[ROSE]
natuwa ako at nakarating na si kristine. si seatiel nalang hinihintay pero di nagtagal,
"Seatiel, andito ka na rin" sabi ko ng makita si Seatiel na mukang kakadating lang.
"IKAW NA NAMAN?!" sabay nilang sabi, hay nako, mukang aso at pusa .
"Rose, can you explain this?" Baling sakin ni kristine.
"Uso umupo guys."
Umupo sila parehas. At sa isang upuan pa nag agawan.
Syempre, malaki si kristine, ano pang aasahan niyo e di si kristine ang nakaupo.
"Tss. Bear!" Inis na umupo si Seatiel sa tabi ko. Its my turn!
"Since you know each other naman, introduce ko pa din noh. Kristine, this is Seatiel. And Seatiel this is Kristine."
"Not so nice to meet you." -kristine
"Para namang gusto kong makakita ng polar bear ngayon sa pilipinas at kaharap ko pa." -seatiel.
"Teka nga guys! Chill." Baka naman kasi kung saan pa mauwi tong dalawang ito eh.
"Wait, Rose. You planned this, aren't you?" -kristine.
"Eheheh. Ahm, i just want to help you. Since may friend akong makakatulong sayo, which is Seatiel, you have to work with him to get back to your sexy body kristine."
"So, sana sinabi mo na ayaw mo sa size ko edi mas okay pa yun"
"Thats not my point, i mean para makahanap ka ng bagong lovelife, saka para mabago din yung buhay mo"
"Oo nga naman. Hindi kaba nagsasawa jan sa itsura mo?kasi ako wala pang isang araw kasama ka naiinis na ako,"- seatiel
"Ewan ko sayo! Tumahimik ka nga!"-kristine
"Tss, banaman kasi! Kaliwa or kanan man ako tumingin sakop na sakop ng katawan mo yung mata ko eh" -seatiel.
"Try mo tumingin sa taas at baba. Laki laki naman ng problema mo"-kristine.
"OO. Kasing LAKI MO"-seatiel.
Bago pa man makapang abot to, inunahan ko na,
"Heeep! Kayo nga dalawa, umayos kayo. Eto lang yun. Seatiel, gusto kitang kunin as gym instructor nitong si Kristine. Help her or work with her para mabalik yung dating figure niya"
"Naman, gaga! "
"Stop it Kristine,this is for you. Saka wag ka mag alala,. Ako magbabayad. Kelangan mo lang sumunod. "
"What do you think seatiel?"
"Kung may pag asa pa, why not. Pwede namang subukan."
"Hoy!mister seatiel! Umayos ka.! Upakan na talaga kita.sige! Payag na ako."
Pala naman. Papayag din eh. Andami pang chaka-ness nitong Gaga.!
"Bukas pwede naba kayo mag start?"
"Yap. We can. " -seatiel.
[KRISTINE]
Nakakainis.! Nakauwi na ako ng bahay ko and yet, hindi ko makalimutan yung lalaking yun!! Dito ako ngayon sa bahay at hindi sa condo kasi nasa vacation si manang Miel eh, wala akong kasama.
Ops.! Hindi ako na love at first sight ah! Na highblood at first sight lang!
"Eh, kasi naman ang dami mo nang taba.tumataas tuloy dugo mo" sabi nung epal kong konsensya.
Hindi ko nalang pinansin, mabalik tayo, hindi ko gusto yung ugali nun. Alam ba niya yung salitang MANNERS.? Kasi hindi siya na iinform na wala siya eh. Nakakabad trip.!
Isa pa yung si Rose, paplano plano pang ganun. Kung hindi naman dahil sa kanya hindi ko makikita yun.
Pero, look at the bright side, ang swerte ko dahil may kaibigan akong gustong mabago ako, i mean. Ako din nahihirapan na. Anjan siya para tulungan ako na magbago and lucky ako to have like her.
Hay, kelangan ko na nga siguro tanggapin na hindi ako porebah na ganito kalaki. Nakakatawa mang isipin pero, nagustuhan ko din itong pagiging mataba ko at pagiginf broken ko, kasi wala ako ngayon dito sa kung anong meron ako kung hindi dahil sa nangyari dati,. Pero ngayon kelangan ko nang ibuild up yung better version ko since gusto ko baguhin tong buhay ko.
"Yaaaa! Pahingi naman ng gatas at isang pack nung cookies" sabi ko sa intercom .
"Akala ko po ba mag diet na kayo? Ibalato niyo na sakin to mam" foot ah! Bakit ba na hire ko pa itong muchacha kong ito. Pati pagkain ko hihingin niya pa, hello?! Yung Hermes at Prada na bag ko hiningi niya na eh pagkain ko pa.
"Hoy, sinasabi ko sayo, kapag hindi mo binigay yang hinihingi ko, sesante ka!"
"Matagal na po akong sisante mam!"
"Eh bakit di kapa umaalis sa pamamahay ko?"
"Eh mam, bakit naman po ako aalis?"
"Sabi mo sisante ka na?"
"Oho nga po, ako po si Teodora Sisante"
"Ay,! Foot ah! Umayos ka nga. Ibigay mo nalang yung hinihingi ko. Tandaan mo, binabayaran kita ha."
"Opo mam!"
Maya maya andito na si dora, dala yung hiningi ko.
"Madam, baka naman pedeng pa-arbor nung relo mo." Sabay nguso niya sa suot kong relo.
"Aba, abuso kana ah, michael kors pa gusto mo. Ang laki laki ng sweldo mo hindi ka makabili. Saan ba napupunta yun at lagi kang humihingi sa akin ha?"
"Ehehe, mam dun po kay marcelo."
"Hah!? Sino yun?"
"Yun pong guard sa may gate ng subdivision"
"Lumabas ka na nga dito Dora! Eto oh, mapa hanapin mo yung treasure chest!"
"Weh di nga mam?! "
"Oo. Anjan sa mapa yun." Sabay bigay ko nung world map sa kanya, hayaan niyo na nang maligaw at di na bumalik. Isipin mo yun, sweldo niya binibigay pa sa iba imbes sa pamilya niya, nakakaloka!
Pagka alis niya ay humiga na ako dahil kelangan ko ng beauty sleep. Hay.. nakakapagod pa ding mag commute.
BINABASA MO ANG
My XL wish
Teen FictionTUMABA ang isa sa ayaw ng mga babae, pero kay Kristine wala itong problema lalo na kung Brokenhearted ka. pero, ayaw na niya. paano siya magbabago? at sino ang makakapagbago sa kanya?