[ROSE]
agad akong pumunta sa may gym na pinupuntahan ko every week. hindi ko sinend kay Amor yung number kasi gusto kong ako mismo ang mag introduce sa kanilang dalawa.
"Goodmorning ms.Rose."
"morning, si Seatiel anjan ba?"
"wala pa po si Sir eh"
"aww. sige thank you"
imbes na mag intay may naisip na naman akong bright idea.! bakit ba ang smart ko?
tinawagan ko si Kristine.
[hello? Kristine Aranzanso speaking]
"hoy, gaga! si Rose to! "
[ay! gaga! miss na kita, bakit di kana pumupunta sa office?]
"gaga, alam mo na, busy sa work. let's meet?"
[sige, tapos ko na naman ang paper works ko. saan]
"sa café malapit sa unit ng condo mo"
[cge. wait me there. see ya!]
sunod kong tinawagan si Amor.
[oh?]
"uso ang hello amor! uy butasin mo naman gulong nung car ni Kristine, "
[hoy! para sabihin ko sayo gaga! ayokong mapahamak.]
"may plano din ako, para kay kristine din to noh! butasin lang naman eh,"
[bakit ba?]
"pag nakita niyang butas gulong niya, makikipagkita siya sakin."
[sabagay, antagal niyo nang di nagkikita eh.sige na! utang mo to gaga ka ha!]
"akong bahala sayo gaga!"
tingnan niyo to, ambilis mauto ni amor. hahaha.!
tinawagan ko si Seatiel para din makipagkita sa cafe, at ang mokong sira daw ang kotse kaya ayaw pumunta. of i know, allibi na naman niya yun, edi tinakot ko na kapag di nakipag kita di na ako pupunta sa gym niya wala pang dalawang segundo napa oo nalang.you're so galing talaga Rose!! tskk.
[KRISTINE]
nasa basement na ako ng makita ko si Amor.
"ooh? ginagawa mo dito sa parking lot?"
"ah-eh. m-may hina-hanap kasi ako sa kotse ko na files, siguro naiwan ko sa bahay o na misplace sa office. si-sige ha?" sabay takbo niya, aba naman kita mo na!
pasakay na ako ng,
"What the Heck?!" sigaw ko ng makitang flat ang dalawang gulong ko. kanina naman di yan ganyan eh,
konsensya1: ayan kasi, ang bigat bigat mo na!
konsensya2: paano ka na ngayon kristine?
konsensya3: may mga taxi naman at saka pwede namang magcommute noh, anong silbi ng taba mo, este ng utak mo kung di mo ginagamit diba?
"TAMA!" mag cocommute na lang ako. hmmm.
sumakay ako ng taxi,
"saan po ma'am?"
"LRT station po manong"
"ok po."
matapos ang 15 minutes.
"magkano po manong?"
"230 pesos po ma'am"
binigyan ko si manong ng 300 dahil ayoko magbigay ng 230. trip ko eh, gaya kayo.
ang haba naman ng pila, paano nga ba uli sumakay dito? nakalimutan ko na eh. kaloka naman kasi!
nakabili na akong card chuchu at inilagay ko ito sa isang machine saka kinuha pagkalabas.
napatingin ako sa relo ko, ano ba yan bakit ayaw pa niya umikot? antagal naman, para makadaan na ako, 10 minutes din ang nakalipas ayaw niyang umikot. sira ba ito?
nang biglang magsalita ang nasa likod ko,
"hoy miss, aabutin ka ng pasko kung iintayin mo yan umikot ng kusa."
"ha?"
"ikaw mismo ang mag iikot nyan. hindi yan iikot mag isa para sayo, taga probinsya kaba?" aba at! kita mo tong si kuya, porket gwapo at maputi plus matangkad akala mo may karapatan nang mag sungit sa akin?
ginawa ko ang sinabi niya, oo nga noh?
"tss. ignorante kasi eh"
"hooy, manong kuya, whatever. hindi ako ignorante ha? sadyang first time ko lang uli sumakay dito kaya di ko alam ang gagawin. "
di niya ako pinansin at umiling na lang. ang snob nito! kainis. dumating na ang tren
bumukas na ang pinto pero andaming lumalabas, hindi ako makasingit o makapasok.
nabigla ako nang may humatak sa akin kaya hindi ko namalayan na nakapasok na ako sa loob.
"salamat ha, kahit ansama ng ugali mo" sabi ko dun sa lalaki kanina.
"wag ka magpasalamat, naawa lang ako sa mga lumalabas dahil baka maipit sayo, este sa pintuan"
inirapan ko na lamang ito at umupo na.
after blank minutes, nakasakay na uli ako ng taxi papunta sa meeting place.
pagkababa ko ay nakita ko uli si kuyang masungit sa tren.
"IKAW.?!" sabay naming sabi sa isat isa.
"SINUSUNDAN MO BA AKO?!" sabay uli
"MAY IMI-MEET AKO!!" sabay na naman.
"WAG MO NGA AKO GAYAHIN!" sabay na naman uli.
gaya gaya kasi eh. pumasok na lang ako at iniwan siya,
"oh! hello there gaga! you made it!" pagbati ni rose sa akin.
"oo na lang, painom nga kaloka mag commute nasira car ko" sabay inom ko ng juice ni rose.
"Seatiel, andito ka na rin" napatingin naman ako sa kinausap niya, mukang nasa likod ko lang. i turned to my back, and I saw him.. bakit? siya? anong ginagawa niya dito?sinusundan ba talaga niya ako? deym.
BINABASA MO ANG
My XL wish
Подростковая литератураTUMABA ang isa sa ayaw ng mga babae, pero kay Kristine wala itong problema lalo na kung Brokenhearted ka. pero, ayaw na niya. paano siya magbabago? at sino ang makakapagbago sa kanya?