Chapter 10

17 1 0
                                    

[DEXTER]

"Kristine?" Sambit ko nang makita ko siya sa kariderya ni nay rosa.

Agad siyang umalis nang magsalubong ang mga mata namin, alam kong galit siya sakin dahil sa ginawa ko pero...

Hinabol ko siya at nakitang papasakay siya sa kotse niya, aminado akong malaki ang ipinagbago niya pero...

Humarang ako para hindi siya makaalis. nakailang busina na siya at pinagtitinginan na ako ng mga tao.

"Ano ba mister? Umalis ka na jan kung gusto mo pang mabuhay" sigaw sa akin ni kristine

"Hindi ako aalis dito. Mag usap muna tayo Kristine."

"Ano ba?! Umalis ka na lang"

"Pakiusap, kahit ilang minuto lang" pagmamakaawa ko.

"Sige, sundan mo ako"

Agad akong nabuhayan ng loob at sumakay agad sa kotse ko para sundan siya. Maya-maya'y di ko namalayan dahil sa sobrang tuwa, andito kami sa restaurant. Hindi ako masyadong pamilyar sa lugar na ito.

"Dito ako nakikipagkita sa mga clients ko at sa ibang mga tao"

"Ibang tao naba ako sayo kristine?"

"Diretsuhin mo na lang ako Dexter Ong."

"Pa-pano mo nalaman na nagpalit ako ng surname?"

"Wala. Alam ko lang ..pakelam mo? Ano bang kelangan mo?"

"Una, gusto kong humingi ng tawad sayo Kristine. Sorry sa kagaguhan ko noon. Sorry. Pangalawa, gusto kong magkaayos tayo. Yun lang naman eh"

"Fine" walang emosyong sabi niya.

"Talaga.? Totoo ba yan?"

"Oo." Akmang tatayo na siya pero hinawakan ko ang kamay niya para pigilan ito.

[SEATIEL]

Ipinasyal ko si Daniella sa isang amusement park sa pasay. Mukang puro trabaho nga siguro inasikaso niya sa ibang bansa dahil yun ang bukambibig niya habang nakasakay kami kanina sa ferris wheel.

"Tiel., gutom na ako. May alam ka bang resto malapit dito?"

"Ah oo. Tara? Mukang napagod ka"

"Oo. Ok lang naman ako, gutom lang, hehe"

Napatigil na lamang ako sa pag dadrive nang tumawag si Rose.

[My gahd! Seatiel, ! Whats happening? Andito ako sa gym and sabi nag hintay si Kristine dito ng ilang oras sayo. Ano ba?! Pagdating ko wala na siya and di ko ma contact.]

"Ayst! Oo nga pala. ! Wala ba jan sa office niyo?"

[Wala. Kaya nga hinahanap ko, baka kung saan yun nagpunta]

"Tsk. May inasikaso kasi ako eh"

[Just to remind you, hindi ako naglalabas ng pera para sayangin pambayad sayo, tulong ko to kay Kristine, sana gawin mo na lang part mo]

"Yah. I know. Im sorry, bukas na lang, kasi may kasama ako ngayon. I cant handle that training now. Im sorry again."

*toot*

Ibinaba niya lang ang telepono. Ano ba naman yan?! Nakarating na kami dito sa may restaurant kaya pinagbuksan ko ng pinto si Daniella.

"Table for two please" sabi ko sa sumalubong samin sa loob.

"Ang gandang place pala dito noh"

"Nagpunta na ako dito once, and yah, tama ka sobrang peaceful din, saka may privacy dito."

"Ano kayang ma-ord---- wait, Dexter?"

Napatingin ako sa kanya , kita sa ekspresyon niya ang pagkagulat. Si Dexter? Akala ko ba nasa ibang bansa pa siya? Lumingon ako sa direksyon na tinignan niya and..

"KRISTINE?!"

My XL wishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon