi na po kayo." Sabi ng secretary ko.
"No. Its okay. Sige na ikaw na umuwi matatapos ko na ito." Sagot ko kaya ngumiti na lang siya at umalis na.
"Oy gags!! Ano..? Sipag sipagan lang ang peg?" Eto na nga ba.. anjan ang gaga.
"Oh Amor, bakit di ka pa umuuwi jan?"
"Trip ko lang, bakit ba? Saka mamaya may multo dito sa office wala kang back up sige ka."
"Ewan ko sayo gaga.! Patapos na ako, umuwi ka na."
"Sandali, bakit ba pinagtatabuyan mo na ako gags? Kwento ka muna dali na please!"excited na sabi ni gaga. ?
"Ay nako Amor! Ano namang ikekwento ko sayo aber?
"How's seatiel? Gym ?workout?"
"Si seatiel? Bat kilala mo?"
"Syempre naman, kwento sakin ni Rose"
"Ok lang."
"Ok?as in okay? Yun na yun? Di ka manlang na attract? "
"Psh. Masungit minsan mabait minsan salbahe anong nakaka attract dun?"
"Sabi ko nga wala. Sige na. Napaka walang kwenta mo namang kausap gaga! Una na ako! Kahit bata pa.! Ingat ka.!"
Tumango lang ako habang nakatingin sa kanya paalis, ganyan naman yan lagi. Hindi ko nga alam kung bakit ang haba ng antenna nun lahat ng chismis pilit inaalam.
Nag unat muna ako at nag ayos ng gamit bago umalis. Bukas na lang yung mga papers na pipirmahan, madali na lang yun ipapadala ko na lang sa bahay.
Bumaba na ako ng elevator at sumakay sa kotse ko. Sana naman hindi traffic. Inaantok na ako, gutom pa. Tinapay lang lagi nasa kotse ko eh.
Habang nag dadrive naisip kong dumaan sa Amida park. Gusto kong ibili yung mga bata ng pagkain kaya nag drive thru ako sa isang fastfood chain. Ang sarap lang kasi nilang tignan na masaya kahit alam kong nahihirapan din sila sa sitwasyon nila.
"Mga bata! May dala akong pagkain!"
"Ate kristine!!! "
Napangiti naman ako pero napansin kong may hawak silang mga pagkain.
"Saan galing yan?"
"Kay kuya tiel po saka kay ate daniella."
"Ooww. Eto oh, pag nagutom kayo ah..kainin niyo to agad. Una na ako hah? Medjo pagod ako eh, babalik na lang ako next time okay ba yun?"
"Opooooo!!!"
Daniella, Daniella.
Hmmm.
Tinawagan ko si Seatiel. Hindi niya sinasagot kaya nag iwan na lang ako ng message.
"BUSY KA PALA TALAGA NOH?"
------------------
BINABASA MO ANG
My XL wish
Teen FictionTUMABA ang isa sa ayaw ng mga babae, pero kay Kristine wala itong problema lalo na kung Brokenhearted ka. pero, ayaw na niya. paano siya magbabago? at sino ang makakapagbago sa kanya?