Chapter 09

13 2 0
                                    

[SEATIEL]

Ginabi na kami ni Daniella sa pagkukwentuhan kaya nung makauwi ako chineck ko ang phone ko.

Missed call from Kristine, ano naman kayang problema nito?

May iniwan siya message kaya nagtaka ako.

"BUSY KA PALA TALAGA NOH?"

Nakita niya ba ako? Bakit ba andaming alam ng taong ito eh? Hindi ko na lang pinansin kaya natulog na lang ako.

***Kinabukasan.

"Hello?"

[Hi! Daniella here.! Tiel, pwede ba tayong pumunta somewhere?]

"Ahhm..

[Bored lang kasi ako dito sa house eh pretty please?]

"Okay. Give me some minute para mag prepare"

[KRISTINE]

Maaga akong pumunta dito sa gym, wala lang, nainspired lang akong mag work out lalo na ngayong nabawasan ng konti yung weight ko. Like omaygarsh!!

"Good morning mam" masiglang bati sa akin ng elevator girl.

"Good morning din, anjan na ba si seatiel?"

"Ayy mam, wala pa po, di ko pa nakikita si sir."

"Ah ok sige."

First time atang siya ang malate sa work out ah?

{ 1 hour later }

As in foot ah!!! Ang tagal naman, naaksidente ba siya? O late ng gising o kaya naman traffic. Ilang beses ko siyang tinatawagan pero, walang sumasagot, pa VIP naman siya ngayon ah.. nakakainis.! Makaalis na nga lang, bahala siya sa buhay niya. Napagpasyahan kong pumunta sa karinderya malapit sa boarding house namin dati, yung kung saan ako iniwan ni... ugh!!

Malapit lang naman kaya hindi ako natagalang mag drive, may nakita akong isang itim na kotse, aba nga naman asensado na sila bading at may customer nang big time,

Bumaba ako at saktong andito si bading.

"Aaaay!! Ikaw,! Ikaw yung nang iwan sakin nitong ipanemang peke." Sabay pakita nung ipanema na binigay ko dati nung huli kong punta dito 2 years ago.

Di ako sumagot saka bumalik sa kotse ko.

"Oh, eto.! Di ko na nagagamit, sayo na. Ka size pala kita " sabay bigay ko ng CLN na close shoes ko.

"Like.!! Kembot to the left, kembot to the right!! Really? Sakin na to? Like KTL KTR. Major major thank you!! Sige pasok kana "

Gagang to! Kelangan ko pang bigyan ng sapatos bago ako i welcome.

"Kritine?"

"Yaaaa!! Nay Rosa.!! Namiss kita!"

"Ako din ah! Mukhang bigatin ka na ah.?"

"Ano pong klaseng bigatin? Sa timbang o sa trabaho?"

"Pwedeng both a and b? Hehe"

"Ay nako manang di ka pa rin nagbabago."

"Ano bang meron at napunta ka dito? Napakadaming magagandang restaurant sa ibang lugar, eh di sana dun ka nalang kumain,"

"Ano ba manang? Gusto niyo kong pakainin o ayaw niyo? Diretsuhin niyo na ako, para makaalis na agad ako"

"Joke, eto na oh. Maiwan muna kita ah?"

Umalis siya saka pumili naman ako ng order ko. Hmmm, kelangan kong piliin yung mga healthy, sayang naman work out ko diba?

"Nay rosa, chopsuey po saka kanin, saka po pineapple juice."

"Yun lang? Sigurado ka? Kasi diba dati, isang batalyon ang order mo?"

"Manang, dati yun, move on na."

Hinain niya nalang ang order ko saka naupo sa tapat ko.

"Masarap pa din ah, " papuri ko sa luto niya.

"Ako pa, wala namang nagbago sakin eh, sayo lang"

"Maiba ako manang, may bigatin ka na palang customer eh."

"Oo naman, kakagaling lang niyan sa U.S daw. Dumiretso lang siya dito para iabot yung pasalubong ko daw. Tapos ayun kumakain."_

"Ang bait naman, kamag anak niyo?"

"Ayun oh.!" Sabay turo sakin ni manang.

Napatingin ako sa direksyon na tinuro niya,

OH!!!!!! NO!!!! This cant be!!!!

My XL wishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon