[KRISTINE]
Ang shunga shunga nung satty na yun! Ang sakit sakit ng katawan ko kahapon! Hindi tuloy ako makapasok ngayon sa trabaho, nakakainis!!!
Wala pa akong kasama ngayon..
*ding dong*
Sino naman yun? Kinuha ko yung remote sa bedside table at tinignan, may cctv dun sa gate at pinto kaya kita ko kung sino.
Ini-on ko naman yung gate kaya nakapasok si Satty. Oo si satty! Ano naman kaya ginagawa nun dito? Pagkatapos niya akong pahirapan kahapon.! Buti na nga lang hindi full yung nakalagay sa elevator nila eh kaya di ako naghagdan .
"Di ko kaya ngayon, bukas na lang"
"Uso maging hospitable. Bisita ako noh!"
"Eh sino ba kasi nagsabing pumunta ka dito?"
"Nagdala lang ako nung mga groceries"
"Hoy! Akala mo saken? Kaya kong bumili ng pagkain noh!saka andami ko pang stocks dito"
"Healthy foods dala ko,hindi junks. Kelangan mong magbago ng pagkain para effective yang pag transform mo"
"Whatevs."
Nilabas niya lahat laman ng fridge pati mga pang snacks ko. Huhuhu. Mga baby ko!! Bakit niya ba ginagawa to?!
"You mean. Papalitan ko lahat ng kinakain ko?"
"Oo.mag brown rice ka nalang. Tapos vegetable salad, bawal meat pwede fish. Bread, milk saka non transfat na bars."
"Seryoso?! Bawal chocolate? Pringles? Doritos? Cookies?"
"Bawal na bawal.!"
"Softdrinks?"
"Hinde.!!! Milk and water ka muna. Non fat na milk ang dala ko."
Ang epal talaga nito.! Natitimang na naman! Eh andami dami kasing dala. Paano na mga stocks ko dito? Alangan namang itapon ko diba? Eh mas marami pa yun sa dala niya.
"Dont tell me itatapon ko yang mga stocks ko?"
"Mag isip ka nga!! Ipapamigay na lang natin yung iba sa mga bata sa labas nitong subdivision."
"So supplier ka na lang ngayon ng mga madudungis na yun?"
Sinamaan niya ako ng tingin, alam kong ganyan yan lagi pero, iba ngayon.parang may nasabi akong mali.
"Tssss." Yan lang sinabi niya saka nagpatuloy maglagay nung mga dala niya sa fridge.
Pagkatapos namin ay inutusan niya akong magpalit ng damit dahil may pupuntahan daw kami. Sana naman hindi sa gym yun dahil kahit hindi ako kasya sa bintana, tatalon talaga ako.!
"Bilisan mo, ganun ba kahirap kumilos at babagal bagal ka?"
"Oo na! Anoba!? Malapit na naman eh"
Sumakay siya ng kotse at hindi manlang ako pinagbuksan ng pinto.
"Oh, ano sa tingin mo ginagawa mo?" Sabi niya pagbukas ko ng pinto ng passenger's seat
"Sasakay? Hello? Alangan namang mag teleport ako para lang makapasok sa sasakyan noh?"
"Dun ka sa likod. Wala pang umuupo jan"
"Arte mo! Alam mo yun? Daig mo pa bading, owww. Bading ka siguro noh?"
"Sumakay ka na lang!!!!!"
Kelan kaya to makakausap ng mahinahon?
Nakarating kami dito sa Amida Park. Halos katapat lang to ng subdivision namin.
"Anong meron?" Tanong ko kay satty pero di niya ako pinansin at tuloy tuloy na naglakad dala yung mga pagkain ko na pinalitan niya. Puro chocolates pa naman yun -_-'''
"Kuya Tiel! Uyyy!! Andito si Kuya Tiel.!" Sabi ng mga bata na kinagulat ko.
"Ohh. Kumpleto kayo ngayon ah?"
"Opo kuya! Sino po yung kasama niyo?" Tanong nung batang babae sabay turo sa akin.
"Ah, may pinapabigay kasi siya sa inyo mga bata, eto oh dala ko. Maupo muna tayo dun!!" Sabi ni Satty saka sumunod sa mga bata.
"Huy! Anong ibibigay ko? Nakakainis ka, hindi naman sayo yan eh!"
"Can you stop being childish!? Mga bata yan dito sila sa park natutulog dahil inabandona na sila ng magulang nila. Nangangalkal lang sila ng mga basura para may makain kahit isang beses isang araw, tapos ikaw na madaming pagkain, pinagdadamot mo pa?"
May kung anong kumirot sa puso ko, may narealize ako, ganun ba ako kasakim ngayon? Lumaki ba ulo ko? Masama naba akong tao?
Umalis na lang ako at umupo sa tabi ng mga bata.
"Hello. Ako si ate Kristine"
"Hi po ate kristine! Girlfriend po ba kayo ni kuya tiel?"
"Hindi, kaibigan niya lang ako. May dala kaming mga pagkain para sa inyo. Gusto niyo ba yun?"
"Opo.!!" Sabay sabay nilang sabi, di ko namalayang nasa tabi ko na pala si Satty.
"Oh eto, pumila muna kayo para di kayo magkagulo gulo ha?"
Binigyan ni Satty isa isa ang mga bata. Akalain niyo yun? Mabait din naman pala ito eh, sakin bakit hindi?
"Junk foods lang lahat yan, baka naman sumakit tiyan nila?" Sabi ko kay satty.
"Eh eto lang dala natin eh"
"Sandali, "
[SEATIEL]
"Sandali, " lumayo si kristine sa pwesto namin saka may kinausap sa telepono. Sino naman kaya yun? Siguro trabaho.
Namigay na lang uli ako sa mga bata ng pagkain.
Pero, maya maya ay may dumating na delivery galing sa isang fast food chain.
"Mga bata!! Kumain muna kayo ng kanin bago yan!" Sigaw ni Kristine sa di kalayuan na may dalang mga pagkain.
"Yeeeeeheeey!!" Masayang sabi ng mga bata at lumapit kay kristine, sumunod na din ako para mapadali yung pagdadala.
"Anong masamang hangin ang dumapo sayo?" Tanong ko kay Kristine.
"Tsss." Namigay lang siya ng mga pagkain sa mga bata at hindi ako pinansin. Tingnan mo nga naman oh.
Matapos naming mamigay aytahimik naman na kumain ang mga bata.
"Mukang napasaya mo sila ah?" Sabi ko sa kanya.
"Naguilty din kasi ako, una nasabihan ko sila ng madungis tapos pinag damot ko din pagkain ko. Masyado na akong nakain ng yaman ko. Pero, salamat sayo. Narealize ko na kelangan ko din mag share. Tignan mo naman ako, namumutiktik sa laki samantalang sila ang papayat"
"Maniwala ka man sa hindi kristine, naging ganyan din ako. Naranasan kong matulog sa kalsada, hanggang sa inampon ako ng mayamang pamilya at pinag aral. Kaya ngayon, sila yung tinutulungan ko kasi nakikita ko yung sarili ko dati sa kanila"
Ngumiti lang siya habang nakatingin sa mga batang masayang kumakain.
Hindi ko alam pero napangiti din ako.
BINABASA MO ANG
My XL wish
Teen FictionTUMABA ang isa sa ayaw ng mga babae, pero kay Kristine wala itong problema lalo na kung Brokenhearted ka. pero, ayaw na niya. paano siya magbabago? at sino ang makakapagbago sa kanya?